“Talo na ba ako?” tanong ko kay Caleb, kapwa sundalo ko at Colonel din.
“Oo. Bobo mo kasi,” aniya at inirapan ako. Ibinaba niya ang hawak na cellphone sa lamesang nasa harap namin.
Asawa nga ito ni Kara. Walang duda.
Naglalaro kasi kaming dalawa ng ML. 1v1. Talo na pala niya ako, hindi ko na napansin.
Isa ito sa pinagkakaabalahan naming mga sundalo sa tuwing wala kaming ginagawa sa loob ng barracks. Actually, hindi naman talaga kami marunong nito ni Caleb. Na-impluwensyahan lang kaming dalawa ni Ethan.
We’re currently in Special Forces base here in America. Isang buwan na kami rito mula no’ng nadeploy kami. Galing akong Indonesia, tapos si Caleb, katatapos lang ng leave.
Magdadalwang taon na akong walang tigil sa serbisyo para sa bansa. Magdadalwang taon na akong palipat-lipat ng lugar. Hindi ako nagpapahinga o nagbabakasyon manlang. Hindi ako umuuwi ng Pilipinas kasi... baka hindi pa handa yung gusto kong uwian.
Halos dalawang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita, pero kahit anong gawin ko, kahit sinong makasama ko, kahit saan ako magpunta, si Dove at si Dove pa rin ang nakikita ko.
Laging nalulugaw ang utak ko ka-iisip kung kumusta na siya, kung maayos ba ang kalagayan niya, o kung mahal niya pa ba ako.
“You should take a break, man.” Tapik ni Caleb sa likod ko.
Ngumiti ako pero hindi naabot ang aking mga mata. Bumuntong hininga tuloy siya pero hindi ko na pinansin. Ilang sandali kaming tahimik bago ako tuluyang nagsalita.
“Kumusta na siya?” tanong ko kay Caleb nang hindi siya tinitingnan.
Nagulat yata si Caleb sa tanong ko dahil hindi agad siya nakasagot. Kung hindi ko pa siya tiningnan, hindi yata siya magsasalita.
“She’s... alright. I guess? Balita ko, artist na raw. Kilala na sa Pinas.”
Napangiti ako ng dahil doon.
Finally, my baby is living her dream.
“Did she date any boys?” tanong ko habang umiinom ng malamig na tubig. Kinakalma na agad ang sarili kung mayroon nga ang sagot ni Caleb.
“Sabi ni Dragona, marami raw umaaligid at nagtatangkang manligaw—”
Napatigil si Caleb sa pagsasalita nang mariin kong ibinaba ang hawak na baso sa lamesa.
“Tapos?” kalmado kong tanong.
“Pero hindi naman daw pumapayag na magpaligaw kaya kalmahan mo lang, pare.”
“I am calm.”
Nagtaas siya ng kilay at ngumisi.
“Oh? Kaya pala halos madurog yang baso sa pagkakahawak mo,” aniya at tumawa.
Umiling na lang ako at hinayaan siyang pagtawanan ako.
Sino-sino kayang mga gago ang umaaligid sa asawa ko? Iniisip ko pa lang na nililigawan siya ng iba, kumukulo na agad ang dugo ko at umuusok na agad ang tenga at ilong ko.
“How was your family?” tanong ko kay Caleb.
“They’re fine. Mama moved to our house a week ago. Halos hilahin na raw siya ni Kara papunta sa bahay namin. Iyong babaeng ‘yon talaga,” aniya at napa-iling. Marahil nagsisisi dahil sa babaeng pinakasalan.
“And your wife?”
“Tinatanong pa ba ‘yan? E ‘di ayun. Dragona pa rin. Maingay pa rin. Sakit pa rin sa ulo. Pero mahal na mahal ko.”
“Pft. Damn, whipped.” Tinawanan ko siya kaya naman nakatanggap ako ng sapak.
“Gago, bakit mo ko sinapak?” tanong ko habang nakahawak sa batok kong sinapak niya.
“Huwag kang magmalinis,” aniya at umirap.
“Tss. How about your children? You have two, right?” I asked.
“Yup. One boy and one girl. Two years old and two months old.”
“Iniwan mo pala agad si Kara pagkatapos manganak. Ang sama mo naman.”
“I had to. Papatayin na ako ni General. Kung hindi pa ako babalik, baka sunduin na ako roon sa Calauan mismo.”
“Sabagay. Tsaka kayang kaya naman siguro ni Kara ‘yon. Naroon na rin naman ang Mama mo, at may mga magulang din naman siya. Hindi siya pababayaan nila.”
“You’re right. Dove and Madi’s always there, too. Tinutulungan daw siyang mag-alaga nong dalawa.”
“Marunong na mag-alaga si Kalapati?” tanong ko.
Tumango si Caleb.
“Yup. Kaya ang payo ko sa’yo, uwian mo na. Tapos anakan mo na rin. Para madagdagan na yung magpipinsan.”
“Gago, hindi naman gano’n kadali ‘yon.” Ako naman ang umirap sa kanya.
“Bakit hindi mo subukan? Malay mo, maayos na talaga siya. At ikaw na lang ang hinihintay niya?”
Is she ready to face our relationship? Am I ready to face her?
Napatulala ako dahil sa pag-iisip.
“You should consider going home, man. After all, she’s still your wife.”
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Maybe... I should go home.
It’s been almost two years. I hope she healed from everything she suffered from.
Sabay kaming napabaling ni Caleb nang biglang bumukas ang pintuan.
“Mga dude! Mga cousins!” sigaw ng ulupong na si Ethan. Kasama niya si Cyrus, ang best friend niya.
“Anong mga cousins? Pinsan ba kita?” tanong ni Caleb nang makalapit ito sa amin.
“Hindi. Pero pinsan ng asawa mo ang asawa ko kaya magpinsan na rin tayo.”
“Ah. Kayo pa rin ni Madi? Hindi ka pa dine-divorce?” biro ni Caleb.
“Pare alam mo? Nahawa ka na sa asawa mo, pasmado bibig niyo pareho. Tse!”
Sabay-sabay kaming tumawa.
“Luh. Nakikitawa yung isa. Ayaw umuwi sa asawa niya para totoong masaya na siya.” Pagpaparinig ng unggoy na si Ethan.
“Luh. Nagsasalita yung unggoy na basted agad sa asawa niya kahit hindi pa naliligawan.”
“Tumigil na kayo. Asaran kayo nang asaran.” Saway sa amin ni Cyrus. Seryoso siya at mukhang wala sa mood.
“Luh. Bitter yung isa riyan. Na-ghost kasi ni Rhian. Hahaha.” Tawa nang tawa si Ethan kaya hindi niya namalayan na nasapak na siya ng best friend niya.
“Don’t say bad words,” aniya at inirapan kaming lahat.
Bumukas ulit ang pintuan at pumasok naman sina Joseph, ang best friend ni Caleb, at si Thomas, ang best friend ko.
“ML tayo. 3v3.” Si Joseph at isa-isa kaming inapiran.
“Sige ba. Basta si Cyrus at Caleb ang kasapi ko. Ayaw ko kay Ethan. Bobo mag-core.” Si Thomas.
“Ako? Ayaw mo rin sa’kin?” tanong ko sa matalik na kaibigan.
“Ayaw ko rin sa’yo. Lumilipad utak mo, e. Nasa himpapawid, baka hinahanap yung kalapati niya,” aniya at sabay-sabay silang tumawa.
“Sige lang. Tawanan niyo lang ako.”
Tignan ko kung hindi kayo umiyak kapag umuwi na ako ng Pinas sa isang araw.
I smirked at my thought.
BINABASA MO ANG
Veil of Love (Military Series #3)
RomanceCOMPLETED Colonel Dylan Aiden Alvarez, found the love of his life. They lived their life filled with happy moments. Happy moments which they genuinely treasured. But what if those moments fade away? And you lost hope that it will eventually come ba...