Part 6: Ang Pagtatapos

6 6 0
                                    

Tinatahak na namin ngayon ang daan papunta sa burol aa kung saan nila ako..kami ng lalaking sinasabi nilang kasama ko natagpuan.

Napakatahimik din ng atmosphere sa loob ng kotse ng biglang tumunog ang cellphone na hawak-hawak ko. Nasa back seat kasi ako ng sasakyan, habang ang magkapatid ang syang nasa unahan. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin at napag alaman kong si Kuya Gray pala iyun. I answer the call at ang nag aalalang boses nito ang agad na bumugad sa akin.

["Glimpse, Where are you?, kanina pa kita hinahanap"]
"Sorry po kuya Gray kung hind na po ako nakapagpaalam sayo nagmamadali po kasi ako" hingi kong paumanhin
["Nasaan kana ba kasi?"]
"Papunta po ako ngayon sa lugar kung saan po ako natagpuang walang malay" sagot ko dito
["Ikaw lang?"]
"Hindi po, kasama ko po yung mga taong nagdala po sa akin sa ospital"
["Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan sila?"]
"Kuya Gray wag ka pong mag alala, saka babalik din po ako agad. Pasensya na po kung pinag alala ko po kayo" sagot ko

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa huli saka siya nagsalita.

["Fine, just text me kapag pabalik kana. Ako na ang magsasabi kila Mom and Dad"]
"Sige po, pasensya na po ulit" saad ko
["Its fine basta mag-iingat kayo, lalo kana"]
"Opo" sagot ko, yun lang at namatay na ang tawag.

Bumaling ako sa labas ng bintana at napansin parang pamilyar sa akin ang daang tinatahak namin. Nang biglang magsalita si Sarell na nasa front seat dahilan para matuon ang pansin ko dito.

"Ang sweet naman ng Kuya mo"
"Naku hindi ko siya Kuya, Kuya siya ng kaibigan ko" sagot ko diro
"So ibig sabihin may gusto siya sayo" biglang singit ni Darell na nasa Driver seat at busy sa pagmamaneho.
"Huh? Naku walang gusto sa akin si Kuya Gray. Parang kapatid na din kasi ang turing niya sa akin" paliwanang ko na may kasama pang pag-iling-iling.

Siniko siya ng babaeng kapatid at pabulong na sinabing..

"Wag mo siyang itulad sayo"

Na narinig ko naman. Kaya hindi ko napigilang magtanong.

"What do you mean Sarell?"
"Huh?" Gulat na ani ng huli at bumaling ng tingin sa akin.
"Narinig ko kasi yung sinabi mo na wag itulad ni Darell sa kanya si Kuya Gray" paliwanag ko
"Na-naku w-wala yun" alinlangang ngumiti sa ang huli.
"Ang ibig sabihin noon is wag kong itulad si Kuya Gray mo sa akin na may gusto sa nakakabata niyang kapatid" si Darell ang ang salitang yun.

Na nahuli kong nakapagpalaki ng mata ng dalagang katabi.

"Kuya JD!!" Matigas ngunit may halong hiyang sabi ng huli sa lalaking kapatid.
"What?" Inosenteng tanong ni Darell

Natampal na lang ni Sarell sa kanyang noo at muling bumaling sa akin saka alinlangang ngumiti..

"Naku Glimpse wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Kuya JD"
"Sabing wag mo kong tawaging Kuya" mahina ngunit matigas na saad ng huli
"Tumigil kana nga" asik naman ni Sarell sa kanya.
"Tss" na lang ang tanging narinig king naisagot ni Darell sa kapatid na babae.

Napapailing na lang akong muling tumingin sa labas ng bintana. Hindi man nila aminin ramdam kong may iba sa relasyon nilang dalawa..and it's unique kind of love. I hope maipaglaban nila ang isa't isa hanggang dulo kahit na against ang mundo sa kanila.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at puro puno na ang nakikita ko. Sobrang pamilyar talaga ng daang tinatahak namin, ngunit hindi ko talaga matukoy kung kailangan ko na ba nakita ang lugar na ito. Nasa malalim akong pag iisip ng biglang tumigil ang sasakyan.

"We're here" rinig kong sabi ni Darell.

Binuksan ko ang pintuan sa back seat ng kotse at saka bumaba dito. Masarap na simoy ng hangin at sinag ng araw ang sumalubong sa akin, pagkababa ko. Napaka payapang lugar..

Black String of FateWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu