Chapter 25♥️

717 43 20
                                    

"AALIS na po ako, salamat po ulit sa food Tita, Tito. Manang una na po ako!"

Aalis na yung mokong na 'yon pero andito ako sa kwarto ko nakatanaw mula sa bintana. Rinig naman dito dahil nakabukas ang bintana.

"Take care Kurt! Paki-kamusta nalang ako sa Mommy mo ha."

Kung tutuusin, dapat na mag pasalamat ulit ako sakaniya dahil sa ginawa niyang pagligtas sakin kanina. Pero 'to ako ngayon, nasa kwarto at iniiwasan siya.

Hindi ko alam pero may nararamdaman ako pag mag kalapit kami na hindi maintindihan. Naiinis din ako dahil hinahayaan ko siyang lumapit sa'kin eh mag kaaway nga kami.

"Candy, uuwi muna ako sa bahay."

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Ate Jade. Dumiretso siya sa damitan at kuha ng mga gamit niya.

Lumapit ako sakaniya para tulungan siya. "Pinapauwi ka naba nila Tito, Ate? Babalik ka dito?" Tumingin lang siya sa'kin at ngumiti. Pero pilit lang 'yon. Hindi umabot sa mata niya ang ngiting ginawad niya sa'kin katulad ng palagi niyang ginagawa.

Nahihiya man ako pero nagtanong parin ako. "May problema ba Ate? Pwede ka namang magsabi sa'kin eh. Makikinig po ako."

Napatawa naman siya ng bahagya at itinigil ang ginagawang paglagay sa bag ng mga gamit niya sabay tingin sa'kin.

"Ganon parin yung problema ko, alam mo na kung ano 'yon. Kailangan ko lang talaga na umuwi muna kasi may aasikasuhin lang ako." Ngumiti pa siya pag katapos na sabihin 'yon at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Alam kong may iba pang dahilan pero hindi ko na inabalang itanong kay Ate dahil alam ko namang sasabihin din niya 'yon pag handa na siyang ishare.

Tinulungan ko lang siya at ng natapos ay nag-ayos na din siya ng sarili niya.

"Nagpaalam kana ba kila Max, Ate?" Tumingin siya sa'kin sabay tango.

"Kanina ko pa sinabi sakanila, pati kala Tita. Sila Max naman ay dito muna dahil ayokong duon sila sa condo matulog ng dalawa lang sila ni Hanna." Lumapit siya sa'kin at yakap. "Sa school nalang tayo magkita-kita, okay?" Tumango lang ako bilang sagot kaya humiwalay na siya ng yakap. Tinulungan ko si Ate na ibaba ang mga gamit niya at si Kuya Chester pala ang maghahatid sakaniya duon.

Dali-dali akong lumapit sakaniya at tumalon para lang yumakap, napatawa naman 'to sabay ganti ng yakap.

"Kuya namiss po kita!"

Nagbatian lang kami at nagkamustahan kaya sumakay na si Kuya sa kotse niya at nailagay na din sa likod ang mga gamit ni Ate.

"Tawagan moko pag karating mo sa bahay niyo." Sabi ni Hanna sabay pasok sa bahay. Napatawa nalang si Ate Jade at humarap sa'min ni Max.

Yumakap si Max sakaniya. "Ganon talaga 'yon. Cold pa sa ice."

"Lagot ka pag narinig ka nun."

Tumawa lang silang dalawa nang sumulpot si Coby.

"OA ah, magkikita-kita pa naman sa school kala mo naman– aray!" 

Binatukan siya ni Papa! HAHAHA.

"Pa! Masakit po 'yon ah." Hinimas niya yung ulo niya sabay tingin kay Papa na parang naiiyak kaya napatawa nalang kami nila Max.

Lumapit si Papa sa bintana ng kotse duon sa unahan kung nasaan  si Kuya Chester.

"Mag-ingat kayo, paki-kamusta ako sa Tito at Tita mo maliwanag ba Chester?"

Pumasok na si Ate Jade sa kotse kaya gumilid na kami.

"Yes Pa. Were going now, bye."

Lumapit ako sa pwesto ni Ate Jade. "Ingat kayo Ate!"

"Bye Candy! Max, Coby! Tito una na po ako, pasabi nalang po kay Tita na thank you po."

Tumango lang si Papa kaya pinaandar na ni Kuya ang kotse at umalis na sila. Hanggang sa hindi ko na makita ang kotse ni Kuya mula dito sa labas ng bahay ay pumasok na ako sa loob.

...

"DAPAT tinext man lang ako ni Jade! Edi sana nakita niya muna kagwapohan ko bago siya naka-alis tsk. Parang 'di kaibigan ah."

Kung hindi lang talaga para sa'kin at para sa lalaking 'to ay wala siya dito sa bahay. Kung tatanungin nga ay bakit nga ba ako pumayag na maging partner 'tong si Tristan para sa presentation para lang maisalba ang sarili ko at grades niya hays.

"Biglaan kasi at magkikita-kita parin naman sa school. OA ka lang talaga."

"Ouch Candy. You hurt my feelings, kailangan mo akong ilibre ng ice cream! Ah ouch masakit."

Napailing nalang ako dahil sa mga pinagsasabi ni Tristan at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng ituturo ko sakaniya.

Pinagtataka ko rin dahil maayos naman siya sa school, nakakasagot pa nga siya pero bakit kailangan ko pa siyang turuan diba?

Habang nag susulat ako, siya naman ay puro cellphone ang inaatupag. Ngumingiti pa na parang baliw. Masasapak ko 'tong lalaking ito kung hindi lang maayos ang gising ko.

"Asan pala si Max, Candy?"

Napahinto ako sa pagsusulat at tiningnan siya. Nakatuktok parin ang mukha niya sa cellphone at hindi ako tinatapunan ng tingin.

Inilapag ko ang ballpen ko sabay pangalumbaba at tingin sakaniya at ngisi.

Napasulyap siya sa'kin, nagtataka kung bakit ganito ang pinapakita kung mukha kaya napataas ang isa niyang kilay.

"What's with that face?"

Astig! Bakit pag nag eenglish yung mga lalaki ang ganda pakinggan? Dadag pogi din haha.

Napatawa lang ako at umayos ng upo. "Akala ko ba wala ka ng pake sa mga gagawin at whereabouts ni Max?" Napangisi ako sa tanong ko.

"Nagtatanong lang naman ako! Ang sama ng ugali mo Candy, hindi kita pinalaking ganiya—."

Biglang may bumukas ng pintuan at pumasok si Max. Naka suot ng pang-jogging.

Medyo nagulat siya ng makita si Tristan na nakahiga sa upuan naming mahaba habang hawak ang cellphone niya at nakatingin din ng blangko kay Max.

Papalit-palit ako ng tingin sa kanilang dalawa dahil hindi na sila gumagalaw! Nakatayo lang si Max habang nakatingin parin kay Tristan at medyo hinihingal pa. At ang isa naman ay parang hindi nag papatalo ng tinginan.

"Maligo kana sa taas."

Napatingin kami sa nagsalita mula sa hagdanan at andun si Hanna. Nakatingin kay Max at Tristan na nakakunot ang noo.

Ang aga-aga bakit ganito mukha niya? T^T

"Bakit andito ka?" Para namang natakot si Tristan kaya dali-dali siyang nag tago sa likod ko. Napatawa nalang ako sa inasta niya.

Tumingin ako kay Hanna at ako na ang nagpaliwanag. "May pinag-aaralan kasi kami. At ginagawa yung presentation namin para kay Sir Aguilar. Mag almusal kana Hanna! Si Kuya tulog pa ba?"

"Oo. Dumaan ako dun kanina sa kwarto niya tumutulo pa laway ng lalaking 'yon."

Dumiretso siya sa kusina at natawa naman ako dahil ang init na agad ng ulo niya na ang aga pa nga.

"Where is she?!!"

Ay pusa!

Bigla nalang may pumasok sa pintuan. As in bigla! Kulang nalang eh sipain niya na at sirain yun.

To be Continued~

A/N: Isa lang muna ha. Thanks for reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerdy Girl Meets The Campus Prince Where stories live. Discover now