Chapter 2♥

3.6K 122 1
                                    

Candy Joy's POV

"Oy! Punta tayo ng canteen, nagugutom na ako, kailangan ko ng pakainin ang mga alaga ko sa tiyan!" Biglang sabi ni ate Jade, andito lang kami sa room at kumakin ako ng sandwich ko, may baon kasi ako at ang tatlo naman ay wala.

"Walang oras na na hindi ka gutom Jade Anne pft." Natatawang ani ni Max kaya napasimangot si ate Jade sabay lapit sakin.

"Candy, halika na please *puppy eyes*." Natatawa nalang ako kay ate dahil parang mas bata pa siya sakin kung umakto siya, mas matanda siya sakin pero parehas lang kami ng edad, mas matanda lang talaga siya samin ni Coby ng isang taon, mag na19na siya this year.

"Halika na, Candy punta tayo sa kuya mo." Ani Hanna, napangiti tuloy ako dahil alam kong miss nila ang isa't-isa pero kanina ay tudo tanggi 'itong si Hanna.

FLASHBACK

"Girls! Wake up! Anong oras na mga inday, tumayo na kayo jan at malelate tayo. Wala tayong katulong para ipaghanda tayo kaya tumayo na!"

Nagising ako dahil sa sigaw ni Ate Jade na parang maririnig pa ata ng kabilang bahay.

"Ate inaantok pa po ako." Napanguso nalang ako dahil pakiramdam ko ay kulang ang tulog kahit hindi naman.

"Candy Joy! Bubuhusan kita ng tubig sige. Dalian mo na jan! Miss na miss na ni Hanna yung si Coby tapos ikaw nakahiga parin naku." Salita ng salita si ate habang inaayos ang hinigaan namin kaya napatayo nalang ako.


"Opo na, argh!" Inaantok pa talaga ko huhu. "Nasan na po ba si Ate Hanna?"

Uma-ate ako kay Hanna minsan dahil utos 'yon ni Kuya Coby. Kuya ko daw siya kaya dapat ay ate ang tawag ko kay Hanna. Ganon tumakbo utak ni kuya, oa.

"Kakababa lang, dalian mo na at kakain na tayo."

Pag kalabas ni ate Jade ay pumunta na akong banyo upang maligo. Nag toothbrush muna ako at naligo na. Tumagal din ako ng mga ilang minuto at lumabas na ako.

Nagbihis at sinuot ang uniform ng bagong school na papasukan namin nila ate. Inayos ko ang sarili ko pero hindi na ako nag suklay, wala naman akong pake kung hindi maayos ang buhok ko dahil magugulo din naman.

Kumpleto na ang gamit ko, kaya kinuha ko na ang glasses ko at sinuot. Hindi magiging kumpleto ang ako kung wala nuon dahil 'yon ang kaibigan ko hihi.

Bumaba na ako at nakita ko sila sa sala na kumakain na.

"Tara na po?" 

"Teka lang, kumain ka muna." Sabi ni Max pero umiling lang ako.

"Hindi na Max, mamaya nalang." Ngumiti ako kaya tumango nalang sila at niligpit ang pinagkaininan nila.

Sumakay na kami sa kotse ni Ate Jade. Kotse lang ni Ate Jade dahil kung pati kotse ni Hanna at Max ay dadalhin sayang sa gas. Wala akong kotse dahil hindi ako marunong pero motor oo hehe. Pero dahil wala ako sa bahay, kay Ate Jade ako langing sumasakay.

Tiningnan ko si Hanna na katabi ko sa backseat, nakatingin to sa labas kaya lumapit ako sakaniya at kinalabit siya.

"Hanna, miss mo ba si Coby?" Nang-aasar kong sabi pagkalingon niya kaya natawa siya sakin sabay kurot ng mahina sa pisnge ko.

The Nerdy Girl Meets The Campus Prince Where stories live. Discover now