Part 4: The Solution

6 6 0
                                    

GLIMPSE

Dinala ako ni Trio sa isang lugar kung saan daw kita ang buong syudad. Noong una ay ayaw ko dahil baka may gawin sya sa aking masama di pa rin ma-i-aalis sa akin ang mangamba dahil kahit pag balik baliktarin man ang bawat sulok ng bermuda triangle ay siya parin ang nakatakdang pumatay sa akin..

"Nagustuhan mo ba dito?" Biglang tanong niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya
"Oo, sobrang ganda tama nga yung sinabi mo na kita mula dito ang buong syudad" nakangiti kong sagot sa tanong niya
"Told yah" maikli niyang sagot at muling tumingin sa harapan kung saan tanaw na tanaw mula sa kinaroroonan namin ang mga makukulay na ilaw na galing sa syudad
"Paano mo pala nalaman ang lugar na ito?" Ako naman ang nagtanong
"Dito ako dinadala ng kuya ko kapag gusto niyang magrelax noon" sagot niya pero hindi man lang siya lumingon sa akin
"May kuya ka pala? Ngayon ko lang nalaman. Nasaan na siya?" Tanong ko ulit
"He's gone, because of me" mahina nyang sagot pero sapat na para marinig ko
"I'm sorry" saad ko habang nakayuko
"No it's ok" sagot niya dahilan para mag- angat ako ng tingin

Ngunit sa aking pag-angat ng tingin ay bumungad sa akin ang nakangiti nyang mga labi ngunit may ilang butil ng luha ang umalpas mula sa kanyang mga mata at umagos yun papunta sa kanyang pisngi.

"Trio" bulong kong tawag sa pangalan niya at ini-angat ang dalawa kong kamay saka pinahid ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi.

Hinawakan niya ang mga kamay kong pumahid sa kanyang luha at tumingin ng diretsyo sa aking mga mata.

"Mapaglaro nga talaga ang tadhana at sa ganitong sitwasyon niya pa tayo pinagtagpong dalawa" wika niya habang ako naman ay nakatitig lamang sa abuhin niyang mga mata at maamong mukha
"Nakakatawang isipin nasa ganitong paraan ko pa mahahanap ang taong mamahalin ko" dugtong nya

Umawang ang aking bibig sa huling salitang kanyang binitawan..

Hawakan mo ang kamay ko (ang kamay ko, ang kamay ko)
At dadalhin kita san mo man gusto
Akong magsisilbing gabay mo (gabay mo)
Ipikit mo ang yung mga mata at lilipad tayong dalawa~~

"A-ano?" Hindi ko makapaniwalang tanong

Humarap na siya sa akin ng tuluyan habang hawak-hawak parin ang mga kamay ko at binitiwan ang mga salitang..

"Glimpse mahal kita"

Takasan na natin ang mundo (oh ow oh)
Wala ng iba ikaw lang at ako (at ako)
Handa kung ibigay ng buo (ibigay ng buo, ibigay ng buo)~~

Doon tumulo ang mainit na likido na hindi ko inaasahang aalpas sa aking mga mata. Pinisil niya ang mga kamay ko at ipinagpatuloy ang pagtatapat ng kanyang damdamin.

"Alam kong nabigla ka sa biglaang pagtatapat ko. Sino ba naman kasing di mabibigla kung ang taong kablack string mo at nakatakdang pumatay sayo ay heto..sa harapan mo nagtatapat ng nararamdaman para sayo"

Ang puso ko'y sayo lang talaga
Kaya humawak ka
Saking kamay (saking kamay)
Handang ibigay (handang ibigay)
Ang lahat ng naisip mo
Para sa ating paglalakbay
Ang yung kamay (yung kamay)
Sakin ibigay (sakin ibigay)
Hindi ka bibitawan san man mapunta ang byahe nating dalawa...

Black String of FateWhere stories live. Discover now