Chapter 8 Not Again

5.5K 452 128
                                    

"Delete my feelings for you?... Error. The file is too big!"


Bryle POV


Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago nag-unlock ng seatbelt. Mabagal ang mga kilos na inayos muna ang mga gamit bago magpasyang lumabas na ng sasakyan.

"S-salamat po, Baba." Bigkas ko.

Wala akong nakuhang sagot mula dito. Diretso lang ang tingin sa harap ng sasakyan na animo walang kasama.

Haist, alam ko naman na masama ang loob niya sa akin dahil sa nagawa ko. Ayaw na ayaw pa naman niyang nagsisinungaling kami sa kanila ni mommy.

"Ingat po." Nagdadalawang-isip ako kung hahalik ba ako sa pisngi niya o hindi na.

May pag-aalinlangan man, ginawa ko pa rin ang una bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Nang makababa na nga ako't bahagyang makalayo ay mabilis na niyang pinasibad ang kotse paalis.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang may lungkot na nakatanaw sa papalayo nitong sasakyan.

Walang siglang pumasok na ako sa loob ng gusali. Tipid at kulang sa emosyong ibinabalik ko ang pagbati ng mga empleyadong nakakasabay ko.

"Bryle!" Malakas na pagtawag ni Ruth ng makapasok ako sa lobby ng kompanya. Halatang kanina pa ako nito hinihintay habang parang naiinip na nakatayo pasandal sa information desk.

May pagtatakang natigilan ako sa paglalakad at hinintay itong makalapit sa akin.

"Bryle -" Tsaka parang natitigilang nagpalinga-linga sa paligid. "Ma'am Bryle." Pagtatama niya.

Bahagya akong napangiti dito. Minsan nakakalimutan naming pareho kung nasaang lugar kami. Simula kasi mga bata kami ay malapit na kami sa isa't isa.

"Ano? Kumusta?" May pag-aalala sa kanyang tinig.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa elevator na ginagamit ko. "Ano pa nga ba..." Matamlay na sagot ko.

"Nasabi sa akin ni mommy ang nangyari kagabi." May simpatyang saad niya. "Nang hindi ka na mag-reply, alam ko may mali na e. Iniisip ko nga kasalanan ko 'yong nangyari."

Tumigil kami ng nasa harap na kami ng pinto ng elevator. "Ano ka ba?!" Saway ko dito. "Wala kang kasalanan sa nangyari kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."

Nag-swipe na ako ng card key at pumasok na sa loob ng elevator. Magsasara na sana ito ng mapansin kong nananatili siyang nakatayo sa labas.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya. "Ba't di ka pa pumasok?"

"Sa kabilang elevator na lang ako dadaan." Sagot niya sabay turo sa katabi nitong elevator.

Napapalatak ako. "Halika na."

"E nakakahiya naman." Nakangiwi nitong tanggi.

"Okay sige, ikaw ang bahala -"

"Sige na nga, mapilit ka e!" Tsaka mabilis itong pumasok sa loob.

Napapailing-iling na lang ako sa kanya.

Habang sakay kami ng elevator ay panay ang chismisan namin. Naikwento ko sa kanya ang nangyari at naging reaksyon ng mga magulang ko at ni tita Laurent.

"Magtatampo talaga 'yon sayo." Komento niya ng sinabi kong hindi ako kinakausap ni Baba.

Sabay na kaming lumabas ng elevator at naglakad patungo sa aking opisina. Binati kami ng sekretarya ko ng dumaan kami doon.

Saving the Goddes of HellTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang