Chapter 8

18.9K 871 184
                                    

Erin's PoV:

Panaka-naka akong tumitingin dito sa katabi ko ngayon. She's looking outside at hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin sya. Hmm... I wonder why.

I took a glance on the back seat at tahimik lang din naman ang mga doggies ko. Behave sila. Ang cute talaga nilang dalawa. I put seatbelt on them para sure.

I heaved a sigh at binuksan ang radio para naman mabawas-bawasan ang katahimikang namamayani.

Binabaliw ako ng selos
Di ko man aminin

I continued driving habang nakikinig. Infairness, ang ganda ng song ha. Masearch nga mamaya yung title. Iaadd ko sa playlist ko.

Selos, selosa
Selos, selosa

Hindi pa natatapos ang chorus nang mawala ito bigla. I noticed na isang kamay pala ang nagturn-off non. Ano ba talagang trip nitong si Ella ha?

"Tss. Ang ingay naman nyan." Masungit nyang saad. Hmp. Maingay daw.

The silence came back on our atmosphere. Geez. Tanging tunog lang ng sasakyan ang maririnig.

Maybe, gustong magrelax ni Monster.

Minutes later, nakarating na rin kami sa aking unit. Walang atubiling lumabas kaagad ng sasakyan si Ella sa oras na pinatay ko ang makina.

Nagmadali ako para na rin masundan ko sya. Hmp, nang-iiwan eh. Inayos ko muna ang lahat before I go after her.

"Ella, antayin mo naman ako!" I shouted ngunit tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad nya na para bang walang kasama.

Napailing na lang ako sa kawalan. Mukhang wala ata syang balak na sundin ako. Aish. Ano na naman kayang nagyari sa isang ito?

"Mukhang wala sa mood ang Mommy nyo." Pagkukwento ko sa aking mga babies. They both just barked and wiggled their tails na para bang masaya sila.

Agad ko silang iginaya sa elevator at pinindot ang floor ng aking unit. I guess, nasa loob na si Ella. Well, alam naman nya kasi yung passcode ko.

Ting!

I chuckled nang mas nauna pang lumabas sa akin ang dalawa kong doggie. Hindi naman halatang excited sila noh?

But of course, hawak-hawak ko pa rin sila. Nagpatianod na lang ako because they know the location of my unit.

They stopped outside of the door. They're still wiggling their tails. Masaya kong binuksan ang pintuan at nagkumahog na agad silang pumasok.

Automatic na pumasok sila sa kanilang dog house. I decided na hayaan na lang muna sila.

Hmm... Nasaan kaya ang monster na yun?

Naisipan kong icheck ang bedroom sa pag-aakalang nandon sya ngunit wala. Suddenly, napatingin ako sa balcony. Isang bulto ng tao ang aking nakita. Andito lang pala sya.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. I saw that she's looking outside. Maybe, nag-uunwind or nagpapakalma.

I faked a cough to catch her attention ngunit hindi pa rin sya nagbaling ng tingin sa akin.

"Anong nangyari sayo? May problema ka ba?" Tanong ko. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin sya sumasagot.

I heaved a sigh. "Ella, pansinin mo naman ako." Saad ko but I just heard a 'tsk' from her. I slowly placed my hand on top of her.

"Ugh! Alisin mo nga yan." Mataray nyang saad. Hmp. Bakit hindi na lang nya tabigin? Kayang-kaya nya naman yun gawin eh.

"C'mmon tell it to me, Ella. Maayos naman ang mood mo kanina. Anong nangyari  ngayon?" Pamimilit ko sa kanya. I badly want to know why.

University Series : Ella Claire Fuentes Where stories live. Discover now