Chapter 19 Save the Devil

5.6K 477 114
                                    

"Chaos is an angel who fell in love with the devil."


Vanessa POV


"So what's stopping you from coming home?" Celeste asked with so much curiosity.

"I don't know." Wala sa sariling sagot ko.

Ang atensyon ko ay nasa tatlong dinner date dresses na nakalatag sa ibabaw ng kama. Kanina pa ako nalilito sa kung anong isusuot para sa date namin ni Bryle. Napasulyap ako sa nakasabit na orasan sa dingding, sa itaas ng pinto. Urgh, baka mamaya ma-late ako dahil dito.

"Ha?" Nalilitong sambit niya mula sa kabilang linya.

Nasa ibabaw din ng kama ang cellphone ko habang kausap siya. I put her on speaker. Tumawag siya para sabihin na naaksidente ang Architect na inupahan ko para sa bahay sa Zambales kaya nag-backout ito. Matitingga ang bahay kung sakali. Ayoko namang maghanap pa ng iba. Si Celeste ang tinawagan nito dahil hindi raw ako makontak. Ngunit wala doon ang isip ko sa kasalukuyan. Not my priority at the moment.

"Hindi mo alam?" Nagtatakang tanong niya. "What's going on with you, Vanessa?"

Napabuga ako ng hangin. Kinuha ko ang cellphone at nagtungo sa balkonahe ng hotel room na pansamantalang tinutuluyan ko. Nakita ko ang kaha ng sigarilyo sa ibabaw ng lamesita at lighter. Kumuha ako at nagsindi pagkatapos mailapag ang cellphone sa ibabaw nito.

Nakahalukipkip ang isang kamay na napatanaw ako sa malayo. I'm getting used to the sight of the city.

"Are you still there?" Tanong niya.

Muli na naman akong napabuntong-hininga. "I don't know what to wear." Parang problemadong tugon ko habang nakatulala sa malayo.

"What?" Dinig ko ang pagkalito niya. "You don't know what to wear?" Pag-uulit niya. "Bakit? Saan ka ba pupunta?"

"I asked Bryleigh out for dinner," I answered. "And now I'm having a problem with what to wear."

Ilang segundong katahimikan. Kapagkuwa'y narinig ko ang malakas niyang pagtawa mula sa kabilang linya.

"Okay, I'm hanging up." Biglang nakaramdam ng pagkapahiyang sabi ko.

"Wait, wait!" Pigil niya. "I'm sorry. I didn't mean to -"

"Celeste!" Saway ko dahil naririnig ko pa rin ang pigil niyang pagtawa.

"Alright!" Kunwari pa nitong pinaseryoso ang tinig. "Hindi na. Sorry na."

Napairap ako ng mapasulyap sa cellphone na para bang makikita ng kausap ang ginawa ko.

"Ba't ka ba namomoroblema ng isusuot? It's just Bryleigh Karlsson!" Saad niya na may bahagyang panunukso sa dulo.

"Yeah, yeah. It's just Bryleigh." May diing bigkas ko. "But I'm fucking confused!" Frustrated na bulalas ko. "Fuck!"

Ilang segundo siyang natahimik. "Van..." Malambing niyang bigkas kapagkuwan. "Just be yourself. Just be Vanessa Calderon who wears anything she wants to wear. And if someone dares to question her, she goes for a kill." Dagdag niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nitong mga nakaraang araw napapansin kong parang may nagbago sa akin. Hindi ko alam kung ano. I don't fucking understand.

"I miss you." Bigkas ko sa mahinang tinig.

Hindi na naman siya agad nakakibo. "Wait, ako ba talaga ang nami-miss mo o si Theo?" May kalakip na biro niyang tanong.

"Fuck you, Celeste." Naiinis na bigkas.

Muli na naman siyang natawa. "Hey, binibiro lang kita!"

Saving the Goddes of HellWhere stories live. Discover now