Chapter 2

25.3K 429 6
                                    


"Wow ang ganda dito. Super yaman ng boss niyo'"sabi ko nung tinour ako ni Sandy sa tinatrabahoan nya.
Naswertehan kasi akong nakuha agad dito dahil nga kelangan nila As soon as possible daw.

''Sinabi mo pa Rea. Bawat department dito super ganda at laki"sabi naman ni Sandy. Una nya kasi akong tinour sa department na nakaasign sa amin which is more on mga papeles na isasave mo sa computer or kaya mga paper works ang ginagawa.

While ongoing tour kami si Sandy hindi ko maiwasang hindi malula sa ganda ng opisina, it's a huge office okay call me ignorant pero masisisi niyo ba ako kong umakto akong ignorante, I didn't know na nasa ganitong lugar pala nagtatrabaho si Sandy unlike me sa previous trabaho ko na maliit lang ang companya

"Nasa top floor naman ang Ceo ng companyan to Rea and iilan lang ang empleyadong nakakapunta doon for some reason and except of course her secretary lang na palaging tumatambay doon"mahabang lintaya niya, tumango naman ako sa kanya bilang sagot sa sinabi niya.

''Yung boss nyo andito ba?"tanong ko.

"Naku wag munang alamin kung andito ba sya o hindi"sagot nya at base sa expression ng mukha niya ay masungit ang boss nila and I must be extra careful kong gusto ko pang magkatrabaho.

"Bakit naman?'takang tanong ko.

"Masama ugali nun e, palaging abot ang kilay, parang pinasan na ang mundo sa laki ng problema parang ganun. Di nga yun nag-aaksaya ng oras na pumunta sa dept natin e tanging secretarya nya lang na demonya ang pumupunta. Sayang gwapo pa naman ni sir"sabi nya, sabi na e.

"Ah ganun? Kakatakot pala ng boss mo, baka wala pang isang linggo, e ifired nya agad ako"sabi ko, sa panahon ngayon mahirap ng maghanap ng trabaho lalo na at college level ka lang.

"Ah di nya yun gagawin. Atsaka out of town yun e. Sa susunod na linggo pa yun babalik"sabi naman nya kaya nakahinga ako ng maluwag.

''E yung sekretarya nya?"tanong ko, sabi nya nga kanina na masama din ugali nun.

"Kasama nya sana nga wag na nyang isama yun pag-uwi" sagot naman nya natawa ako sa sinabi nya.

"Ee di ba dapat nasa labas lang ng office ng boss nyo ang table ng secretary nya?"tanong ko, ang weird lang kasi na nasa 6th floor ang office ng boss namin tapos nasa 4th floor sya ano yon lokohan?.

"Ewan malandi kasi ee"sagot nya kaya nag-'ahh' nalang ako.

Pagkatapos naming libutin ang buong companya ay bumalik kami sa dept namin at tinuro nya yung mga gagawin ko.

**

Pagkatapos nun ay nagmerienda kami sa canteen my canteen kasi dito sa kanila.

''Grabe nagutom ako sapaglibot ng opisinang yun. Sakit pa ng paa ko"reklamo ko.

"Sinabi mo pa"sabi nya sabay subo ng pagkain.

"Nga pala curious lang ako sa boss nyo, ano nga pala name nya?"tanong ko sabay higop ng juice, I'm just curious naman.

"Si Sir Kalvin Clein Zaldivar"sagot nya. Napabuga naman ako ng iniinom kung juice at sa mukha nya tumama. "Naman Rea Oh! Ang baho ng baba mo"reklamo sabay punas ng mukha nya at sinamaan pa ako ng tingin ng bruha.

''Ah e sarey!"sabi ko sabay peace sign. Lumiliit na ba ang mundo ngayon? Sana naman hindi sya yun. Ah siguro kapangalan nya lang yun, marami namang magkaparehas na pangalan di ba? Masyado lamg siguro akong paranoid para isipin na siya talaga yon.

"Oh napano ka? Teka kilala mo yung boss natin?"takang tanong niya sa akin, kaagad naman akong umiwas ng tingin.

"W-wala. Kilala? Hindi ah! Ni hindi ko nga yun kilala e"kaagad na sagot ko sa kanya, Bakit nga ba ako mag-aalala? Ni hindi nga ako hinanap ng lalaking yon e atsaka kong magkikita man kami ulit, I'm pretty sure na hindi niya ako papansinin, who am I ba para pansinin niya.

"Rea Castro, may something malansa akong naaamoy sa'yo"sabi nya kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay naniningkit ang mga mata.

"Ano naman?"sabi ko sabay amoy sa sarili ko. "Naligo naman ako, di naman mabaho kili-kili ko. Baka yang baba mo nangangamoy malapit lang kasi yan sa baba mo e"sabi ko at ang gaga inirapan ako.

"Hindi yun tch!"sabi nya. "Tapos na ang breaktime, tara balik na tayo"dagdag nya. Tumango naman ako.

Pagbalik namin sa opisina ay napansin naming nagchichikahan yung ka-office mate namin.

"Uy! May balita ba?"singit ni Sandra pagkarating namin sa department namin.

"Bukas daw ang balik ni sir"sabi nung Chloe Torres ata name nito. Nagkatinginan naman kami ni Sandra.

"Ano?!"reaksyon nya. Ako tahimik lang, alangan namang marereact ako ee di ko pa naman nakikita o nakilala yong boss namin.
Pero aaminin kong kinakabahan ako na di ko maipaliwanag. Di naman siguro sya yun nuh?.
Kasi kong sya yon paano ko siya haharapin? Honestly I'm not yet ready to face him kahit na ilang taon na ang nakalipas.

Napailing nalang ako dahil sa kapraningan ko, Think positive Rea.

My Devil Boss Is my HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora