Chapter 7

2.4K 99 5
                                    

Chapter 7
Asterin’s POV

“Uyy, Asterin!”malapad ang ngiting saad sa akin ni Kuya Koa. Nginitian ko lang din naman din siya pabalik. Ngayong araw ang last na photoshoot niya. Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag pa ito gayong ang kaya ko lang namang ibigay ay pangkain.

“Late ka ata nagpunta ngayon?”tanong niya sa akin.

“Pasensiya na po.”sabi ko na lang dahil naharang din kasi ako ni Ate kanina. Tinatanong kung saan ako pupunta nang marinig pa niyang kay Kuya Koa ay galit na galit niya akong sinabihang humaharot nanaman, nang malaman pa nga niya kay Tita Eva na may kasama akong lalaki noong nakaraan, mas galit pa ito kaysa kina Papa. Kahit paano’y nakaramdam din ako ng tuwa roon dahil kahit paano’y may pag-aalala pa rin naman pala sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung iniinsulto lang ba ako o ayaw niya lang talaga ng ganoon.

“It’s fine! Kakatapos lang din namin.”natatawa niyang saad at nginitian ako. Napatingin naman ako kay Esai na siyang nakangiti lang akong kinawayan ngunit nang makita niya ang Kuya niyang nakangisi sa kanya’y agad niya itong inirapan. Hindi ko naman mapigilang mapangiti roon. Close na close kasi talaga sila.

“Hey.”bati ni Esai sa akin.

“What are you doing here?”tanong niya pa sa akin.

“She’s with me, hindi dahil sa’yo.”natatawang saad ni Kuya Koa.

“Do you like my brother?”tanong pa niya sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa biglaan niyang tanong.

“Huh?”naguguluhang tanong ko.

“I’m asking if you like my brother.”sambit pa niya.

“He said that you like him.”sabi pa nito. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n, nilingon ko naman si Kuya Koa dahil do’n. Agad siyang napatawa at agad na umiling sa akin.

“Don’t tell me, you don’t like me?”tanong nito na nanliliit ang mga mata.

“Yeah, I like you po.”sabi ko naman. I like him being my reference.

“I told you she likes me.”natatawang saad pa ni Kuya Koa kay Esai na nakakunot ang noo at nakasimangot pa.

“I like his body and his face. He’s my reference?”patanong na sagot ko nang nagtaas ng kilay si Esai sa akin.

“Reference?”tanong niya na nakakunot ang noo. Tumango lang naman ako sa kanya.

“So you don’t like him romantically?”tanong naman ni Esai sa akin. Napakunot naman ang noo ko roon at bahagyang umiling. Narinig ko naman ang halakhak ni Kuya Koa at nagtaas pa ng dalawang kamay nang samaan siya ng tingin ni Esai.

“Ayos lang ba sa’yong sa bahay tayo magphoto shoot ngayon?”tanong ni Kuya Koa sa akin. Napaisip naman ako roon bago tumango.

“Don’t worry, mayroong sariling studio si Esai.”sabi pa ni Kuya Koa na kinindatan si Esai na nakakunot noo sa kanya.

“Oh, hindi pa rin ba kami pupwedeng pumasok doon?”tanong pa ni Kuya Koa.

“Fine.”sabi naman ni Esai na napakibit ng balikat. Nagsimula naman na kaming maglakad patungo sa bahay nila habang nagkukwentuhan lang ng kung ano. Nang makarating kami roon ay nagulat pa si Tita Demi na mukhang patungo na sa flower shop niya nang makita kami.

“Hija!”sambit niya at agad akong nginitian nang makita.

“Mabuti’t nadalaw ka?”nakangiti niyang tanong sa akin.

“Magphophoto shoot kami, Ma.”sabi ni Kuya Koa.

“Oh, ganoon ba? Mabuti pa’t mag-almusal na muna kayo.”sabi pa ni Tita sa amin.

“Halika na, Hija.”sabi pa ni Tita Demi sa akin.

“Tita, kumain na po ako..”mahina kong sambit at nahihiyang pinaglalaruan nanaman ang mga daliri.

“Ganoon ba? Kahit kaunti lang, hija?”nakangiti niya pang tanong. Sa ngiti nito’y parang hindi pupwedeng tanggian mo. Napatango na lang ako.

“Nakita ko ang pininta mo noong nakaraan sa litratong kinuha ni Esai, ang ganda, Hija!”nakangiting saad sa akin ni Tita habang kumakain kami.

“Uhh, thank you po, Tita.”sabi ko na lang dahil hindi ko rin alam kung paano ko ito pasasalamatan.

“Ma..”reklamo ni Esai sa kanya.

“Oh, bakit? Gusto ko lang naman tignan ang mga litrato mo dahil proud akong ang gaganda ng kuha mo.”sabi ni Tita sa kanya, hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil do’n. Kailanman ay hindi ako pinuri nina Mama, lagi’y tila ba may kulang. Lagi kailangan maging perpekto tulad ng kay Ate o minsan kahit na parehas lang ng sa kanya’y kailangan ko namang lagpasan, hindi ko alam kung saan ba talaga ako lulugar.

Nang matapos kaming kumain, akala ko’y aalis na si Tita ngunit nanatili siya sa tabi ko dahil ang dalawang anak ay kanya kanya ng take ng shower. Naupo naman kami sa may sofa nila rito sa sala. Kung ano ano lang ang tinatanong sa akin ni Tita at sinasagot ko lang din naman. Nagkwento rin ito patungkol sa kanyang mga anak. Masasabi ko namang mas gusto ko itong si Tita kausap dahil kailanman ay hindi niya pinagkumpara ang mga anak. Hindi rin niya ako tinanong kung bakit mas magaling si Ate sa kung ano. Hindi siya nagtanong ng tungkol kay Ate ngayong kausap niya ako, hindi katulad ng mga kaibigan ni Mama na kauusapin lang ako para may malamang kung ano sa pamilya ko.

“Hmm, late na po ata kayo, Tita, nako, pasensiya na po.”hindi ko mapigilang sambitin dahil hindi na siya nakaalis pa dahil sa akin.

“Nako, ayos lang, Hija, may kasama naman ako sa flower shop.”nakangiti niyang saad.

“Oh, ayan na pala si Koa.”sabi pa niya nang makita si Kuya Koa na siyang pababa na at may ilang dala dalang damit.

“Can I buy some of your painting?”tanong sa akin ni Tita. Bahagya naman akong nagulat do’n.

“Don’t get me wrong, I really like it, lalo na nang makita ko sa picture ni Esai. I want to display it on my flower shop, paniguradong mas mabibigyan pa ng buhay ‘yon.”sabi niya sa akin.

“Are you sure po, Tita? Hindi po ako ganoon kagaling, baka nga po hindi ko pa mabigyan ng hustisya ‘yon.”sabi ko pa ngunit agad sumingit si Kuya Koa.

“Ang ganda kaya ng mga artworks mo! Kung makikita mo lang, Ma, ‘yong mga drawing niya! Ang gaganda! Mas gwapo pa ako roon.”sabi pa niya kaya bahagya naman akong nahiya. Minsan kasi’y kinukulit din ako ni Kuya Koa na ipakita sa kanya ang mga drawing ko do’n sa mga reference na binigay niya. Pinapakita ko naman, tuwang tuwa rin kasi siya kapag nakikita ang mukha.

“Can I see some of your works?”nakangiti niya pang tanong sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil do’n, sino ba naman ako para palagpasin ang oportunidad, hindi ba? Tuwang tuwa kaya ako kapag nakikita kong nakadisplay ang kahit na anong pinta sa kung saan.

“Let set a date..”sabi pa ni Tita sa akin, nag-usap lang kami sandali hanggang sa dumating na si Esai.

“Ang tagal mo namang maligo!”reklamo ni Kuya Koa ngunit malapad din naman ang ngisi sa kapatid, hindi naman ‘yon pinansin ni Esai.

“I’ll go now.”sabi ni Tita at hinalikan pa sa pisngi ang mga anak, kumaway naman siya sa akin saka ngumiti. Ngumiti lang din ako pabalik. Nagtungo naman na kami sa loob ng studio ni Esai. Hindi ko naman mapigilang humanga habang pinagmamasdan ‘yon. Malinis na malinis din, para bang wala ring bakas ng tao na ginagamit ito.

“Ginagamit niya ba ‘to, Kuya?”tanong ko kay Kuya Koa. Napatawa naman siya sa tanong ko.

“Hay nako, kung wala siya sa kanyang kwarto, paniguradong nandito lang ‘yan.”sabi niya naman kaya napatango ako. May sofa rin dito at meron ding table na maliit sa kabilang banda. Doon nakalagay ang laptop niya at ilan pang gamit. Nahihiya naman ako habang nagmamasid lang. Kung tutuusin ay hindi naman na talaga ako kailangan dito ngunit nakakahiya naman kung ganoon nga. Humihingi rin kasi ng opinyon ko si Kuya although kayang kaya niya naman na as if he was born to be a model.

Inayos lang ni Esai ang camera niya, mukha itong professional habang sinasabi kay Kuya Koa ang mga gagawin.

“Okie.”sabi ni Kuya Koa at nagokay sign pa. Nailing na lang sa kanya si Esai dahil dito. Hindi ko naman mapigilang mapatitig lang kay Esai habang seryosong seryoso ito sa ginagawa. Hindi ko naman na namalayan pa ang sariling nagdodrawing sa aking sketch pad na dala. Wala rin naman kasi akong magawa. Nang matapos sila sa unang damit ay agad kong sinara ang sketch pad nang mapatingin sa akin si Esai. Nginitian niya naman ako bago nilapitan, nagbibihis na rin si Kuya Koa para sa kanyang susunod na damit.

“Are you bored? Pupwede naman kasing ibigay na lang sa’yo ni Kuya, bakit sinasama ka pa?”reklamo niya habang nakatingin lang sa camera niya.

“It’s fine, ayos lang! Ang Kuya mo na nga ‘tong naabala ko.”nahihiya kong saad.

“This is also the reason no’ng umalis kayo sa court?”tanong niya sa akin at tinignan pa ako. Tumango naman ako sa kanya.

“What’s the requirements?”tanong niya na ibinalik ang tingin sa kanyang camera.

“Requirements?”naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Requirements to be your reference?”tanong niya pa na tinignan ako ngayon sa mga mata. Napaawang naman ang mga labi ko dahil do’n.

“Huh?”naguguluhan kong tanong. Napatawa naman siya ng mahina sa akin.

“Hey! Next na! Itong photographer na ‘to, nakaharot.”natatawang saad ni Kuya Koa kaya napasimangot si Esai sa kanya, inirapan lang siya nito bago sila nagsimula ulit na magphoto shoot. Tinuloy ko na rin naman ang sinimulang drawing, hindi ko maiwasang mangiti habang dinodrawing ito, kung papayag lang ito’y baka sobrang saya ko kapag bibihisan siya. Well, sa simpleng damit pa lang naman kasi’y umaapaw na ang kakisigan nito, mukha siyang model kahit na photographer.

Bahagya pa akong napatawa nang makita kong naiinis na siya sa Kuya niya dahil kapag pinupuna niya ito’y iniinis lang siya lalo.

“Ang arte naman!”reklamo ni Kuya Koa sa kanya. Akala ko’y mag-aaway na ang mga ito ngunit napangiti na lang ako ng mag-angilan sila at nagtawanan din kalaunan. Siguro’y dahil halos magkalapit lang din ang edad. Well, halos malapit lang din naman ang edad namin ni Ate pero bakit nga ba?

Nang matapos sila sa photoshoot ay natapos na rin ako sa pagdodrawing kay Esai na siyang abala sa kanyang camera.

“Wow!”agad naman akong nagulat kay Kuya Koa dahil do’n, agad akong tinakpan ang sketch. Napatingin naman sa amin si Esai dahil dito. Napatawa naman si Kuya Koa sa akin dahil do’n, kinindatan niya pa ako.

“Ang gwapo ko naman diyan, Asterin, hindi ko alam na ganyan mo pala ako kagusto!”sabi niya pa na malapad ang ngiti sa akin.

“Mainggit ka, Esai.”sabi pa niya kay Esai na siyang nakatingin lang sa amin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano. Bahagya pa akong nahiya dahil dito. Ako ang nahihiya sa mga sinasabi ni Kuya. Kunot noo lang naman si Esai habang nakatingin sa amin.

“Joke lang! Tignan mo! Ang gwapo mo rito!”natatawang sabi ni Kuya Koa kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

“Kuya Koa!”sambit ko. Sa hindi ko malamang dahilan, nahihiya akong makita ni Esai na dinrawing ko ito.

“Hala, akala naman nagbibiro ako, totoo nga!”natatawang saad ni Kuya Koa sa kanya. Napatingin naman sa akin si Esai dito, walang tiwala sa sinasabi ng Kuya niya. Lumapit siya sa akin at nagtanong.

“Can I look at it? Did you really draw me?”tanong niya sa akin. Tinignan ko lang naman ako bago ako tumango. Matagal siyang nakatitig lang sa sketch, bahagya naman akong nahiya dahil do’n.  Maya-maya lang ay malapad itong napangiti.

“Can I keep it?”tanong niya pa sa akin, nakatitig lang naman ako sa kanya bago tumango. Malapad siyang napangiti dahil do’n, hindi pa rin inaalis ang kanyang mga mata sa sketch ko. Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko dahil do’n, pakiramdam ko’y sa tingin pa lang niya’y talaga namang pinupuri na ang drawing ko.

“Can I be your reference too?”tanong niya kaya hindi ko alam kung ano nga bang sasabihin ko rito.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon