Chapter 51
Asterin’s POV
“Asterin, nalaman ni Mayor Ema na nandito ka! Baka raw gusto mong bumisita sa bahay nila?”nakangiting saad sa akin ni Jameson. Si Mayor Ema ang dating mayor dito sa paniqui, siya rin ‘yong naging dahilan kung bakit naging artista ako.
“Oo naman, sige, pupunta ako. Sandali lang.”nakangiti kong saad sa kanya. Tumango naman ‘to. Pumasok na ako sa loob dahil wala naman akong gagawin ngayon, tutulong lang mamaya kay Mama sa carenderia niya.
“Ma, Ate, pinapapunta ako ni Mayor Ema sa bahay nila, aalis po muna ako.”paalam ko kina Mama at Ate na naghihimay ng gulay doon. Napatingin naman ako kay Esai na kagigising lang, ayaw pang matulog kanina pero ang bilis lang din namang pumikit. Nailing na lang ako at nakangiti siyang nilapitan.
“Gusto mong sumama? Magtutungo ako ngayon sa bahay no’ng dating Mayor tapos pasyal tayo!”nakangiti kong saad sa kanya. Hindi naman na siya nag-isip pa at tumango na lang.
“Sus, bakit ako hindi mo niyaya? Halatang bias ka rin e!”sambit ni Ate na siyang natatawa pa habang nakatingin sa amin no Esai. Halatang hindi naman talaga siya sasama dahil talagang nakadikit lang siya kay Mama. Kaya nga mukha silang mag-ina no’n dahil kahit hindi siya anak ni Mama, parehas sila ng hilig, hindi ko nga lang alam ngayon.
Pagkatapos naming mag-ayos ayos ni Esai, naglakad naman na kami patungo sa bahay ni Mayor Ema. Agad kaming sinalubong nang mga ito nang makarating doon, hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanila.
“Good noon, Mayor!”nakangiti kong bati sa kanya.
“Good noon, Hija, nako, huwag mo na akong tawaging Mayor, iba na ang mayor dito.”natatawa niyang saad. Ngumiti lang naman ako dahil nasanay na rin na ganoon ang tawag sa kanya.
“Mayor, si Esai nga po pala, boyfriend ko po.”nakangiti kong pakilala kay Esai na tahimik lang na nasa gilid ko.
“Oo nga, Hija, kalat na kalat kayo sa social media at news! Nagquit ka na raw talaga ng showbiz?”tanong niya pa sa akin. Tumango naman ako roon at ngumiti lang. Hindi naman na siya nang-usisa pa, mukhang ayaw din namang magtanong tanong tungkol do’n.
“Tara, pasok muna kayo, naghanda kami ng makakain.”sabi niya at pinapasok kami.
“Sayang irereto ko pa naman sana ulit sa’yo ang bunso ko ngunit hindi na pupwede.”natatawa niya pang biro kaya napailing na lang ako.
Binati naman naman kami ng mga ito, ang ilang apo pa ni Mayor Ema ay nagsitakbuhan papalapit sa akin, hangang hanga na makakita ng isang artista. Hindi ko naman maiwasang mapangiti roon. Naging abala rin naman si Esai sa pakikipag-usal sa asawa ni Mayor. Maya maya lang ay dumating naman ang Mayor ng paniqui ngayon, medyo nagulat din ako dahil hindi ko naman alam na bibisita.
“Hija, good to see you!”nakangiti nitong bati sa akin, ngumiti naman din ako sa kanya.
Minsan ay nagtatanong sila ngunit hindi naman sobrang dami at mukhang iniisip din nila ang mga gustong tanungin.
“Baka pupwede kang magtungo mamayang gabi sa auditorium, Hija? Alam mo naman mayroong pageant mamaya, baka gusto mong magjudge.”sabi ni Mayor sa akin kaya nahihiya naman akong umiling.
“Hindi po ako ganoon kagaling mangilatis, but I can be your guest po, dadalo po ako.”nakangiti kong sambit dahil balak ko naman talagang libangin ang sarili, maski sa school ay nagrequest din kasi si Mama Ella na magleave muna ako. Speaking of Mama Ella, agad ko siyang nakitang papasok dito sa loob habang may dalang mga pagkain. Binati naman siya nina Mayor, respetado rin kasi talaga ito.
“Pupwede rin siyang magperform, Mayor.”sabi pa ni Mama Ella kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Natawa naman siya, hindi ko naman naagawang tanggian pa si Mayor dahil talagang siningit na niya ako sa schedule, nakakahiya.
“Sorry, akala ko mabilis lang tayo rito.”pabulong kong saad kay Esai.
“It’s fine, I’m enjoying my stay.”sambit niya naman sa akin.
“You look good together, Ate, Kuya! Kasama ako sa fans club niyo!”malapad ang ngiting saad ni Rachel, isa sa mga apo ni Mayor Ema. Pinakita niya pa ang isang group, mayroon pa talagang pangalan ang loveteam at fans club naming dalawa. Aesai. Parang gusto ko na lang matawa, ang hilig talaga ng mga tao na gumawa ng ganito. Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa mga ‘to. Well, naappreciate ko naman ang suporta nila.
Nagpaalam na rin naman kami kalaunan ni Esai dahil balak na ngang mamasyal, sa little baguio view ko lang siya nagawang dalhin dahil wala na ring oras. Nagpalipas lang kami ng oras doom habang pinapanood ang paglubog ni haring araw. Hindi ko maiwasan ang ngiti habang nakatingin lang do’n, hindi ko na halos nakikita ang paglubog nito depende na lang kung sa labas kami nagshushoot, madalas kasi’y abalang abala ako sa iba’t ibang bagay. Ngayon ko lang ulit ito na pagmasda ng ganito. It’s really pretty.
“Remember when we use to hang out together just to watch the sunset?”nakangiti kong tanong sa kanya.
“Of course, whenever I look at my window and saw how the sunset, it’s just remind me of you…”aniya habang nakatingin lang din do’n.
“I learn to love it because of you…”sambit niya pa.
“Sus! Ang ganda kaya ng langit, you just learn to love it because it’s pretty, not because of me.”natatawa kong saad sa kanya. Inirapan niya naman ako. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa kailangan na ring umuwi. Bahagya naman akong nagulat nang makitang ang daming taong nasa tapat ng bahay namin.
‘Yon iba’y hindi pa ata tagarito. Bumaba naman ako ng kotse ni Esai habang nakasunod lang siya sa akin, nakita ko pa ‘yong president ng official fans club ko. Nang makita nila ako’y agad kong nakita kung paano sila magpigil ng iyak. Hindi ko naman maiwasang mapangusp habang pinagmamasdan ang mga ‘to.
“Ae, talaga bang aalis ka na sa showbiz?”umiiyak na tanong sa akin ng Alisa, ‘yong president ng fans club, nandito ito noong simula pa lang kaya tandang tanda ko siya, madalas ko rin kasing makita sa mga event at madalas ko rin siyang nakakausap.
“I’m sorry…”ngumiti ako nang malungkot sa kanila. Hindi ko alam na ganito rin para karami ang mananatili, akala ko noon ay talagang tatalikuran na ako ng lahat kung sakaling may hindi magandang mangyayari.
“Bakit? Hindi kami naniniwala sa mga issue na ‘yon, Ae, balik ka na please, I know you have a great heart,”sambit pa no’ng fans. Ang dami pa nilang mga tanong na hindi ko naman na magawa pang sagutin dahil ang dami na nilang nakapalibot sa akin, dumating naman si Mama Ella at hinila ako papasok sa bahay. May sinabi pa siya sa mga ito kaya kita ko ang pagbagsak ng balikat nila.
“Ma, can I have these snacks? Palitan ko na pang po.”sabi ko kay Mama at kinuha pa ang ilang box ng tubig na para talaga dapat sa carenderia. Tumango naman siya sa akin bago kami nagtungo sa labas.
“Aba’t magkakagulo lang kung ilaw pa ang mag-aabot.”sabi ni Mama Ella. Kinuha naman ni Esai ang ilanh box at siya na mismo ang nagtungo roon.
“Sorry, ito lang ang maibibigay ko, thank you sa pagpunta.”sambit ko habang nasa tapat lang ng gate. Mayroon pang isang fans na lumapit sa akin para yakapin ako. Hinagod ko lang ang likod nito at nginitian siya.
“Grabe, para namang mamamatay ako.”natatawa kong biro sa kanila ngunit panay lang ang hikbian nila habang nakatingin sa akin.
Well, hindi naman kasi talaga lihim ang bahay namin at wala rin naman kami sa exclusive village, isa pa kilala rin naman kasi ng mga tao rito kami nina Mama.
Pumasok na rin naman ako sa loob dahil kailangan kong magtungo sa audi, napakiusapan din naman ni Mama Ella ang mga ito na magsiuwi na sapagkat hindi na raw magbabago pa ang isip ko.
