Chapter 23♥️

343 21 0
                                    

A/N
Hi mga lodibels, gomen for super duper ultra mega slow na pag ud, madami kasing module tapos busy kakanood ng anime HAHAHA.

ENJOY READING LOVES!

Candy's POV

Nauna ng umuwi si Kurt, at pag katapos naman mag inuman nila kuya, ay umuwi na din yung dalawang boys. Dito matutulog sila ate Jade, kasi uminom din sila, except sa'min ni Max, hindi kasi ako umiinom samantalang si Max ay tinatamad daw.

"Candice! Max! Ihatid niyo na 'yang si Jade at Hanna sa taas, si Charles nalang yung bahala jan sa anak niya." Sabi ni Mommy kaya inalalayan ko na si ate Jade, at si Hanna naman kay Max.

"Ate! 'wag ka po malikot, ang bigat mo." Si ate Jade, ang gulo niya! Kung saan-saan pa siya dumadaan.

"Hoy Jade Anne, umayos ka jan, babatukan kita, nahihirapan sayo si Candy." Biglang sabat ni Max sa likod namin habang nakaalalay siya kay Hanna.

Tumawa lang si ate Jade na halata talagang lasing na, hays buti hindi nagalit si Mommy na uminom sila kasi mas okay na daw na dito sila nag-iinuman para may nakakakita sa kanila.

"May joke ako Candy pakinggan mo ha, ikaw den Max hehehe.. *hik*."

Alam ko na kung saan papunta'to hays.

"Bakit ba ang ingay niyang pinsan mo, san ba 'yan pinaglihi ni Tita? Tsk."

"Pag ba kunwaring nag kaanak ako at bibigyan ko siya ng name na Uno, *hik* ang mga susunod kung anak papangalanan ko din ba ng Dos, Tres? *hik*."

Ito na ba 'yung joke na sinasabi niya?

(-,-')

"Bakit?"

Si Max na ang sumagot kahit halata naman na napipilitan lang siyang sagutin si ate, hindi ko naman siya masisisi ganito kasi talaga si ate Jade lagi pag lasing, kung anong pinagsasabi eh hindi naman namin maintindihan.

Tuloy parin kami sa paglakad para lang makapunta sa kwarto pero parang nahihirapan na kami dahil sa likot ni ate Jade.

(T^T)

Lord, help me po..

"Para sunod-sunod sila pag tinawag ko *hik* hahaha."

"Ha? Asan ang joke dun?"

Biglang sabi ko kaya tumingin sakin si ate Jade na parang nagtataka.

"Iyon na yata ang joke niya Candy. Huwag ka ng magulat dahil corny mag joke 'yang ate mo, wala pang kaconnect-connect tsk."

Bahagya nalang akong napailing sa sinabi ni ate Jade, at tama nga si Max, ganito na talaga si ate Jade.

"Ito pa meron pa haha *hik*."

Lord, sana po ma-knock out na si ate Jade..

"Anong tawag ng asong nauulol sa dinosaur?" Kailan ka ba titigil ate T^T "...edi raaawr."

Ayoko na! Lupa kainin ako ngayon na! T^T

"Tf Jade Anne? Ang corny mo tsk."

Bumingisngis lang si ate Jade at patuloy parin naming tinatahak ang daan papunta sa aming kwarto hays, ang gulo parin ni ate Jade.

The Nerdy Girl Meets The Campus Prince Where stories live. Discover now