Chapter 22♥️

518 32 4
                                    

Candy's POV

"Here, masarap yan, ako nag luto niyan."

Nagulat ako ng lagyan ng pagkain ni Raven yung plato ko. Ngumiti pa siya sakin at nauna ng kumuha ng iba pang pagkain.

Wait, ano yung nangyari?

Totoong kinausap ako ni Raven?

For real?!!

Omyghad!

"Be yung bunganga isara baka pasukan ng langaw." Natatawang sabe ni ate Jade.

Totoong kinausap ako ni Raven diba? Hindi ako nananaginip. Pero bakit? Omyghad, kinikilig ako, owemji!

"Wew chansing, tara dito Candy, tabi tayo hehe." Sabay alalay sakin ni Tristan papunta sa table namin.

"Here Hanna, I'm sorry yan lang gift ko, di ko kase alam kung ano ibibigay ko kase parang lahat naman meron ka haha."

"No tita, thank you po dito hehe." Sabay yakap ni Hanna kay Mommy. "Tsaka hindi naman po need eh." Ngumiti lang si mommy at umalis na.

"And guys, thank you pala dito sa pasurprise niyo, nakakaiyak panget niyo hmp." Naiiyak pa na sabe ni ate Hanna habang pinupunasan yung kunting butil ng luha niya.

"Hindi naman kami yung plano niyan, yang boyfriend mong madaming alam, tumulong lang ako kase humihingi ng tulong yung baby ko. Diba Candy?" Natatawa pa si ate Jade habang sinasabe yun kay Kuya Coby na parang ako lang yung baby niya. Sumimangot pa si kuya Coby, kaya natawa nalang kami habang kumakain.

Habang kumakain ay puno ng tawanan yung hapag-kainan namin. Hindi din maiiwasan ang asaran.

"Takot daw uli mag jowabels pero sigurado ako may nagugustuhan na 'tong babaeng ito, sus Max 'wag ako."

Natatawa nalang kami kay ate Jade dahil si Max na naman yung nakita nila. Napag-usapan kasi kung pumasok na ba ang bawat isa sa amin sa isang relasyon, pero kami lang pala ni ate Jade yung NBSB at ang apat na boys naman ay hindi na NGSB.

"Ikaw Candy, may nagugustuhan kana din ba? Don't be shy, kami lang 'to baby, unless..."

"Ate! Wala po, ano ba hmp!" Pinagtatawanan lang nila ako, pero napatingin ako kay Raven na busy paren sa pagkain niya, kaya kumain nalang den ako.

I SEE it, the way she looks at him, and get shy whenever he's talking to her.

May gusto kaya si Candy kay Skie?

Wtf, what am I thinking!? I don't care if she likes Skie, tsaka I'm sure naman na hindi siya magugustuhan ni Skie, like dUh? The way she dress and act, hindi siya pasado sa standards ni Skie pft.

Pero what if? Aaah! Kurt Nathan stop overacting! I don't care aish.

"Tol, okay lang 'yan, may time ka pa para umamin." Tumatawa pa yung mokong habang kumakain tas inaasar ako.

"Tsk, pinagsasabi mo jan?" Imbes na mainiis ako, parang natutuwa pa ako na inaasar ng mokong na 'to. Argh! I don't understand myself, I've been acting so weird lately and I hate it because Candy is the reason behind this argh! "Just shut up, and eat you jerk, tsk."

"Okay, okay I'm sorry." Habang tumatawa kaya yung ibang kanin na nasa bibig niya ay nalalaglag. Tsk, sobra pa sa bata kung kumain.

Habang masaya silang nag aasaran at kumakain ay tumunog ang cellphone ko kaya napatingin sila sakin.

"Sorry, sagutin ko muna. Excuse me." Sabay tayo at lumayo ng kaunti sakanila at tsaka ko sinagot.

"Hello?"

