Chapter 1

40.8K 471 11
                                    

A/N: this story is edited may mga pangyayari akong dinagdagan.

"You're Fired!''sigaw nung boss ko. Napanganga naman ako sa sinabi nya.

"Ma'am Pardon?"sabi ko na di parin makapaniwala.

"I said You're Fired"ulit nya. Ah! so yun Finired out nya ako.

"Talaga ma'am? Naku salamat po!"abot tengang ngiting sabi ko na kinakunot ng noo nya.

Bakit? Kaw ba namang magtrabaho isang cheap na companya na ang baho ng opisina, bahong paa na may alipunga ew! May aircon nga mabaho naman ang binubuga ng hangin, idagdag mo pa na kada punta mo sa opisina sasalubungin mo ang bunganga ng boss na akala mo mabango ang hininga ee mabaho naman! Kayanin mo ba yun?.

Masaya akong lumabas ng opisina nya at inayos ang mga gamit ko na andito sa office.

''Lalalalala~"o di ba halatang masaya ako ngayon? Hmmm?.

At dahil walking distance lang yung apartment ko sa pinagtratrabahuan ko ay nilakad ko nalang ito, alam na tipid pamasahe.

"Lalalala~"pakanta-kanta pa din akong naglalakad.

*splaaaash*

"@#$%&#!!-HOY! Di mo ba nakikitang may tao!''sigaw ko dun sa nakamotorsiklong lalaki.

"Ah tao ka pala Miss kala ko kasi posteng kahoy ka e''sabi nya. Iniinis nya ba ako?!.

"Gag* ka ba? Kaliit kung tao magiging poste?! Sa ganda kong to"sabi ko. 5 flat lang kasi height ko.

"Aba't!"sigaw ko nung pinaandar na nya ang motor nya. "Hoy di ka pa nagsosorry!"sigaw ko. Dinedma nya lang ako, ah ganun ha! Gusto mong masaktan kang abnoy ka ha?!.

*boogsh*

Ayon oh! Sapol sa ulo nya.

"Ang sakit nun ah! Ahhh may dugo"sabi nya. OA nito dugo lang yan tsong. Panu di dudugo yan, kaw ba naman batuhin ng heel sa ulo =_=.

Bumaba sya sa motor nya at lumapit sa akin.

''Ikaw!"galit nyang sabi sabay duro sa akin.

''Oo ako nga"kala nya matatakot ako sa panduduro nya sa akin, pwes nagkakamali sya.

"Gamutin mo tong sugat ko''sabi nya sabay turo sa ulo nyang nasugatan.

"Ano ako nurse? Sinuswerte ka ata kuya atsaka kasalanan mo din yan kasi di ka nakahelmet"walang ganang sabi ko "Quits na tayo"dagdag ko pa kasabay ng pag ngisi.

''Anong quits? Bayaran mo nalang ako"sabi nya.

"Ano namang ipang babayad ko? Yung buhok ko sa kili-kili? Ah wait bubunutin ko mun-ay sareh kuya wala nga pala akong buhok sa kili-kili, sayo nalang mukhang marami yang buhok e tapos ipambayad mo sa ospital''sabi ko at nagmamadali ng umalis. May naaalala ako sa death glare nya. Isang bangongot na ala-alang labis na pinagsisihan ko.

May mga sinabi pa syang kung anu-anong kaek-ekan pero di ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang makauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko.

''O andito ka na? Aga mo atang umuwi?''sabi ni Sandy na kakatapos lang maligo.

"Panu Finired ako ng boss ko''sabi ko sabay prenteng nakaupo sa upuan. "Panu na to? Wala na akong trabaho? Hay!''murmur ko sabay buntong hininga.

"Yun lang ba problema mo girl?"sabi nya pagkatapos mag-ayos ng sarili. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya kong makapagsalita to kala mo may malaking companya tsk! Palibhasa kasi may regular na trabaho.

"Wow ha?! Edi kaw na may trabaho"nakapout na sabi ko.

"I mean tutulangan kita sa problema mo"nakaikot matang sabi nya

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko. Umupo naman sya sa tabi ko.

"Kulang kasi kami ng isa sa department na pinagtratrabahuan ko, since wala ka namang trabaho naisip kung ikaw nalang"nakangiting sabi nya.

"Waah! Sandy hulog ka talaga ng langit!"sabi ko at yayakap sana ako sa kanya ng itulak nya ako. Di mahina ah kundi malakas, nahulog pa nga ako sa kinauupuan ko e.

''Aray ah masakit yon ah!"reklamo ko "Bat mo ginawa yun?!"

''Dah? Yayakapin mo ako na ganyan ang itsura mo? Dinaig mo pa ang taga-kalye e''sabi nya. Kitamoto ang sama ng ugali. "Anu bang nangyari sayo at naligo ka ng putik? Meron pa naman tayong tubig ah! Ba't sa putik ka dumive?"sya. Binatukan ko nga, oa sya ah!.

"Gaga! Ganto kasi yung nangyari..."kinwento ko sa kanya lahat. Nag'ah' naman sya.

"Ah sige Rea aalis na ako baka malate ako e. Ihanda mo lang yung mga resume mo at application letter mo"sabi nya tumango naman ako. At nagpaalam na sya na aalis na.

Pumasok na ako ng cr at naligo ulit dahil sobrang baho ko na.

Pagkatapos kong naligo ay inilibot ko ang paningin ko sa aprtment.

"Hay! Ngayon ko lang narealize na sobrang dumi pala ng apartment nato tsk!"reklamo ko, miminsan lang kasi kaming nakatambay dito dahil nga busy sa trabaho at sunod-sunod ang pagO-OT namin.

Sinimulan kong tanggalin yong mga damit na nakalagay sa mga sulok, pagkatapos ay yung kwarto ko, sunod kong nilinisan yong kwarto ni Sandy na sobrang kalat.
Huli kong nilinisan yung sala at yong kainan namin.

"Haaay kapagod!"reklamo ko sabay upo sa sahig malapit sa lababo, kakatapos ko lang kasing maghugas, gabi na din pala.

"Andito na ako! Wow ang linis ng paligid"narinig ko ang yapak ng paa nya papunta sa direksyon ko.
"Anong nakain mo at sinipag kang maglinis?"tanong nya.

"Ewan, siguro minamalas ako dahil sa kalat ng buong apartment kaya naglinis ako para swertehin naman ako"mahabang lintaya ko.

"Naks! Tanda mo na naniniwala ka pa din sa ganyan?"natatawang tanong nya sabay tabi sa akin ng upo.

"Why not? Wala namang mawawala kong susubukan e"sabi ko.

"Kung sabagay"sabi nalang nya "If ever na makuha ka sa trabaho may mga kasamahan akong papangalanan na pwede mong iwasan dahil minsan weirdo sila or pwede ding hindi"sabi nya tumango nama ako sa sinabi nya.

"Ok"-ako.

"Ok, si Claire Angela Torres or mas kilalang Claire ang mahilig magpalibre, madaldal at matakaw. Si Nina Sophie Espinosa or mas kilalang Nina ang kinaiinisan namin minsan dahil sa walang kwenta nyang pagkwewento alam mo na walang kasense sense. Chloe Anne Gomez or mas kilalang Chloe hmm ok lang naman sya minsan lumalabas yung pagchismosa nya, at sobrang kulit na akala mo wala ng bukas, in short sa tatlong yan wala kang sikreto na di mabubunyag"mahabang sabi nya, so kelangan ko palang mag-ingat pag nagkataon.

My Devil Boss Is my HusbandWhere stories live. Discover now