I don’t know how to feel I felt overwhelm dahil talagang nagtungo pa sila rito para lang bisitahin ako, at the same time hindi ko rin maiwasang malungkot dahil alam kong wala ng makakapagpabago pa sa isip ko.
Nang makarating kami sa audi, sa backstage kami nagtungo, kasama ko rin si Mama Ella pati sina Ate, may table na para sa amin sa labas. Nakangiti pang nakikipagbatian sina Mama Ella sa mga bisita nina Mayor. Nagkukwentuhan lang naman kami ni Esai habang nakaupo rito sa isang gilid. Maya-maya lang ay pinapalabas na rin kami dahil magsisimula na ang event, bahagya naman akong nagulat nang makitang sobranh daming tao na nasa paligid.
“Ang dami mo talagang fans, Ae, pati sa plaza ay punong puno rin dahil inaabangan ka ng lahat, pinost kasi ni Mayor sa official page ng municipality of paniqui na magpeperform ka raw kaya ‘yon, maski ang mga tao mula sa karatig na bayan at iba pang lugar nagpunta rito.”sabi Jameson. Hindi naman siguro, pageant panigurado ang ipinunta nila rito.
Nagsimula na rin naman ang pageant kalaunan, nalilibang din naman ako sa panonood habang tinitignan ang naggagandahang dilag.
“Ang ganda niyan, bet ko ‘yan.”sambit ko kay Esai habang tinititigan ‘yong magandang kandidata na magaling ding rumampa.
“Mas bet kita.”sabi niya kaya napairap ako.
“Alam mo wala kang kwentang kausap.”ani ko ba pabiro pa siyang inirapan muli. Nagpatuloy lang naman ako sa panood.
“Ang ganda niya talaga,”sambit ko.
“Oo, maganda nga.”sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya at sa hindi malamang dahilan, napasimangot ako. Aba, Asterin, hindi ko alam na ganyan ka pala kachildish, hindi ba ‘to pwedeng magandahan sa iba?
“What? Akala ko’y gusto mo akong sumang-ayon sa’yo.”natatawa niyang saad habang nakatingin sa akin. Oo nga, ‘yon naman ang gusto ko. Tsk. Natawa na lang ako nang mapang-asar niya akong tignan, hindi ko magawang patagalin ang inis sa kanya. Habang nanonood tuloy ay nagkukwentuhan at asaran lang kaming dalawa.
“Ms. Ae Endrano.”tawag sa akin at hindi ko namamalayan.
“Oh, magpeperform na pala?”tanong ko. Umiling naman sila sa akin.
“Gusto ka raw hong kunin na partner for talent portion.”anila sa akin at tinuro ‘yong babaeng nasa taas ng stage. Tumango naman ako naglakad na patungo roon. Mukhang aarte ang babae at talagang balak lang kumuha ng kapareha sa audience. Nagsimula naman na ‘tong umarte. Sinabayan ko lang naman siya, hindi nagsalita at facial expression lang talaga ang kailangan.
“Hala, fan na fan po ako ni Ms. Ae mula noong nanalo siya ng pageant dito, it was really a huge thing for me.”sabi niya na hinawakan pa ako sa kamay. Napangiti lang naman ako roon at bumalik na sa upuan ko nang matapos ang ilang tanong ng host sa akin. Nakakahiya, baka isipin ng mga tao’y agaw atensiyon ako rito. Nang tawagin ako para magperform, inayos ko lang naman ‘yon. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot din nang makita ang audience na naghahagulgulan, akala mo’y tuluyan na akong mawawala rito.
“Mayor can I ask for 5 minutes?”tanong ko kay Mayor na nasa gilid ko. I want to use this chance to tell them what I wanted to say dahik sa media ko sinabi ang gustong sabihin noong nakaraan, gusto kong sabihin ng harap harapaj sa kanila ngayon.
“Oo naman, hija, take your time!”nakangiti niyang saad sa akin. Nagpasalamat naman ako bago ako naglakad muli harap ng stage.
“Hmm, hi, nakakahiya man but I want to use this opportunity to tell you guys how much I’m thankful to be with you… masaya ako… ramdam na ramdam ko ang pagmamahal na ibinigay at ibinibigay niyo sa akin… it was really a meaningful journey, hmm, I’m sorry kung ngayon ko lang sinabi but I was really planning to quit being celebrity. I want to pursue my dream. I want to be a great artist not artista. Thank you sa suporta… mahal ko kayo.”nakangiti kong saad.
This time I would also like to say to my self… ako naman muna…
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...