Chapter 4♥

2.9K 116 1
                                    

Candy Joy's POV

NAGISING ako sa mabangong amoy, paniguradong luto 'yon ni Mommy. Tumayo na ako at napansin kong wala na ang tatlo.

Ang aga naman nila magising.

Pumasok na ako ng banyo at naligo, pag katapos ko ay nag bihis na ako at nag ayos. Ang totoo niyan ay nag patahi na agad kami bago mag transfer sa SNHS dahil bago kami pumasok sa school nun ay nakapagdesisyon na pala sila Max kung kailan kami lilipat.

Bumaba na ako at nakita ko silang kumpleto na sa lamesa.

Ako nalang siguro ang hinihintay nila.

"Good morning everyone!" Masigla kung sabi sabay kiss sa pisnge ni Papa at Mommy, umupo na ako sa tabi ni Kuya Coby, bali napapagitnaan nila ako ni Max.

"Good morning Candy! Eat na tayo dahil baka malate kayo sa school." Ngiting sabi ni Mommy kaya sinimulan na naming kumain.

Sinulyapan ko si Coby at Hanna, panay ang asikaso ni Hanna kay Coby na akala mo naman ay paralisado ang kamay kaya inaalalayan.

Ang tagal na nilang mag karelasyon pero hindi nabawasan ang kasweet-an nilang dalawa sa isa't-isa.

NATAPOS na kaming kumain kaya paalis na kami.

"Una na po kami Pa! Mom!" sabi ni Coby kaya nauna na ako lumabas.

"Let's go, male-late tayo. Jade sayo ako sasabay." ani ni Max.

"Wait! Kukunin ko bag ko." Pumasok ulit si Ate Jade, at ilang segundo lang ay bumalik na din. "Ikaw Candy? San ka sasabay?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Mag mo-motor po ako!" Ngiting sabi ko pero parang ako lang yata ang natutuwa dahil ang sama ng tingin ni Coby sakin.

"Walang mag mo-motor, sasabay ka samin ni Hanna at tsaka nakapalda ka!" Masamang tingin ang binibigay sakin ni Kuya pero hindi ako natatakot! "...at delikado, baka mapano ka sa daan Candy Joy." Kunot noong dagdag pa nito.

"Kuya, unang-una hindi naman maiksi ang palda ko 'no, pangalawa maingat naman ako mag drive, hindi ako full speed mag drive tsk." Pagdadahilan ko pero parang hindi siya kumbinsido, pero dahil gusto ko talaga mag motor ay pumunta na ako sa garahe kung nasan ang motor ko.

Nakita ko na siya!

Sa sobrang excited ko ay dali-dali akong pumunta dun at tinanggal ang tabon, at duon na nga.

Ang baby ko!

(≧▽≦)

Dali-dali kong binuksan ang gate at pinalabas 'to, hinihintay pa pala ako nila Ate Jade. Si Coby naman ay kung makatangin akala mo naman ang laki ng kasalanan ko.

"Candy be careful okay? Mag helmet ka, asan ba ang helmet mo?" Pumasok ulit si ate sa loob sabay hanap ng helmet ko, andun lang naman naman 'yon kaya alam kung makikita niya agad.

Sumakay na ako at nilagay ang susi para umandar 'to.

Bumalik na si Ate Jade dala ang helmet ko, ngumiti ako sakaniya kaya ngumiti din siya. "Hintayin mo kami sa parking lot kung mauuna ka, hihintayin ka din namin kung kami ang mauuna, okay?" Tumango nalang ako bilang sagot at ngumiti.

Lumapit sakin si Coby at tinapik ang balikat ko.

"Mag-ingat ka tsk." Sabi na eh hindi ako matitiis nito hehe. "...pero simula bukas ay sasabay kana sakin." Dagdag niya na ikinasimangot ko.

The Nerdy Girl Meets The Campus Prince Where stories live. Discover now