CHAPTER FOUR

6.2K 361 77
                                    


A week later...

Malakas na umingit ang pinto ng aking bahay nang dahan-dahan ko iyong buksan.

Alam kong sa tunog na iyon pa lang ay sapat na upang umatras ang buntot ni Bruno.

"Fufufu!" hagikhik ko sa aking isip at sumilip sa labas.

Sa likod ng aking makapal na bangs ay napansin ko ang aking mga kapitbahay na nahinto sa pagtsi-tsismisan at bumaling sa aking direksyon.

Nang makita ng mga ito ang kalahati ng nakasilip kong mukha ay awitomatikong nanlaki ang mga mata ng mga ito saka may pagmamadaling nagpaalam sa isa't isa at takbo papasok sa kanilang mga bahay.

Napanguso ako.

Para talaga silang tanga.

Hanggang ngayon ba naman ay hindi pa sila sanay sa hitsura ko? Magkakapitbahay na kami ng ilang taon kaya dapat immune na sila sa akin 'di ba?

Napa-iling ako at minabuting huwag na lang munang pagtuunan ng pansin ang mga ito dahil may isang mahalagang bagay ang dapat akong unahin. At iyon ay ang pagpunta sa grocery upang gamitin ang buy one take one ticket na ibinigay sa akin ng ni Mr.Polly, ang regular costumer na kumukuha sa akin ng mga bulaklak na ibinebenta naman ng may katandaan ng  ginoo sa flowershop nito.

"Fufufu! Ito na ang huling araw na nakalagay sa ticket kaya kailangan ko nang magmadali!" nguyngoy ko at nagdesisyon ng humakbang palabas ng bahay.

Isinarado ko ang pinto at inilock iyon.

Alam kong walang magtatangka na looban ang aking munting tahanan ngunit iba pa rin ang nag-iingat. May ilang importanteng gamit ang inihabilin sa akin ni Lola kaya naman dapat na ingatan ko ang mga iyon.

Nang masigurong maayos nang naikandado ang pinto ay inayos ko naman ang bandana sa aking ulo. Tiniyak kong matatakpan niyon ang kalahati ng aking mukha upang hindi masilaw ang aking mga mata sa sikat ng araw.

Fufufu!

Okay, ready na ako.

Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan at minabuting lumakad na habang tinatapik-tapik ang nakasukbit na bag sa aking balikat kung saan naroon ang munting papel na itinuturing kong isang mahalagang kayamanan sa mga sandaling iyon.

Kung bakit?

Dahil sa buy one take one ticket na iyon nakasalalay ang pagkain ko para sa susunod na mga araw.

Kinapos kasi ako sa budget nang masira ang ilan sa mga rosas ko dahil sa nangyaring insidente ng gabing iyon isang linggo na ang nakalilipas.

Hindi tuloy maiwasan na sisihin ko ang upong s'yang may kasalanan ng lahat.

Hindi lang nito sinalanta ang aking mga halaman kundi ninakaw din nito ang kauna-unahan kong halik.

Sa likod ng aking bangs ay naningkit ang aking mga mata at isang nakakikilabot na ngisi ang gumuhit sa aking mga labi.

Fufufu!

Sisiguraduhin ko na sa oras na magkita kami ng hangal na iyon ay magbabayad s'ya!

"Dudukutin ko ang kan'yang mga mata at tutusukin ko ng toothpick upang gawing eyeball lollipops at pagkatapos... pagkatapos ay..." nahinto ang aking pagpaplano nang may mapansin sa aking unahan.

Isang bata na nasa limang taong gulang ang naroon na titig na titig sa akin.

Fufufu.

"Bata, gusto mo ba ng eyeball lollipops?" tanong ko rito at binigyan ito ng isang malawak na ngiti.

Ngunit sa aking pagtataka ay kumibot-kibot ang mga labi nito at pumalahaw ng malakas na iyak.

"Mommy! Daddy! Monster!"

Napanguso ako.

Okay, ayaw n'ya.

Siguro ibang bata na lang ang tatanungin ko.
_______

SAMANTALA, sa kabayanan...

Isang may kalumaang pick up truck ang humimpil sa labas ng Lilipun Grocery Store.

