Chapter 34

13K 654 102
                                    

Ella's PoV:

"Bitch what happened to you? Why so grumpy?" I heard Athena said to me. I glanced at her at nakitang parang natatawa pa sya. Aba't! Pang-asar pa talaga.

Nagpakawala ako ng matalim na irap sa kanya at itinuon muli ang atensyon ngayon sa court. Damn it. At dito pa talaga nila naisipang maglandian huh? So cheap. Argh! Nakakainis!

"Hay nako. Kawawa naman yung cake na kinakain mo Ella. Minurder mo na. Poor cake." Jared uttered at napailing na lang sa kawalan.

Napababa ako ng tingin sa aking kinakain at oo nga, it looks like it was mudered by someone. I felt pity for it too. Agad kong ibinaba ang hawak-hawak kong tinidor.

Mygoodness. Why do I feel the urge na para syang masarap na isaksak sa isang tao? Misty sana yung pangalan. My so-called-cousin to be exact. Gosh. I love that idea.

Mas better naman yun kaysa sa ipalapa ko sya sa shark or tiger diba? Well, she should be thankful dahil may kaunti pa naman akong bait. Duh.

You know, dapat talaga may ginagawa doon sa mga mahaharot. Ugh. Ang sakit nila sa ulo.

Naputol ang aking iniisip nang marinig kong nagsalita si Stacey.

"Oh my! Bitch, knows na namin yung mga ganyang klaseng ngisi. May pinaplano ka noh?" Isang mapaglarong ngiti ang nakita kong nakapaskil sa kanyang labi.

I scoffed. Hindi ko yun namalayan ah. "Of course! Tss. Pare-parehas kaya tayong galit sa mga malalandi."

Nakita kong napa-woah naman silang dalawa ni Athena. Yeah, right. I'm so great and bright. I'm just spitting facts kaya ganon.

"I still can't believe that but I do agree with you bitch." Athena said habang tumatango. "They can't blame us. Duh."

We three giggled because of that. Nagkakaintindihan at nagkakasundo kasi kaming tatlo when it comes to this matter.

Habang si Jared naman ay natatawa na lang na nakatingin sa amin. Che! Palibhasa, hanggang ngayon ay wala pa rin syang girlfriend.

Baka kasi boy na yung para sa kanya.

"Ano ba kasing ganap at nakasimangot ka na naman dyan? Pachismis naman kami."

"Kaya nga Ella. Nahuhuli na kami sa balita eh."

I heaved a sigh. Mukha atang hindi sila titigil hangga't sa hindi ako nagkwekwento. Okay fine.

"It was Erin." Panimula ko.

I heard they hissed. "Expected na namin yon dahil sya naman ang always na dahilan kapag hindi maganda ang mood mo." Stacey said in a duh tone.

Sinamaan kosya ng tingin at nakita kong napa-peace sign naman sya. Hmp. Wag ko na kayang ikukwento sa kanila ang nangyari.

"She said that Misty, my cousin is her fiancee."

Fuck it. Napakuyom ang aking kamao. Ayaw kong sabihin yung term na yun pero kailangan. I can feel the rage that is starting to build up on me. Nag-iinit ang ulo ko.

I heard they gasped in shock. "For real?!"

Napaiwas ako ng tingin at mabagal na tumango. Saktong-akto at talagang natapat pa ang aking tingin sa direksyon nila Erin at ng mahadera kong pinsan.

They're chitchatting na para bang may sarili silang mundo. At talagang may pahampas-hampas pa ang Misty na yun sa asawa ko huh? Argh!

Relax, Ella. Ngunit nag-igting pa lalo ang aking panga when I saw that Misty leaned closer kay Erin.

Nagngingitngit na aking buong sistema. Naiinis ako. Nakakarami na ang babaeng yun ha!

Damn her! I want to slap her face so much. Yung tipong hindi nya makakalimutan sa buong buhay nya.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon