Part 1: Ang Simula

10 9 0
                                    

[Warning: some part of the story has foul words that not suitable for kids]

Black String of Death ito ang tawag ko dito. Isang itim na taling nagkokonekta sayo at sa taong papatay sayo. Isang itim na taling ako lamang ang nakakakita. Black String of Death is a dangerous one. Kaya gusto kong tumulong at putulin ang itim na taling yun. Pero ang tanong paano? Paano ko puputulin ang itim na taling kamatayan ang hatid sa mga tao, kung ako sa sarili ko hindi ko alam kung sinong papatay sa akin at kung kelan, saan at paano nya ako papatayin....

GLIMPSE

"Lotus una na ako a, may mga gagawin pa kasi ako" sabi ko sa kaibigan kong si Lotus
"Sige mag-iingat ka tatanga-tanga ka pa naman minsan" pang-aasar nyang bilin
"Hahaha opo nay mag-iingat po ako" ganti ko
"Ganda ko namang nanay" ani niya sabay pose
"San banda?" Tanong kong natataws sabay takbo, alam ko kasing sasabog na ang bulkan ni 3.2.1.
"GLIMPSE RAMIREZ!!!"

Hahaha sabi sa inyo e, tumuloy na lang ako sa pagtakbo, papuntang gate.

Malapit na ako noon sa gate ng campus namin ng bigla akong mapatigil, mula sa kinatatayuan ko nakikita ko ang isang batang babaeng natakbo na may black string sa hinliliit nya at nakakonekta ito sa...

"Mamaaaa!!" Tawag ng batang babae sa taong karugtong ng kanyang black string.

Napasinghap ako kasabay ng pagtakip ng dalawa kong kamay sa aking bibig. Bakit? Bakit papatayin ng isang ina ang kanyang sariling anak. Ano ang dahilan nya para patayin ang isang inosenteng bata?

Nagtataka siguro kayo kung paano ko nalaman kung sino ang victim at kung sino ang killer sa taong magkakablack string. Isa lang ang palatandaan ko at iyon ay ang striped na black and white ribbon string sa hinliit ng victim, samantalang ang sa killer ay purong itim. Kaya madali kong malalaman alin sa magkablack string ang victim at ang killer.

Tumulo ang isang butil ng luha galing sa aking mata kasabay ng pagbagsak ng dalawa kong kamay na kaninang pinangtakip ko sa aking bibig. Tumingin ako sa aking paligid at karamihan na ngayon sa mga taong nakapaligid sa akin ay may black string of death, ang iba ay hindi mo makikita kung kanino nakakonekta at ang iba naman ay nasa malapit lamang at kilala na nila ang papatay sa kanila..

People find me crazy about this stuff, minsan ko ng sinabi sa iba ang tungkol sa black string pero tinawanan lang nila ako at sinabihang nababaliw na. But they don't know that black string is true at kamatayan ang hatid nito sa tao.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata kasabay ng pagyukom ng aking dalawang kamao. Sinasabi ko sa sarili ko na panaginip lamang ang lahat ng ito. Minulat ko ang aking mga mata pero ganun parin ang mga nakikita ko. Sa puntong ito alam ko wala akong magagawa para tulungan ang mga taong mamamatay. Warningan ko man sila alam kong hindi naman sila makikinig at sasabihan lang akong baliw.
Muli kong kinuyom ang aking kamao at dumiretsyo na lamang palabas ng campus dala-dala ang malaking guilt sa loob ko.

----

Kinabukasan pagkapasok ko sa eskwela ay para akong lantang gulay at may malaking eye bags sa ilalim ng aking mga mata, hindi ako matulog ng ayaw kagabi dahil na din sa alam kong may mga mamamatay na tayo sa paligid ko pero kahit isa ay wala akong maililigtas at wala akong magagawa para mailigtas sila sa kamatayang paparating.

"Hanep a! Panda is real" Yan ang bungad sa akin ni Lotus pagkaupo ko palang sa tabi nya, seatmate kasi kaming dalawa
"Di ako nakatulog ng maayos e" inaantok kong sagot.
"Halata nga, laki ng eyebags mo e, konti na lang magiging zombie kana" pang-aasar nya
"Grabe ka naman Lotus! Makazombie, anong akala mo isang linggo akong di natulog? Nakasimangot kong sabi
"Hahaha sensya na, nagsasabi lang ng totoo" natatawa nyang sagot

Black String of FateWhere stories live. Discover now