Chapter 24 Toothless

4.6K 441 68
                                    

"Sometimes being understanding is more important than being right. Sometimes we need not a brilliant mind that speaks but a patient heart that listens. Not keen eyes that always see faults but open arms that accept. Not a finger that points out the mistake but gentle hands that lead."


Bryle POV


"Kumusta na siya?" Puno ng pag-aalalang tanong ni mommy ng humahangos na pumasok sila ni Baba sa loob ng private room ni Vanessa.

Naiiyak na yumakap ako kay mommy.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda kanina para sa isang kliyente kanina ng makatanggap ako ng tawag mula sa pulisya. Sa sobrang shock na nararamdaman ko kanina muntik na akong himatayin. Buti na lang at kasama ko ang assistant ko kanina sa loob ng opisina. Sinamahan ako ni Ruth papunta dito sa hospital kung saan isinugod si Vanessa. Umalis din si Ruth at bumalik sa opisina ng masigurong kalmado na ako.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil may konting sugat sa sentido at gasgas sa mga braso lang ang natamo niya o mag-iiyak dahil sa muntik na niyang pagkawala sa amin.

Hinagod-hagod naman ni Baba ang likod ko. Kumalas ako ng yakap kay mommy at napasulyap sa wala pa ring malay na si Vanessa.

"Maayos na daw ang kalagayan niya sabi ng doktor. Pero hindi pa rin siya nagkakamalay buhat ng dumating ako." Tugon ko.

"Ano daw ba ang nangyari?" Tanong ni Baba.

Napailing-iling ako. "Hindi pa po malinaw kung anong nangyari." Sagot ko. "Ang sabi lang kanina ng mga pulis may sumabog na sasakyan sa gilid ng kalsada, sa tapat ng isang drug store kung saan siya naroon. Nakausap pa daw siya kanina ng mga pulis at nasabi nga na ako ang tawagan. Pero ng dumating ako dito sa hospital wala na siyang malay." Nag-aalalang saad ko.

Hinawakan ako ni Baba sa balikat at marahang pinisil bilang pakikisimpatya.

"Hanggang ngayon patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang nangyari." Patuloy ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni mommy.

"Hindi pa po." Sabay napailing-iling na sagot ko.

Maging ang oras ay hindi ko na namalayan. Alas dose mahigit na pala ng tanghali.

"Ako na ang bibili." Presenta ni Baba. "Anong gusto mo anak?" Malambing na tanong niya sa akin.

"Kahit ano na po, Ba." May tipid na ngiting tugon ko.

Hinalikan muna niya ako sa ulo bago nagpaalam kay mommy na lalabas lang sandali para bumili ng pagkain.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan. Naupo ako sa gilid ng kama ni Vanessa. Malungkot na hinawakan ko ang kamay niyang may swero.

"Alam na ba 'to ng kapatid niya?" Tanong ni mommy kapagkuwan.

"Hindi pa po." Sabay napasinghap na sagot ko para pigilan ang pagsalakay ng emosyon. Vanessa needs me right now. Hindi ako dapat nagpapakita ng kahinaan. "Hindi ko pa siya natawagan." Tukoy ko kay Celeste.

"Hmm."

Natigilan kami ni mommy ng marinig ang mahinang pag-ungol ni Vanessa sabay ipinilig ang ulo. Dalawang beses itong naulit hanggang sa unti-unti siyang nagmulat ng mga mata.

"Van?" Nag-aalalang bigkas ko.

Dahan-dahan siyang nagbaling ng tingin sa akin tsaka kay mommy. "Where am I?" Parang wala sa sariling tanong niya. Napangiwi siya ng mapahawak sa sentido at makapa ang gasang nakatakip sa kanyang sugat.

Saving the Goddes of HellWhere stories live. Discover now