Chapter 25 Anata O Anzen Ni Tamotsu

5.1K 421 156
                                    

"Just because somebody doesn't love you the way you want them to, doesn't mean they don't love you with everything they do."


Vanessa POV


"Aww." Nakangiwing daing ko habang nililinis ni Bryle ang sugat sa kanang bahagi ng aking noo. "Dahan-dahan naman."

"Huwag ka kasing malikot." Saway niya.

Napataas ang kilay ko sa narinig. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mukha habang abala siya sa ginagawa. Ohh... I'd love to taste her cherry chapstick.

Honestly, nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinalikan kahapon ng nasa loob kami ng walk-in closet. Kung hindi siguro sumakit ang likod ko baka kung saan na iyon napunta. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nag-initiate siya ng halik.

"Ba't nga pala hindi ka pa bihis?" Naisip kong itanong ng mapansing hindi pa siya nakakapagbihis para sa pagpasok sa trabaho.

"I decided to stay at home." Hindi tumitingin sa aking sagot niya.

Napaangat ang gilid ng aking labi. "Aminin mo na kasing gusto mo lang akong makasama." Tukso ko.

Tinapunan lang niya ako ng tingin saka napailing-iling na nagpatuloy sa paglilinis ng sugat ko.

"Siyanga pala," Nakangisi pa rin ng pilyang patuloy ko. "Ba't mo ako hinalikan kahapon?"

Natigilan siya ng ilang segundo ngunit hindi kumikibo.

"Bryle - aray!" Malakas na daing ko sabay bahagyang lumayo sa kanya ng medyo idiniin niya ang bulak na hawak sa sugat ko.

"Ang daldal mo kasi." Sabay irap na sabi niya.

Ang sakit! May pagka-brutal pala 'to pag napipikon. Napairap ako sa kanya. Nakasimangot at di maipinta ang itsura ko habang nilalagyan niya ng gasa ang sugat ko.

"Tapos na." Hayag niya tsaka iniligpit na ang mga ginamit.

Nakasimangot na napahalukipkip ako tsaka sumandal sa headboard ng kama. Parang pumipintig-pintig pa sa sakit ang sugat ko dahil sa ginawa niya. Argh!

Dalawang magkakasunod na katok ang narinig namin mula sa labas ng nakasarang pinto ng kuwarto.

"Kakain na!" Aya ni Blaire.

"Okay po!" Ganting sagot naman ni Bryle. "Halika na." Aya niya sa akin.

Walang kibong sumunod ako sa kanya.

Nadatnan naming nasa harap na ng hapagkainan ang mag-asawang Blaire at Alexis, kasama sina Mackenzie at Carlisle na hindi ko na namalayang dumating kagabi dahil maaga akong nakatulog. For the first time in ages, hinayaan akong matulog ni Bryle sa kama... katabi niya.

Pinagitnaan ako nina Bryle at Mackz, sa kabila naman sina Blaire at Carlisle. And of course, si Alexis sa kabisera, bilang head of the family. Natigilan ako sa pagkuha ng pagkain ng mapansing nakatingin silang lahat sa akin.

"Let's pray first." Napangiti ng tipid sa akin si Blaire.

"Akala ko tapos na." Mahinang komento ko tsaka umayos ng upo.

Sa ilang araw kong pananatili dito hindi na yata ako nasanay na gano'n ang istilo nila. Magdadasal muna bago kumain. Hindi ko alam may ganito pa pala sa mga panahon ngayon.

"Vanessa," Bigkas ni Alexis kaya ako napatingin sa direksyon niya. "Ikaw na ang mag-lead."

Ilang segundo akong hindi nakasagot. "What?" Mali yata ako ng dinig.

Saving the Goddes of HellWhere stories live. Discover now