Basang-basa na naman ako ng pawis dahil sa paglalaro ng basketball. Basketball na invisible ang kalaro. Wala talaga akong maka-laro, e.
Shooting, dribbling, at papawis lang talaga ang ginagawa ko. Alas sais pa lang ng umaga at kanina pa ako nagsimulang maglaro dahil mamayang alas nuebe ay may lakad ako.
May date kami ng girlfriend ko.
Tangina, girlfriend ko na si Dove! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Isang buwan na kaming mag-on pero ngayon pa lang kami makakapag date dahil busy kami pareho noong nakaraang mga linggo. Siya, busy sa school. Ako naman, busy sa training.
Malapit na kasi akong umalis.
Noong mga nakaraan na linggo ay through chats, phone calls, and texts lang kami nakakapag usap. Tuwing Sabado ay ginagawa niya ang school works niya, ako naman ay pahinga ko 'yon buong araw dahil Monday to Friday na ang training ko. Buong maghapon pa 'yon kaya naman talagang sobrang sakit ng katawan ko. Tuwing Linggo naman, araw namin para sa sarili namin at araw ng pananampalataya kay Lord. Pareho kaming ng relihiyon ni Dove kaya nagkakaintindihan kami.
So far... maayos ang takbo ng relasyon namin. Tama ako no'ng sinabi kong kaka-iba si Dove sa lahat. Naiintindihan niya ang mga priorities naming dalawa. Hindi siya clingy na nakakairita. Sweet siya sa akin minsan kapag hindi nahihiya. Higit sa lahat... hindi siya toxic. Naiintindihan niya lahat ng sitwasyon.
Naiintindihan ko naman na nangangapa pa siya sa relasyon naming dalawa. Nag-aadjust pa siya sa akin and that's okay. Gano'n din naman ako.
Tinanong ko siya kung saan niya gustong maganap ang first date namin as official couple at sabi niya, mas gusto niya raw na chill date lang kaya roon na lang daw kami sa apartment nila. Ang extravagant na raw kasi noong mga nakaraan namin na date, no'ng nililigawan ko pa lang siya. Kaya for a change, gusto niya ng chill lang.
Sabi pa niya, hindi naman daw nasusukat sa kung gaano ka-expensive o kabongga ang isang date para masabing special 'yon. Nasa kung sino raw ang kasama mo. Doon lang daw nasusukat 'yon.
Swerte ko 'di ba? Girlfriend ko ang may sabi niyan.
Matapos kong mai-shoot ang bola sa ring ay na-upo na ako sa bench na naroon sa bakuran namin. Uminom ako ng tubig at nang nakapagpahinga na, tsaka ako nagpasyang umakyat na sa kwarto ko.
Naligo ako at nagbihis. Simpleng black polo shirt, maong jeans, black cap, at white sneakers lang ang suot ko.
Tumingin ako sa salamin at na-realize na ang gwapo ko pala talaga. Sana all.
Matapos kong isuot ang relo ko ay bumaba na ako. Nakasalubong ko si Manang Olga na paakyat naman ng second floor.
"Oh, saan lakad mo, Dylan?"
"May date ako ngayon, Manang. Ayos po ba ang porma ko?" Itinuro ko pa ang suot ko.
Pinasadahan naman niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Animo'y sinusuri akong maigi.
"Pwede na... Gwapo, Den-Den." Ngumisi siya na mapang-asar.
"Manang! Binata na po ako, Den-Den pa rin?" Naiinis kong saad.
"Totoy ka pa rin sa akin, Den-Den." Humalakhak siya at nilampasan ako.
Lakas mang-asar no'n ni Manang. Den-Den kasi ang tawag nila sa akin no'ng bata ako. Den-Den was derived from my second name, Aiden.
Umalis na ako roon at sumakay na ng kotse. Mabilis akong nag-drive papunta sa apartment ni Dove.
I brought some painting materials for her, again. And I also went to her favorite pizza parlor to buy her a box of pizza while on the way here.
BINABASA MO ANG
Veil of Love (Military Series #3)
RomanceCOMPLETED Colonel Dylan Aiden Alvarez, found the love of his life. They lived their life filled with happy moments. Happy moments which they genuinely treasured. But what if those moments fade away? And you lost hope that it will eventually come ba...