"Hurry up, we don't have much time. Mga importante lang muna ang unahin n'yo," utos sa dalawang kasama nang may kulay berdeng buhok at may kalakihan ang katawan. Suot nito ay ang hapit na pantalong maong at asul na tshirt. At bukod sa buhok ay kapansin-pansin din ang mga hikaw nito sa tenga at kilay.

"Will you chill a little, Kuya Legion. Minsan lang tayo lumabas ng WarLord Territory kaya mag-enjoy naman tayo kahit kaunting oras," mahinang ungol ng pinakabata na may nakatirintas na hanggang bewang na kulay mais na buhok.

Ngumisi ang katabi nito na may kulay pulam-pula namang buhok na lagpas tenga. "Oo nga naman bro. Bakit hindi muna tayo magrelax at maghanap ng mga chickababes dito sa Lilipun? Malay mo, narito pala ang soulmate mo bro,"

Bumaling sa dalawa ang tinawag ng mga itong Legion sabay angil.

"Move your asses mutts before I kick you out of the car! Hindi tayo narito upang magrelax at mag-enjoy! Aalalahanin n'yo na may sakit na lumalaganap sa teritoryo natin sa mga sandaling ito. At kapag hindi natin nadala ng mas maaga ang mga pagkain at gamot ay marami ang maaaring mamatay!" Matapos ng mahabang litanyang iyon ay nauna na itong umibis ng sasakyan kaya naman wala nang nagawa ang mga kasama nito kundi ang sumunod.

_____

Ten minutes later...
(Erika's POV)

Sa wakas!

Matapos ang paghabol sa akin ng itak ng tatay ng paslit na inalok ko ng eyeball lollipops, pagdive ko sa damuhan, pagtatago sa likod ng mga poste at paggapang sa ilalim ng mga sasakyan upang taguan ito ay nakarating na ako sa Grocery Store!

Hinihingal na agad kong kinuha sa loob ng aking bag ang aking buy one take one ticket saka nagpalinga-linga.

Mukhang tinantanan na ako ng humahabol sa akin kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Fufufu! In fairness napagod ako dun ha, pero okay lang!" Nangislap ang aking mga mata at muling gumuhit ang isang ngisi sa aking mga labi nang maisip ang mga nakalista kong bibilhin.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Sinuklay ko ng aking mga daliri ang aking bangs, inayos ang aking bandana at inihakbang ang aking mga paa papasok ng Grocery Store.

Hindi matatawaran ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon dahil umabot ako sa tamang oras. Ibig sabihin, hindi ako na kukulangin pa ng stock ng pagkain para sa mga susunod na araw.

Kaya ipaaalala ko na bigyan ng discounts si Mr.Polly sa susunod na pick-upin nito ang order na mga bulaklak bilang pasasalamat.

Habang iniisip ang mga iyon ay binuksan ko na ang pinto ng Grocery Store. Akmang hahakbang na ako sa papasok ngunit ganoon na lang ang aking paggulat ng may isang nagmamadaling ginang ang tumabig sa akin at nauna sa loob.

Napasinghap ako at natigalgal.

Hindi dahil sa lakas ng pagtulak nito sa akin ay natapid ako at bumagsak sa lupa, kundi dahil nabitawan ko ang aking hawak ticket.

Nanlaki ang aking mga mata. "Ang... ang t-ticket ko!"

Nagtangka akong pulutin iyon ngunit biglang umihip ang malakas na hangin at inilipad iyon sa ere.

"Hindi!" nasapo ko ang aking mga pisngi at mabilis akong bumangon upang habulin iyon.

Hindi maaaring mawala ang munting papel na iyon dahil magugutom ako!

Nag-iisa na ako sa buhay at wala sa mga kapitbahay ko ang may ginintuang puso na mag-aalok ng tulong para sa nilalang na itinuturing nilang salot sa bayang iyon.

Nakaramdam ako ng ibayong takot para sa aking kaawa awang sikmura na tiyak magdurusa kung hindi ko maaabutan ang aking inililipad na ticket.

Juiceko!

Kailangan ko iyong makuha!

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon