09

53 1 0
                                    


Ms. Chicken:
Thank you sa ginawa mo today! Bawi ako sa'yo, soonest.


Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang magtext siya sa akin. Napasibangot lang muli nang maalalang hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Hina mo naman, Falcon.


I decided to change her name to Ms. Nahimatay.


Nasa taas na ako, sa kwarto at handa ng matulog noong dumating ang text. Pinag-iisipan ko pa ang irereply.


Me:
I'll call.


Pagkasend ay diretso tawag ang ginawa ko. Mabilis niya naman sinagot.


"Hey, why did you call?" She asked right away.


"Tinatamad ako magtype."


Narinig ko ang mumunting halakhak niya.


"I'm not kidding," depensa ko pero natatawa rin sa sariling dahilan.


Napahikab ako ng 'di namalayan.


"Bukas na lang tayo mag-usap. You better rest, napagod ka ata sa pagdedeliver."


Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Lakas mang-asar. Nanatili akong tahimik at hinayaan siyang magsalita.


"Hmm, why did you call?" Malamyos ang boses niya.


"I want to know if you arrived safely on your destination," seryoso kong pagkakabanggit habang nakapikit na. Inaantok na nga.


"We got here safe," humikab siya pagkasabi noon.


"You sleepy?" I questioned although I'm the sleepy one.


"Oo," banggit niya bago narinig ko ang mahinang paghikab muli.


"Good night na," humikab din ako pagkasabi noon. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.


"Night, Falcon."


Diretso tulog ang nangyari matapos ang usapan namin. Maagang gumising para pumunta sa isang beach. Somewhere I'm always at peace. The last time I went there... was with Sandra.


It's been a while since the last time I went here, the rock formation. The sun is rising. The sky is painted with a mix of yellow, orange, and red. Mag-isa ako. Silently watching the calm ocean and everything around.


Memories flooded. The one with Sandra. You can get over a person while your memories with them will always find their way to reach you. Just like where I am now. She used to be here so it's inevitable to remember her presence here.


What should I do now? Ang awkward ngayon na mag-isa ako. Hindi naman ako ganito sa lugar na ito dati. Isang beses ko lang naman dinala dito si Sandra tapos siya na agad ang tila naging laman ng memorya sa lugar na ito.


This place used to be my haven. The place I would go to whenever I am troubled is now the place where I am being tormented. The frustrating part is... I can't pinpoint what's wrong.


I couldn't fathom to even take a dip. Mabigat ang pakiramdam kong naglakad palayo sa lugar. Sa daan ay may biglang sumalubong sa akin. Bigla akong napangiti ng bahagya. Isang manok na nagkakaykay ng mga dahoon sa lupa, naghahanap panigurado ng matutuka. Naalala ko si Ms. Chicken.


Napasinghap ako sa sarili. Bilis magbago ng mood nang maalala ang kinahuhumalingan. I should invite her dito! Mahilig pa naman siya sa beach hindi tulad ni Sandra na halos isumpa ang lugar na ito. Teka, bakit ko ba sila ipinagkukumpara? 


I groaned at my thoughts at dumiretso sa motor kong dala. Maybe a long drive can clear my mind.

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon