THIRTY THREE

2.7K 193 109
                                    

THREE DAYS LATER...

"Anong nangyari sa'yo Alpha?" takang tanong ni Apache nang umuwi ang Pinuno nila ng hapong iyon na iika-ika.

Naguyumos ang mukha ng Pinuno ng WarLord saka diretsong pumasok sa loob ng bahay. "I don't know what's happening either. Ilang araw na akong minamalas," tugon nito bago nagpasyang umupo muna sofa na nasa sala.

Napalingon dito sina Samu at Aztec na magkatulong na inaalagan ang sanggol.

"Maybe sign of aging?" ani Samu.

Agad na umungol si Lux bilang pagtutol. "Hell, no! We age slower than normal people, dear sister and you know that fact."

Aztec hummed as he was cuddling the pup in his arms. "Then what do you think is happening to you, Alpha?"

Humilig si Lux sa upuan at inisip ng mabuti ang mga nangyayari sa kan'ya ng nakaraang tatlong araw.

"It all started after the night when I told Legion to keep his feeling to himself," panimula ng binata. "The next morning, I had minor accidents. Broke my hip when I stepped on a banana peal that should be in the bin. Fell on a hole in the small newly repaired bridge. Natapunan din ako ng isang timbang tubig galing sa ikalawang palapag na hindi ko malaman kung sino ang may gawa. Yesterday, another accident and another one today!" Napabuga ng hininga si Lux. "I think it's my Beta. He's doing it on purpose!"

Napalatak si Apache na sumalampak ng upo sa katapat na sofa ni Lux. "I knew it. Kaya pala hanggang ngayon ay wala pang girlfriend si Kuya dahil ikaw talaga ang gusto n'ya, Alpha! Ginagawa n'ya 'yan para magpapansin sa'yo. Hindi kaya kayong dalawa talaga ang itinadhana?"

Malakas na napasinghap si Aztec dahil sa narinig. "Kung ganoon, tama din ang obserbasyon ko. Crush ka ni Beta Legion. Nag-crush back ka naman ba, Alpha?"

Lux provided them a deadpan look. "What kind of a stupid question is that?"

Tumaas ang kilay ni Samu. "Kuya, do you like him? I mean, it's no big deal to us if we're going to have a male Luna."

The Alpha frowned and replied, "I am not gay and where the hell did you get those silly ideas?"

The three bestowed him suspicious stares and Lux snapped.

"Oh forgoddess's sake! Ang gulo n'yong kausap!" Akmang tatayo ang binata upang iwan na lang ang mga ito ngunit biglang dumating ang pinag-uusapan nilang Beta na may tangan na punpon ng mga rosas.

"Bud." Lumapit si Legion sa Alpha at ini-abot ang mga bulaklak.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ng mga nasa sala at makahulugang nagkatinginan ang mga ito.

Nasapo ni Lux ang noo at bumaling sa kapatid. "It's not what you think."

Samu smirked. "Yeah, yeah. We're outta here." She spun around and walked away.

"Aztec, Apache!" pigil ni Lux nang sumunod ang dalawa sa kan'yang kapatid.

"Later, Alpha," anang bubwit.

"Sanaol, may bulaklak! Good luck sa lovelife, Alpha!" wika naman ng third in command.

Naiwan sa sala ang Pinuno na walang nagawa kundi ang mapalatak. "What the fuck!"

"Problem, bud?" untag ni Legion na nasa kamay pa rin ang bulaklak.

Lux turned to him and pinned the beta a serious look before he asked, "Legion, do you like me?"

Natigilan ang kausap at ilang segundong tila naguluhan sa tanong ngunit maya-maya ay sumagot ito. "Yes, bud. I like you."

Nagulat ang Alpha ngunit hindi lang ito kundi ang naroon pa rin pa lang sina Samu, Aztec at Apache na sabay-sabay na napa-AWWWW.

Samantala ang naroon din at kapapasok lang ng sala na si Erika ay napahagikhik. "Fufufu! Love wins!"

Lumarawan ang pagkalito sa mga mata ni Legion at nasapo naman ng Pinuno ng WarLord ang mukha nito sa kahihiyan sabay ungol. "Damn it! Anong klaseng mga kamalasan ito!"
___________

-Time Skip-
(Erika's POV)

NGAYON ay nauunawaan ko na ang lahat.

Walang kahulugan ang paghalik sa akin ni Ginoong Lumot dahil ang totoong nilalaman ng puso nito ay si Ginoong Nakasisilaw. Marahil ay gusto lang ako nitong lituhin at ilayo sa Alpha kaya nagawa ako nitong akitin ng kan'yang mga halik.

Ang kaso, nabigo ito dahil pursigido ang Pinuno ng lupaing iyon na pakasalan ako.

Fufufu!

Iyon marahil ang katotohanan kaya simula at sapul ay ayaw nito sa akin. Para dito ay isa akong malaking sagabal sa kan'yang love life.

"Fufufu!" Muli akong napahagikgik habang nasa loob ng aking laboratoryo.

Nasa proseso na ang lunas sa Moon Coronapest at binabantayan ko ang resulta sa mga sandaling iyon nang  pumasok sa aking lungga ang isa sa mga nilalang na laman ng aking isipan.

"Erika," banggit sa aking pangalan ng Beta ng WarLord at humakbang palapit.

"Ginoo," may sorpresa sa boses na anas ko at agad na ibinaba ang paningin sa sahig nang huminto ito sa aking harapan. Sa suot nitong grey jogging pants lamang at walang pang-itaas, awtomatikong nagpanic ang aking lamang loob. "Ginoo, huwag kayong mag-alala dahil malapit ng matapos ang lunas-"

Nahinto ako sa pagsasalita nang biglang tumaas ang kamay kamay ni Ginoong Lumot at masuyong sinapo ang aking pisngi. Napanganga na lumipad ang patungo sa mukha nito ang aking paningin para lamang magulat nang bigla ako nitong hagkan.

Mabilis lang iyon at tila parang bulak lang na lumapat sa aking bibig ang mga labi nito.

"G-ginoo,"

Ngunit hindi pa tapos ang aking pagkasorpresa nang muli ako nitong halikan ngunit sa pagkakataong iyon ay mas mapusok. Mas mapaghanap.

Napasinghap na nangunyapit ako sa leeg ng nito at agad na tumugon sa kaparehong paraan.

'Fufufu!'

Alam kong kabaliwan dahil batid kong si Ginoong Nakasisilaw talaga ang laman ng puso nito ngunit hindi pa rin maiwasan na lagi kong maalala ang gabi nang una ako nitong halikan.

Hiniling ko na sana ay maulit ang tagpong iyon at matapos ang tatlong araw ay nagkatotoo nga ang aking dasal.

Nasa harapan ko ang binata habang yakap ako ng mga bisig nito at inaangkin ang aking mga labi.

Hindi ko alam ang motibo nito. Kung ano ang iniisip nito. Kung karibal pa rin ba ako sa tingin nito o baka naman nagsisimula na itong magpaka-tunay na lalake.

'Fufufu!'

Ayokong umasa pero okay sa akin ang enemy with benefits.

Ilang minuto din ang lumipas bago kami huminto.

"P-paano si Ginoong Nakasisilaw?" wika ko na nakayakap pa rin dito.

Sa aking pagtataka ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ng binata bago kinalas ang aking mga  braso na nasa leeg nito sabay hakbang paatras.

"That kiss is not to have something in between us, Erika," anito sa seryosong tinig.

Napakunot-noo ako. "Fufufu! So hinalikan mo ako because...?"

Tinitigan muna ako nito ng mabuti bago tumugon. "That kiss is to say goodbye. Please take care of yourself, Erika."

Iyon lang at agad itong tumalikod saka humakbang palabas ng laboratoryo.

Napakurap ako dahil sa sobrang pagkalito.

"G-goodbye? T-teka, saan ka pupunta, Ginoo?" habol na tanong ko dito.

Walang lingon-likod itong sumagot. "I must leave this pack as soon as possible or I might kill my own Alpha."






The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon