THIRTY TWO

1.3K 160 65
                                    

SHOCKED...

Iyon ang naging sitwasyon ko habang pauwi kami sa malaking bahay.

Malalim akong napabuntong-hininga.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Tila isang panaginip lang ang lahat ngunit kabaliktaran iyon ng pagkibot ng aking mga labi.

Napalunok ako dahil tila nararamdaman ko pa ang pananalasa ni Ginoong Lumot sa aking bibig. Ang init ng hininga nito at at mahigpit nitong kayap sa aking katawan.

Napaka-init nang naging palitan namin ng halik na halos umabot ng ilang minuto. Kung hindi pa kami nakarinig ng kaluskos sa paligid na marahil ay mula sa isang ligaw na hayop ay baka hindi iyon natapos sapagkat sa unang pagkakataon ay tila natupok ang aking katinuan. Nawalan ako ng kontrol sa aking sarili at hinayaan ko itong tangayin ako sa mundong puno ng kakaibang sensasyon.

Nahalikan na ako ng isang beses ngunit malayo ang kaba at pagkasabik na naramdaman ko sa paggiging mapusok ng antipatikong Beta ng WarLord.

Hindi ko akalain na sa likod ng pagiging masungit nito ay bihasa ito sa larangang iyon.

'Fufufu!'

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa amin pagkatapos. Kung ano ang iisipin ko at kung paano ito pakitutunguhan.

Una pa lang at ayaw na namin sa isa't isa kaya talaga namang nakagugulat na may biglang kissing scene na maganap sa pagitan namin.

Muli akong napabuntong-hininga.

Sabagay, oras na matapos ko na ang lunas sa Moon Coronapest ay maaari na akong bumalik sa Lilipun. Hindi ko na kailangang problemahin pa kung paano ito haharapin araw-araw at siguro naman... siguro naman ay hndi na ako itataboy o ituturing na isang alien at halimaw ng aking mga kapit-bahay.

Sa bago kong anyo, maging si Bruno ay tiyak na mahe-head-over heals sa akin. Kaya wala na akong dapat ipangamba. Wala nang dapat katakutan pa.

'Fufufu!'

Kahit paano ay namimiss ko na rin ang aking munting bahay at ang aking mga halamang rosa. Siguro naman ay magkakaroon na ako ng tahimik at normal na buhay sa pagbabalik ko sa bayan ng Lilipun.

Sa isiping iyon ay bahagyang nawaglit sa aking isipan si Ginoong Lumot. Napuno ang aking dibdib ng pagkasabik na umuwi ngunit biglang bumalik ang aking diwa sa kasaluluyan nang tumabi si Ginoong Nakasisilaw sa aking paglalakad at ini-akbay nito sa aking balikat ang isa n'yng braso.

'Fufufu!'

Bakit pakiramdam ko ay may problema ito sa salitang personal space?

Hindi ba nito naiintindihan na mapanganib ang dulot sa aking kalusugan ang kakisigan at kaguwapuhan nito? Hindi ko tuloy alam kung sisitahin ito o hayaan na lang. Hindi ko rin alam kung saan ibabaling ang aking paningin dahil tiyak na kapag itunuon ko iyon dito, sisirit na naman ang aking dugo palabas ng aking ilong.

Naglakas loob ako at tinangkang alisin ang braso ng Ginoo upang iwasang mangyari iyon ngunit hindi ito pumayag. Lalo pa ako nitong kinabig palapit sa katawan nito sabay baling sa mga kasamahan namin sa likuran na sina Aztec at Ginoong Lumot.

"Bagay ba kami?" Tanong nito sa dalawa na muntik ko nang ikatapilok ngunit naging maagap ito sa paghapit sa aking bewang upang hindi ako matumba. "Careful, Erika. I don't want my future wife to be hurt."

Napasinghap ako ng malakas.

"F-future wife?" gagad ko sa tinawag nito sa akin. Wala yata akong natatandaan na pumayag ako na maging asawa nito.

Nagbibiro lang ito, hindi ba?

"I am serious, Erika," wika ni Ginoong Nakasisilaw. "Once we captured the witch then I'll marry you. Hindi mo na kailangang bumalik sa Lilipun. You are going to stay here in WarLord as my Luna and my mate. At siguro naman ay wala tayong magiging problema doon, tama ba Legion?" Baling nitong sa Beta at sa pagkakataong iyon ay makahulugang tinapunan ng tingin ang second in command nito.

Saglit na naumid si Legion lalo na at may diin ang pagkakabigkas ng Pinuno sa mga salita nito. Napansin kong mabilis ako nitong sinulyapan bago nagtagis ang bagang. Isang malalim na buntong-hininga ang hinugot nito at saka lamang sumagot. "If that's your decision so be it, Alpha."

Natigilan ako sabay hagikhik sa aking isip.

'Fufufu!'

Tama ba ang aking narinig?

Okay lang dito na pakasalan ako ng Alpha nito? Eh sira ulo pala ito eh! Matapos ako nitong halikan ilang minuto lang ang nakalilipas, hahayaan na lang ako nitong agawin ng iba?

Agad ko ring sinawata ang aking sarili. Para naman kasing nagrereklamo ako o umaasa na pipigilan nito kahit paano ang kabaliwan ng pinuno nito.

Naalala ko.

Wala nga pala kaming label kaya mahirap umasa.

Fufufu!

"Then it's settled. Erika is going to be my wife," pinal na wika ni Ginoong Nakasisilaw saka muli akong inakbayan at iginiya pabalik sa malaking bahay.

Nagpatianod na lang ako dito dahil sa totoo lang ay gutom, antok at pagod na ako.

Kailangan ko munang kumain at matulog. Baka halusinasyon ko lang ang lahat ng mga nangyayari.

_____________

-TIME SKIP-

"Keep your feelings to yourself, Legion," wika Lux sa matalik na kaibigan bago sila maghiwa-hiwalay upang magpahinga ng gabing iyon.

In the hallway, Legion halted from going to his bedroom. He turned to his Alpha who's behind him, scoffed and then answered. "If this is all about that woman, bud, I have no fee-"

"I saw what happened earlier," putol agad ng Alpha sa iba pang sasabihin ng Beta na ikinagulat nito. "I will think that kiss never happened. Erika is going to be my wife and I will not allow anyone touch what's mine next time even if he's my best buddy or second in command. Are we clear?"

Binigyan ng seryoso at may babalang tingin ni Lux ang matalik na kaibigan. Samantala naikuyom ni Legion ang mga kamay at diretsong sinalubong ang tingin ng pinuno bago tumugon. "Yes, Alpha."

Tumango si Lux at tinapik ang balikat ng kaibigan. "Good. I know you won't disappoint and betray me, Legion."

Iyon lang at nauna na itong humakbang patungo sa silid nito. Inihatid ng tingin ni Legion ang papalayong Alpha at malungkot na napangiti.

"Yes. I better stop this madness before it's too late."

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon