Part 5: Who Are You?

5 6 0
                                    

GLIMPSE

Puting kisame. Yan ang unang sumalubong sa akin sa pagmulat ng aking mga mata.

"Nasaan ako?" Mahina kong tanong sa aking sarili

Inilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa mapagtanto kong nasa ospital pala ako. Tumingin ako sa wall clock na nasa bandang unahan at nakitang 6:07 na ng gabi, paano ko nalaman na gabi na? Nakita ko kasing takipsilim na sa labas ng bintana ng kwartong aking kinalalagyan. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at pagkatapos ay muli din akong nagmulat at tumitig sa kisame.

"Paano ako napunta rito?"

Nakatitig lamang ako sa kisame ng bumukas ang pinto na nasa loob lang din ng kwartong kinalalagyan ko, tingin ko ay comfort room yun at iniluwa nun si Kuya Gray.

"Hay! Sucess" saad niya habang nakahawak ang kamay sa kanyang tiyan.
"Kuya Gray" paos kong agaw sa kanyang pangalan

Nang dahil sa tahimik ng kwarto ko ay narinig ni Kuya Gray ang pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ko at biglang nanlaki ang mga mata na bahagyang ikinanuot ng aking noo.

May pagmamadali siyang nagpunta sa tabi ko, di naman kalayuan ang comfort room sa hospital bed na hinihigaan ko kaya mabilis syang nakalapit sa akin, muntik pa siyang madulas sa ginawa niyang pagtakbo.

Umupo siya sa upuan na nasa tabi ng kama ko at hinawakan ang isa kong kamay. Teka parang.. nanyare na to, hindi ko lang matandaan kung kailan.

"Glimpse thank goodness, gising kana sobra kaming nag-alala nila Mom at Dad sayo" may pag-aalalang wika ng huli
"Sorry for making you worried Kuya Gray, kayo nila Tita at Tito. Ilang oras ba akong walang malay?" Paos ko pa ring sagot
"Hindi oras, kundi araw. Isang linggo kang nakaratay diyan sa hospital bed" mata sa matang turan ni Kuya Gray na may bahid parin ng pag-aalala sa kanyang boses.
"I..isang linggo?" Di ko makapaniwalang tanong.

Tango lang ang naging sagot sa akin pabalik.

Isang linggo? Anong nanyare sa akin para mawalan ako ng malay ng ganung kahaba at katagal.

"Ano ba kasing nanyare Glimpse? May tumawag na lang sa aming taga ospital at sinabing dinala ka dito" tanong ng huli matapos bitawan ang aking kamay
"Hindi ko po alam, wala akong matandaan" mahina kong sagot

Muli sana syang magtatanong ng biglang bumukas ang pintong ng kwarto dahilan para mapatingin kami pareho sa dito at iniluwa noon sila Tita Margarette at Tito Lucas. Pero nasaan si Lotus? Bakit wala siya?.

" Mom, Dad" tawag ni Kuya Gray kila Tita at Tito
"O, Gra---" hindi natapos ni Tita kanyang ang sasabihin ng mapatingin siya sa aking gawi.
"Glimpse iha, salamat sa Diyos at gising kana" may bahid ng kagalakang sabi ni Tita at lumapit sa akin pagkatapos ay niyakap ako.

Mahina kong tinapik-tapik ang braso ni Tita na nakayakap sa akin at sinabing..

"Pasensya na po kung napag-alala ko kayong lahat"
"It's ok iha ang mahalaga ay gising kana" sagot ni Tito kaya napalingon ako sa kanya.

Isang masayang ngiti ang naging sagot ko sa huli. Kumalas na rin sa pagkakayakap si Tita sa akin.

"Kamusta na pakiramdam mo iha?" Tanong sa akin ni Tita Margatte
"Ayos na naman po medyo nakakaramdam lang po ng konting panghihina" sagot ko dito
"Si Lotus po pala nasaan po?. Bakit hindi niyo siya kasama?, Hindi po ba niya alam na nasa ospital ako?" Sunod-sunod kong mga tanong sa kanila.

Nagkatinginan silang tatlo at kapwa mga nagtataka ang rumehistro sa kanilang mga mukha.

"Tita, Tito, Kuya Gray bakit?" Nakakunot noong tanong ko

Black String of FateWhere stories live. Discover now