Chapter 47 Last Date

7.8K 119 14
                                    




Pagkatapos naming kumain ay nilibot na muna namin ang buong mall.


"Di ko alam na may rooftop pala ang mall nila dito" nakangiting sabi ko habang minamasdan ang buong paligid, ang ganda.


"Marami pang magagandang lugar na pwedeng puntahan dito Mahal ko"sabi nya, napatingin ako sa tkanya "Andrea..."



"Bakit?" ang awkward ng mga tingin nya.


"Can you please call me 'Mahal ko'?"sabi nya, di ko maiwasang di mapatitig sa mga mata nyang medyo singkit "Just this day"dagdag nya.

I saw mixed emotions in his eyes, wala sa sariling napatango ako.

"Thank you"he mouted then kiss my forehead.


I hope this last 2 days won't be our happiest nor unforgettable moment baka kasi kapag nangyari yon...


"Mahal ko matutunaw ako nyan"nakangiting sabi nya kaya napangiti na rin ako.


"Sira!"sabi ko nalang. Natatakot ako na baka di ko na sya kayang iwan pa.


"Tara na nga sa parking lot"sabi nya sabay hila sa akin sa kong saan man yong parking lot.

Pagkarating namin sa parking lot na sinasabi nya ay agad na kinuha nya sa bulsa nya ang kanyang cellphone.


"Asan na ba ang babaeng yon?"mahinang bulong nya na rinig ko naman, sino naman kaya yong babaeng yon?. "Relax Mahal ko di ko sya kabit kaya wala kang dapat ikaselos"nakangising sabi nya sa akin, kaya nahampas ko sya sa braso nya.


"Kapal!"inis na sabi ko.

"Sus kunwari pa e halata kaya dyan sa kilay mong salubong"sabi nya sabay himas ng kilay ko sa pamamagitan ng hinlalaki nyang daliri.


"Selos agad? di ba pwedeng nacucurious lang? utak mo Kalvin ha masya-" di ko na natuloy ang sasabihin dahil bigla syang nag-ahem.

"Oh, napano ka Kalvin?" tanong ko.

"Wala"sabi nya, sabay bitiw ng mga kamay nya sa mukha ko. Sus! para talagang ewan tong lalaking to kahit kelan -_-.


"Oo na, Sorry na po Mahal ko"sabi ko "Yan ok na?".

"Hindi"parang batang sabi nya sabay iling. "Kiss mo ko dito para ok na tayo" nakangising sabi nya sabay turo sa labi nya.


"Ee kong ito ang ipahalik ko sayo, gusto mo?"sabay taas ng kamao ko sa mukha nya, agad naman syang umiling. "Mabuti"dagdag ko pero nagulat ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ko papalapit sa kanya at niyakap ako.

"Wala kang dapat ikaselos or ika-curious dahil kilang-kilala mo yong taong hinihintay ko"sabi nya habang nakayakap sa akin.


"Wow! ang sweet ah"napabitaw ako ng yakap sa kanya ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon.


"You're late Aaliyah"


"Sorry na kuya, alam mo namang pag ganito ang oras, traffic na dito"nakangiting paliwanag nya. "Hi Ate Andrea" bati nya kaya bumati nalang din ako at ngumiti sa kanya.


"Lil sis alam mo bang pinags-" agad kong tinakpan ang bibig ni Kalvin at pilit na tumawa sa curious na mukha ni Aaliyah.


"Wag mo ng pansinin tong kuya mo Aaliyah, alam mo naman to masyadong feeler ha-ha-ha"sabi ko sabay tawa ng peke.


"Mahal mo naman"singit nya sabay tanggal ng kamay ko sa bibig nya.


"Tch! tama na nga yang kacheesyhan nyo, baka di na tayo makakasakay nito dahil di pa tayo umaalis"sabi nya.


My Devil Boss Is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon