Chapter 30
Asterin’s POV
“Talaga? Okay, let’s just call each other later!”nakangiti kong saad kay Esai at kumaway pa mula sa kabilang linya.
“Alright.”sambit niya. Mukhang antok na antok pa, natawa naman ako ng mahina roon bago siya nakangiting kinawayan. Hindi ko nga alam kung bakit tumawag pa siya gayong alam ko namang hindi kami magsasabay ngayon dahil nga busy na agad siya sa schoolworks niya.
“See you later!”saad ko bago siya pinatayan ng tawag. It’s been a month since I started being senior high school, siya naman ay college, hindi na kami parehas ng school, medyo malayo rin ang kanya rito pero may bus naman kaya walang problema saka pwedeng pwede rin namang lakarin ang bahay nila.
Nang makarating ako sa school, dumeretso na agad ako sa classroom namin. Nangalumbaba naman ako nang makaupo sa upuan ko.
“Good morning, Asterin!”bati ni Macy na siyang nakangiti ng malapad sa akin bago naupo sa harapan ng table ko.
“Good morning, Macy.”bati ko rin pabalik at nginitian siya. Medyo mahaba na ang buhok nito, abot na hanggang balikat. Kahit anong ayos naman ay bagay niya rin. Talaga naman kasing maganda ang isang ‘to.
“Alam mo ba may chika ako, hindi na kita nakausap kagabi, busy din sa bahay e.”natatawa niyang saad.
“Naalala mo ‘yong ex ko, Sis? Shet! Nagchat nanaman! Anong gagawin ko? Should I chat him back?”tanong niya pa sa akin kaya napatawa ako.
“Huwag na, he cheated on you, right? Paniguradong lolokohin ka lang ulit niyan.”sambit ko kaya agad siyang napanguso sa akin. Magsasalita pa sana siya ngunit may dumungaw sa bintana namin.
“Macy! Tara na roon! Marami akong chika sa’yo!”excited na saad ng isang babae, si Elen, her new friend. Nginitian din ako nito nang makitang nakatingin ako sa kanya, tipid lang din akong ngumiti. Same vibes talaga sila ni Macy kaya madaling magkasundo. Madalas ‘tong naikukwento ni Macy sa akin.
“Aste, una na ako ahh, talk na lang ulit us mamayang break time. Punta ako rito!”nakangiti niyang saad at kumaway pa sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik at kinawayan din siya. It’s completely fine, madalas pa rin naman kaming nagkakausap tuwing recess at maski kapag may mga free time ay nagkikita pa rin naman kami kahit magkaiba na ng section.
“Awwe, mukhang may bago ng bestfriend.”nakangising saad sa akin ni Natalie nang makita ‘yon. Hindi ko naman ‘yon pinansin, sobrang ayos lang sa akin kung magkakaroon ng panibagong kaibigan si Macy dahil hindi ko naman hawak ang buhay nito. Saka hindi ko rin naman ‘yon pipigilan bukod sa hindi naman kami magkaklase ay natural lang na maghanap siya ng ibang kaibigan, sino ba ako para pagbawalan siya, hindi ba? Magkaibigan kami, oo, pero wala akong karapatan para diktahan ito sa kung ano. Maliban na lang siguro kung napapansin kong makakasama sa kanya ‘yon ngunit wala naman akong nakikitang ganoon.
“Can you stop bothering me, Natalie?”maayos na tanong ko sa kanya. Nginiwian niya naman ako bago bumalik sa kanyang pwesto. Nailing na lang ako sa inasta nito, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon kontrabida pa rin siya ng buhay ko.
Nang matapos ang klase, agad ko ring nakita si Macy na siyang pakaway kaway na sinalubong ako, napangiti naman ako roon. Nagrant lang ito patungkol sa kung ano ano habang papunta kami sa may cafeteria. Pinapakinggan ko lang naman siya at sinasamahan na rin ng payo kahit paano.
“But you know what? I didn’t really regret na I took my strand. Sobrang nakakalibang din.”nakangiti niyang pagkukwento.
“Yeah, same with me—“bago pa ako makapagsalita’y dumaan ang ilang kaibigan niya sa section nila at binati siya. Nagtawanan pa ang mga ‘to nang may pinag-usapan na hindi ako makarelate. Napatingin naman sa akin si Macy bago niya kinawayan ang mga ‘yon tila tinataboy na.
“’Yon ‘yong mga kaibigan ko sa classroom ngayon. Mukha lang ewan pero mababait ‘yon.”nakangiti niyang saad sa akin.
“I know.”sabi ko naman at nginitian siya. Alam ko naman na kahit paano, hindi naman makikipagkaibigan si Macy sa alam niyang magiging bad influence sa kanya. Mabilis lang na natapos ang oras, kailangan nanaman magtungo sa klase.
Nagpaalam naman na kami sa isa’t isa ni Macy bago tuluyang nagtungo sa kanya-kanyang classroom. Mayroon naman akong ilang nakakausap sa classroom ngunit mas gusto ko rin na tahimik lang.
“Asterin, may boyfriend ka na raw ba?”tanong ni Ian sa akin. Maraming transferee sa amin ngayon, nilingon ko naman siya at kunot noong tinignan.
“Hihingin sana ni Jace number mo, kung ayos lang daw.”natatawa niya pang saad. Hindi ko alam kung pinagpupustahan ba ako ng mga ito o ano.
“Hindi ko memoryado and I already like someone else.”sambit ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.
“May boyfriend na ‘yan! Pati ba naman ikas nagayuma na rin ni Asterin?”dinig ko pa ang pabirong saad ni Natalie. Nailing na lang ako roon bago tumayo. Kahit paano naman ay nagkaroon din ako ng kaunting glow up ngunit I’m not really up with it bukod sa hindi ako interesado, totoong alam ko sa sarili ko na may gusto talaga ako sa isang tao.
“I told you, she already have someone she likes, kulit mo kasi.”natatawang saad ni Jace at nginitian pa ako. Makikita naman na genuine ‘yon. Tumayo na ako lalo na’t nang makita ang text ni Esai sa akin.
Esai:
I’m already here. See you!
Napangiti na lang ako bago ako nagmadaling lumabas ng school. Agad ko naman siyang nakita kaya nakangiti akong kumaway sa kanya.
Ngunit bago ko pa siya malapitan, nakita ko si Kuya Mave na siyang papalapit sa akin. Bahagya naman akong nagulat nang makita siya dahil hindi na rin naman siya rito nag-aaral, same school pa rin naman sila ni Ate kaya madalas ko pa rin siyang nakikita sa bahay namin. Matagal na kasi silang magkaibigan. Actually, same school silang tatlo nina Esai.
“Hi, Asterin!”nakangiti niyang bati sa akin.
“Uyy, good afternoon po, Kuya, nadalaw po kayo?”nagtataka kong tanong sa kanya.
“Ahh, yup, pupunta ako sa art room today, bibisita lang. You know masiyado na akong napalapit sa mga tao roon.”sabi niya kaya napatango ako sa kanya.
“What about you?”tanong niya pa sa akin.
“Do you want to come with me?”tanong niya pa ngunit bago pa ako makapagsalita ay mayroon ng nagsalita sa gilid ko.
“She’s not going with you. We already have plan.”sabi ni Esai na hinawakan na ako. Wala namang kahit na anong rahas doon.
“Oh.”ani Kuya Mave kaya awkward akong napangiti at nagpaalam na lang sa kanya, medyo nahiya rin kasi ako.
“Alright, see you, Asterin.”nakangiti niyang saad bago ako kinawayan.
Nauna naman na kaming umalis ni Esai, agad nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“Hmm, bakit ang suplado mo pagdating kay Kuya Mave, mabait naman ‘yong tao.”sabi ko at napanguso.
“You’re not sure about that.”sambit niya naman kaya agad akong napairap sa kanya.
“It’s been more than 3 years since nakausap ko ‘yon, mabait talaga!”ani ko. Iniba na lang din ang usapan dahil baka magtalo pa kaming dalawa.
“Ang aga mo, I thought medyo late kang makakauwi ngayon?”tanong ko sa kanya.
“You said you’ll go to your grandmother today? Let’s go.”sabi niya. Isinuot niya pa ang helmet sa akin bago ako inangkas sa motor niya.
Nagtungo mula kami sa flower shop ni Tita Demi para bumili ng bulaklak para kay Lola.
“Ingat kayo, huh? Huwag ng magpagabi pa sa daan, Esai,”bilin pa ni Tita kay Esai na siyang tumango lang naman.
Maya-maya lang ay nakarating na rin naman kami sa puntod ni Lola. Ilang beses ko na ring sinama si Esai dito kaya sigurado ako na madalas na siyang nakikita ni Lola.
“La, nandito nanaman kami, happy birthday po!”nakangiti kong saad bago inihanda ang ilang pagkain na binili lang din namin mi Esai dahil wala naman kaming oras para magluto pa.
“I miss you, Lola. Sorry po, wala sina Mama, sure naman po akong ipaghahanda kayo no’n. Abala po sila ngayon e.”sabi ko at ngumiti pa. Napasulyap naman ako sa bulaklak na nasa gilid. Nilapag lang din ni Esai ang bili namin.
“Binisita ka po ba ni Mama Ella?”nakangiti ko pang tanong kahit na alam kong hindi naman ako sasagutin nito.
“Kumusta na po, La?”tanong ko pa habang nakangiting umupo sa tabi ng kanyang puntod, ganoon din ang ginawa ni Esai bago siya naupo sa tabi ko.
“Nandito po ulit si Esai kasama ko, La.”ani ko. Nagsimula rin naman kaming kumain ni Esai tila ba kasama rin si Lola. Napangiti na lang ako dahil ang dami kong kwento rito.
“I miss Tita Ella na, La, minsan ko na lang ulit siya makita, madalas ay abala na talaga sa sarili niyang buhay. Wala pa rin pong asawa’t anak, Lola.”sambit ko pa.
“Did she already call you?”tanong naman ni Esai sa akin dahil naikukwento ko rin sa kanya si Mama Ella paminsan minsan.
“’Yong last na tawag niya noong last month, ‘yong kinuwento ko sa’yo?”tanong ko naman. Tumango naman siya sa akin bago niya pinunsan ang mayo na nasa labi, sanay na sanay na ako rito.
“Hindi ka ba talaga, busy? Baka mamaya’y marami ka pa palang gagawin, you know, hindi mo naman talaga ako kailangan samahan dito.”sabi ko sa kanya.
“But I want to, it’s fine.”sabi niya sa akin at ngumiti. Napangiti lang naman ako roon.
“Do you know that the I like this guy, La?”tanong ko pa sa puntod ni Lola, this is the first time na umamin ako, hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob.
“What did you say?”tanong ni Esai sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at nakibit ng balikat.
“Ano?”tanong ko ng pinapaulit nito ang sinabi. Napatawa naman ako ng mahina roon bago nahihiyang umamin.
“Crush kita,”ani ko at nahihiyang natawa. Alam kong higit pa roon ang nararamdaman but one thing I’m really sure of? I do like him.
“Ako rin.”sabi niya habang nakangiti sa akin. Napatikhim naman ako roon, matinding katahimikan ang bumalot sa amin ngunit hindi mawala ang ngiti sa mga labi. Binasag ko lang ‘yon at kunwaring kinausap si Lola. Naisip ko tuloy na humaharot na nga lang ako sa harap pa ng puntod ni Lola.
Matagal lang kaming nanatili habang nagkukwento ng kung ano ano kay Lola, pati assignment ko ay dala dala kaya naman tinuruan niya ako sa mga bagay na alam niya. Nang dumilim na’y tumatawag na rin sina Ate sa akin kaya naman nagpaalam na rin kami kay Lola.
“Hello po, Ate, pauwi na po kami ni Esai,”bungad ko.
“Yup, Esai already told me.”sabi ni Ate kaya agad akong napatingin kay Esai.
“Tell him na sumama na rin sa loob, nandito sina Tita Demi.”sabi niya kaya napatango naman ako.
“Ate told me na roon na rin ata kayo magdidinner, panigurado akong naghanda na ang mga ‘yon.”sabi ko kaya tumango naman siya sa akin.
“By the way, nagkakatext pala kayo ni Ate?”tanong ko pa sa kanya habang naglalakad kami palabas.
“Yeah, kapag lumalabas tayo.”sabi niya na parang wala lang naman ‘yon kaya napatango naman ako at nagkibit ng balikat.
Maya-maya lang ay nakarating na rin naman kami sa bahay. Nang makapasok kami’y agad namin silang nakita sa may bakuran. Marami silang inihanda para kay Lola but I know Lola, mas gugustuhin no’n na kahit bisitahin lang siya, paniguradong masaya na ‘yon. But who I am to make a decision nga naman?
“Oh, nandiyan na pala kayong dalawa. Tara ma rito.”sabi ni Mama at inanyayahan na kami. Nagkakatuwaan na rin sila nina Tita Demi na nag-iihaw. Si Tita Demi lang ang nandito ngayon, abalang abala na rin kasi ata si Kuya Koa at si Ate Elai naman ay nanatili pa rin sa bahay nila dati. Wala talaga siyang balak umalis do’n. Hinahayaan din naman ni Tita Demi na bisitahin ni Tito ang mga anak nito.
“Uyy, Esai, tara rito,”nakangiting saad ni Ate at hinila si Esai sa tabi niya. Ang alam ko’y naging magkaklase sila sa isang subject.
“Bihis lang ako sandali.”sabi ko at ngumiti kay Esai na parang walang narinig dahil naglahad na siya ng upuan sa akin. Tumango naman siya at hinayaan ako.
Nagpalit lang ako ng disenteng damit dahil hindi naman ako umuwi kanina para makapagbihis. Nang makaayos na’y bumaba na ako patungo sa garden.
“Ma, wala pa po si Papa?”hindi ko maiwasang itanong dahil kadalasan ay nandito naman siya.
“Wala pa,”tila nagbago naman ang mood ni Mama dahil dito. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka, may problema ba sila? Ilang linggo na rin silang nagtatalo tungkol sa kung ano ano, minsan maski sa mga mababaw na bagay ay nagtatalo sila, hindi ko alam kung bakit. Napabuntong hininga naman ako roon bago ako nagtungo sa gawi ni Esai na siyang kinakausap ni Ate.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...