44

28 1 0
                                    

"Dude, first question pa lang  tapos inaantok ka na?" puna ni Exodus.


Natigil ang bangayan nilang dalawa. Napatingin din sa akin si Loren. 


"Tumayo ka," tulak niya sa akin. "Magtatalon ka para mabuhayan ka naman," tuloy ang pagtulak niya sa akin patayo.


"Jumping jacks!" Exodus nodded.


Kanina lang ay magkaaway ang dalawang 'to. Ngayon ay magkasundo agad.


Limang jumping jacks ang ginawa ko bago diretso upo. 


"Next question na," I demanded.


"Gym tayo after this," aya ni Exodus.


Tumango-tango si Loren habang nag-scroll sa kaniyang phone. Namimili pa ng question. He chuckled slightly.


"Last question..." he grinned.


Hindi na ako umapila para matapos na ang kalokohang ito. Si Exodus ay walang reklamo na last question din agad. Ang tagal kasi pumili ng tanong. Halos isang minuto na ata kami naghihintay.


"May tahanan na ba kayo?" tanong niya.


"Meron, syempre..." panimulang niyang sagot. "Malaki ang akin-"


"Dude, ayusin mo..." putol ni Exodus.


Loren sighed and glared at Exodus. "This is my channel, patapusin mo ako..."


"Sige, go."


"Malaki ang aking tahanan, that's what I want to say..." Loren smiled. "If the tahanan question was referring to a person... wala."


Kawawang nilalang. Palagi niyang hinahabol ang tahanan.


"I have my tahanan," I simply answered.


Nahanap ko ang tahanan sa aking sarili. Walang makapapantay sa ganun. Pero iba rin ang tahanang matatagpuan sa ibang tao, isa na ang pagkakaibigan. Isa rin ang makukuha mo sa taong pinakamamahal mo. Iba-iba, parang pwede bumuo ng subdivision.


"Sino?" sabay na tanong ng dalawa.


Ngumiti ako at nang sasagutin sila ay tumunog ang aking phone. Napakunot ang noo ko at nag-excuse sa dalawa. Tumango sila at hinayaan akong sagutin ang tumatawag. Unknown number.


"Hello, who's this?" bati ko.


"Falcon..."


Shit. Halos mabitawan ko ang aking phone. Ang boses na iyon. Medyo kinilabutan ako, hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang boses niya. Pero paanong...

Peace Minus YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon