CHAPTER SEVENTEEN

3.2K 308 90
                                    

"WHILE there's still no vaccine for this goddamn virus called Moon Coronapest, let's get use to the new normal and that is, to endure seeing this ugly bat here in our house everyday!"

Nang pumasok kami sa dining room ng malaking bahay ay puno ng yamot na agad na imporma ni Ginoong Lumot sa mga nasa hapag.

"Legion, give the woman a break, will you," agad din namang saway ni Ginoong Nakasisilaw dito bago ako inakbayan at sapilitang iniharap sa mga naroon. "Listen, everyone. I want you to meet..." saglit na huminto ito at bumaling sa akin. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito bago nagtanong. "What's your name, Miss?"

Mabilis akong yumuko upang protektahan ang aking mga mata laban sa mapanganib nitong kaguwapuhan. "E-Erika. Fufufu! Ako si Erika," mahina kong tugon na kahit paano ay nakaramdam ng katuwaan.

Iyon kasi ang unang pagkakataon na may nagtanong ng aking pangalan. Sa bayan ng Lilipun, wala silang pakialam. Walang nagka-interes man lang na alamin.

Tawag nila sa akin ay kung hindi 'pangit' ay mangkukulam.

Minsan nga nagseselos ako kay Bruno dahil mabuti pa ito, itinuturing na tao, samantalang ako, tila mas matindi pa sa Moon Coronapest.  Nilalayuan na parang nakamamatay na sakit na nakahahawa.

Bukod sa namayapa kong abuela, tanging si Ginoong Polly lang ang naging mabait sa akin at tanging may lakas loob na kausapin ako. Hindi ba at binigyan pa ako ng matanda ng ticket dahil nag-aalala ito sa akin.

Ngunit sinong mag-aakala na mayroon pa pa lang nilalang sa mundong iyon na tulad nito.

Kaya sa mga sandaling iyon, kahit nanganganib na namang magwelga ang dugo aking katawan ay hindi maiwasang humanga ako sa kabaitan at kabutihan ni Ginoong Nakasisilaw.

Ang natatanging nilalang sa lugar na iyon na hindi ako kinatatakutan at pinandidirihan.

At habang akbay ako nito, hindi tuloy maiwasan na mag init ang aking mga pisngi dahil sa tila mumunting kuryente na nanunulay sa braso nito patungo sa aking balikat.

Hindi man kaaya-aya ang aking pisikal na kaanyuan ngunit masasabi kong birhen pa ako kaya natural lang na maging ganoon kasensitibo ang reaksyon ng aking katawan.

Fufufu!

Hindi ko maintindihan ngunit tila may namumuo nang paghanga sa aking dibdib para dito.

Pasimple akong napangiti at hindi sinasadya na napasulyap ako sa kaibigan nito at awtomatiko akong napanguso.

Kung gaano kabait si Ginoong Nakasisilaw, kabaliktaran naman ng ginoong iyon na ubod sama ng ugali at nuknukan ng kasungitan.

"Anong tinitingin-tingin mo, babaeng paniki!" asik ni Ginoong Lumot na aking ikinagulat.

Napasiksik ako sa katawan ni Ginoong Nakasisilaw na agad naman akong niyakap.

"Legion, I said stop bullying her," muli akong prinotektahan ng aking tagapagtanggol na aking ikinangisi at ikinangitngit ng kumag na pinaglihi sa sama ng loob.

Muling nagsalita si Ginoong Nakasisilaw. "Anyway, gaya ng sinasabi ni Legion, ikinalulungkot ko na hindi pa tayo maaaring bumalik sa normal lalo na ngayon na natuklasan ni Erika na Moon Coronapest ang sanhi ng kamatayan ng ating mga kasamahan. Habang wala pa ang panglunas, dito muna titira ang binibining manggagamot. Inaasahan ko na pakikitunguhan n'yo s'ya ng maayos, nagkakaintindihan ba tayo?"

Nagkatinginan ang mga nasa hapag-kainan. Sabay sabay na tumutok ang atensyon ng mga ito sa akin at sabay-sabay ding napalunok.

Nangislap ang aking mga mata at gumuhit ang hanggang tengang ngiti sa aking mga labi. "Ikinagagalak ko kayong makilala at makasama. Bilang pasasamalat sa pagtanggap sa akin, nais kong ibigay sa in'yo ito."

Dinukot ko sa bulsa ng aking itim na bestida ang isang napakasarap na panghimagas na aking pinaka-iingatan sa napakatagal na panahon bago iyon ipinakita sa lahat.

"An eye-ball lollipop! Masarap 'to!"

"Fucking shit!" at napuno ng malakas na sigaw ang dining room na ikinahilamos sa mukha ni Ginoong Nakasisilaw. "I think it won't be easy to embrace the new normal."

_______

SAMANTALA nang mga oras na iyon, sa isang lihim na kuweba sa lupaing iyon...

"Hikhikhik! Imposible!" bulalas ng matinis na boses na nagmula sa isang nilalang na nakasuot ng kulay putik na roba na bumulabog sa mga paniking nakasabit sa kisame ng kuweba.

"Paano! Paano nila nalaman na Moon Coronapest ang salot na umuubos sa mga walang kuwentang asong-lobo ng WarLord!" Sumingasing ito bago itinutok ang paningin sa gitna ng kumukulong kawa kung saan nakikita nito ang mga pangyayari sa loob ng malaking bahay na tinutuluyan ng Alpha.

"Sino ang babaeng 'yon! Hindi ako makapapayag na sirain ng pangit na 'yon ang aking mga balak! Hikhikhik!"

Tumalikod ito at humakbang patungo sa baul sa isang sulok kung saan nakatago ang isang lumang libro. Kinuha nito iyon at pinasadahan ang mga pahina.

Nang makita nito ang pakay ay malakas itong tumawa. "Hikhikhik! Minsan lang itong sinubukan ng pangalawang ina ni Snow White ngunit alam kong epektibo!"

Bumalik ito sa tapat ng kawa na hawak ang lumang libro bago ngumisi.

"Tamang-tama lang ang mansanas ng kamatayan para sa binibini dahil tiyak na walang maglalakas loob na halikan ang isang pangit na tulad n'ya! Hikhikhik!" hagikhik nito. "Ako pa rin ang magwawagi dahil ako si Perusha at akin lang ang lupaing ito! Akin lang! Hikhikhik!

________

BACK to the packhouse...

Matapos akong bitbitin at itapon ni Ginoong Lumot patungo sa basement ay hinatiran ako ng pagkain doon ng  binatilyong nakilala ko ng nakaraang gabi.

"Sa totoo lang, mababawasan siguro ang takot ng mga narito sa'yo, binibini kung babaguhin mo ang estilo ng iyong pananamit," wika ni Apache na prenteng nakahiga sa kama.

Mukhang kahit paano ay nasasanay na ito sa aking hitsura.

Buhat sa isang sulok ay napahinto ako sa pagkain at dahang-dahang ipinihit ang ulo ko dito sabay ngisi.

"For fuck's sake!" bigla itong napabalikwas ng bangon sabay siksik sa dulo ng higaan at sikmat sa akin. "Will you please stop doing that! Geez!"

"Fufufu! Sorry, talent na kasi ng leeg kong pumihit sa kahit saang direksyon," hingi ko ng paumanhin bago muling nagsalita. "Ngunit sapalagay mo ba, maaari pang magbago ang aking hitsura? May pag-asa pa ba akong gumanda?"

Intresado ako doon kahit alam kong imposible talaga na magkaroon pa ng malaking pagbabago ang aking pisikal na kapangitan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng aking kausap bago ako seryosong tinitigan. "May tiwala ka ba sa akin?"

Fufufu!

Wala akong tiwala dito tulad ng wala akong tiwala sa aking pagmumukha ngunit ayokong saktan ang damdamin nito kaya tumango na lang ako.

"Good! Better prepare yourself for the big transformation in your life, Miss!"

The Witch DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon