Part 2: Farewell

8 8 0
                                    

[Warning: this short chapter has a violent scene and also foul words that no suitable for a young readers. Stay safe out there guys, take care and make a good choice in life. Godbless!]

Puting kisame yan ang bumungad sa akin pagmulat ng aking mga mata. Nilibot ko pa ang aking paningin hanggang sa mapadako ako sa taong nasa aking tabi at na naka ub-ub ito sa kama kung saan ako nakahiga. Ini-angat ko ang isa kong kamay at hinaplos ang buhok nya dahilan para sya ay magising at mag-angat ng paningin.

"Glimpse! Thank God gising kana" bungad sa akin ni Lotus at niyakap ako ng mahigpit
"L-lotus c-can't breath" nahihirapang saad ko
"Sorry, sorry" hinging paumanhin niya sa akin
"Kamusta ka? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya
"Oo, nagkagalos lang sa braso" sagot naman nya
"Ikaw kamusta pakiramdam mo?"
"Ayos na, medyo nahihilo lang" mahinang sagot ko

Muli akong tumingin sa paligid, hanggang sa mapadako ang tingin ko sa bintana na hindi pa nakasara ang kurtina kung kaya't nakikita ko ang madilim na kapaligiran sa labas.

"Gabi na pala" mahinang bulong ko
"Ahm Glimpse, sorry" biglang wika ni Lotus dahilan para mapatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakayuko
"Lotus" mahinang tawag ko sa pangalan nya
"Glimpse Sorry" nag-angat na sya ngayon ng tingin

Isang umiiyak na parang bata na Lotus ang kaharap ko ngayon. Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

"Sorry ng dahil sa akin napahamak ka"
"Hey, tahan na ok lang" alo ko sa kanya, pero umiling lang sya sa akin
"Hindi ok! Kasi tignan mo o, nasaktan ka" umiiyak nya paring saad
"Shhh, it's ok Lotus"
"Sorry talaga Glimpse" muli nyang hinging paumanhin at niyakap ako

Niyakap ko rin sya at hinahagod ang kanyang likod. Para patahanin sa pag-iyak.

"Shh tahan na"

Isa mang matapang na babae si Lotus di naman maipagkakaila na iyakin din sya lalo na kapag may nangyayare sa aking masama at napapahamak ako. Kaya mas gusto ko syang protektahan lalo na't dumating na ang panahon..ang panahon kung saan nanganganib na ang buhay nya at dumating na ang taong papatay sa kanya. Natatakot ako para sa magiging kalagayan niya, at napapaisip ako bakit dumating pa ang panahong kinatatakutan ko. Bakit kailangan kunin sa akin kaibigan kong itinuturing ko ng para kong kapatid. Bakit? Anong rason?...

Inilayo ko sa akin ni Lotus at pinahid ang kanyang mga luha gamit ang aking mga palad. Gusto kong ipakita sa kanya na magiging maayos din ang lahat, kahit na sa loob-loob ko ay punong-puno ako ng pangamba.

"Tahan na crying baby" natatawa kong saad habang pinapahid ang kanyang mga luha

Bigla na lang syang sumimangot na naging dahilan ng mas lalo ko pang pagtawa. Ilang minuto pa kaming nag-usap dalawa ng biglang pumasok ang isang nurse at doktor

"Good Evening Ms. Ramirez and Ms. Serrano" bungad ni doc sa amin
"Evening Doc/Good Evening Doc" sabay naming bati ni Lotus
"Ms. Ramirez ayon sa result ng test mababaw lang ang sugat na natamo mo sa iyong ulo at bukas ng tanghali ay pwede ka ng umuwi, pero for now you need to rest" sabi ni Doc
"Salamat naman po kung ganun Doc"
"So maiwan na muna namin kayo at may aasikasuhin lang kaming ibang pasyente" pag eexcuse ni Doc
"Sige po Doc, salamat po ulit" pasalamat ko ulit
"Salamat po Doc" sabi naman ni Lotus

Pagkalabas ni Doc ay agad akong binalingan ni Lotus at nakangiting hinawakan ang isa kong kamay.

"Buti naman at bukas ay makakalabas kana" nakangiting wika niya habang nilalaro ang kamay ko

Inaantake na naman ng pagiging isip bata. Nakaramdam ako ng antok siguro dahil sa hilong nararamdaman ko

"Lotus inaantok ako" mahinang saad ko sa kanya
"Sige tulog ka muna, babantayan kita" sagot niya and that's my cue to close my eyes and fall a sleep

Black String of FateWhere stories live. Discover now