"Kurt! This is Kate! Nakihiram lang ako ng cellphone kase na lowbat ako, but can you please uhm, sunduin moko dito? Hehe yung kotse ko kase naflat."

Wew, I hate you ate, wrong timing ka kahit kailan.

"Promise! Babawi ako, itetreat kita ng books sa Sunday, promise!" Napangiti ako dahil madagdagan na naman yung collection ko.

"Okay! Send the address to me kung saan ka, papunta na ako, just make sure na ililibre mo talaga ako or else.."

"Or else what huh?" Mataray na sagot naman niya na akala mo naman walang hinihinging favor sakin.

"I'm going to tell mom na umuwi ka gabi na super lasing."

Natahimik ang kabilang linya kaya napatawa ako ng mahina, kala niya ha. Matutulog na sana ako pero inuhaw ako bigla kaya bumaba ako nun at nakita ko si ate na andun sa sofa natutulog at amoy alak. Tsk, lasinggera.

"Okay I promise! Just please don't tell it to mom! Waaah, Nathaaan!"

Napatawa nalang ako at pinatay na ang linya, at nasend nadin sakin ni ate yung address kung nasaan siya ngayon.

Bumalik na ako sa pwesto namin at nag paalam na mauuna na, ayaw pa sana pumayag ni Tristan pero sinabe ko na importante lang.

"Hmp andaya, hindi pa nga tayo nag tatagal, aalis kana." Minsan naiisip ko, bakla kaya si Tantan, tapos may gusto siya saakin? Laging nakabuntot kase hays.

"Tsk, mauuna na ako, mag kita nalang tayo bukas, naghihintay na kase siya dun baka bugbugin ako pag wala parin ako dun."

"Kurt! Iho! Dalhin mo na 'to, hindi kasi nakapunta yung mommy mo at alam ko namang busy din 'yon, bigyan mo na din yung ate mo tas yung kapatid mong lalaki, marami na 'yan, ingat ka ha."

Bigla nalang pumunta sa table namin si Tita Charity, at binigay saken yung mga paper bag na may pagkain.

"Sige po tita, thankyou po dito." Ngumiti lang 'to at bumalik na sa loob ng bahay. Humarap na ako sa mga mokong at nag paalam.

"YOU ARE 5 minutes late Nathan! 'san ka pa ba pumunta ha? Hmpf! Pinaghintay mo'ko dito."

Wow, kala mo naman dapat mag drive ako ng full speed baka matigok ako ng maaga, tsaka madaling mauubos gas ko nun, ang mahal pa naman.

"Tsk, just get inside and let's go. Nag e-enjoy ako duon tapos mang-iistorbo ka." Naiinis kong sabi kay ate sabay paandar ng makina.

Habang sa daan kami ay parang baliw na nakangiti yung bruha, anong ginagawa nito?

"Ah nastorbo ba kita? Sorry ha, don't worry sa sunod hindi na, para mahaba yung oras na makikita mo si Candy."

"Dapat lang! Ilang oras ko lang siya nakita kanin— WAIT, WHAT?!! I'm not pertaining to her!"

Wtf did I just say? Argh! Anong pinagsasabi ni ate? Wew, I don't care if less than of seconds ko lang siya nakita like the hell I care, much better na 'yon dahil ayoko talaga makita 'yong mukha niya.

"Gotcha! Haha Kurt Nathan, you're too obvious tsk, tsk, tsk." Humahagalpak pa ng tawa habang sinasabe 'yon. "And don't worry my dear brother, hindi ko sasabihin sa iba, now focus on the road and drive slowly but surely okay? Pft."

Wtf is she saying?

"Nuh-uh Nathan, I don't say anything, its just your imagination." Sabay tawa na parang baliw.

Argh! Mali talagang pinagbigyan ko ito na sunduin ko. She's crazy.

To be continued~♡

The Nerdy Girl Meets The Campus Prince Where stories live. Discover now