Chapter 33
Asterin’s POV
“Asterin.”sabi ni Natalie nang makaupo ako sa upuan ko.
“Kayo pa ba ni Kuya Esai?”tanong niya pa sa akin. Tinignan ko lang naman siya.
“Hindi kami. Hindi naging kami.”sambit ko at tipid na ngumiti.
“Really? But you like him, right? Ate told me kasi na madalas magkasama ang Ate mo at si Kuya Esai, well, kahit paano’y medyo kaibigan naman na kita kaya medyo concern lang ako sa’yo.”sambit niya. Napakibit naman ako ng balikat doon, I don’t have time to think about that ngunit alam kong kahit paano’y nasasaktan din talaga ako.
Hindi ko mapigilang isipin na baka ginamit lang din ako nito para mapalapit kay Ate, baka nga ganoon lang. Mas lalo lang kumuyom ang kamao ko nang maisip ‘yon.
“Look, I don’t want to say this, okay? You know Ate, she likes Kuya Esai talaga, mukhang hindi naman niya sasabihin ‘yon kung hindi niya madalas makita ang dalawa.”sabi niya pa sa akin.
“It’s fine, Natalie, walang kami ni Esai, gusto ko siya oo pero walang kahit na anong namamagitan sa amin.”sambit ko pa kaya hindi na lang din nagsalita si Natalie kahit kita ko ang tingin niya sa akin. Masiyado na akong marami pang iniisip pero hindi ko maiwasang masaktan pa rin doon. Ang dami ko ng naririnig tungkol doon ngunit isinasawalang bahala ko lang.
Kahit naman sa bahay ay naririnig kong sinasabi ni Ate na inihahatid siya ni Esai. I don’t have time to think about that ‘cause I’m busy with my own life, may pangarap akong gustong matupad na hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba. Ngunit gusto ko, gustong gusto, sobrang lapit na lang, bakit titigilan ko pa, hindi ba?
Napatingin ako sa text mula sa cellphone ko, kita ko ang text mula kay Esai.
Esai:
Nasa labas ako, kain tayo? :)
Hindi ko pinansin ang text nito, pagod na ako. Masiyado na akong pagod para dagdagan pa ang problema ko. Naglakad ako palabas ng school ngunit agad akong napatingin kay Esai na siyang nag-aabang sa kanyang phone.
“Elin.”tawag niya na hinawakan ako sa palapulsuhan, narinig ko lang ang tinig nito’y para na akong hinehele, parang gusto ko na agad umiyak dahil lang sa mahinang pagtawag niya sa pangalan ko.
“Can I go home? I’m too tired, I want to rest.”sambit ko na nginitian siya ng tipid.
“I’ll drop you off.”aniya. Nakatingin lang naman ako sa kanya. He was very careful habang nakatingin sa akin, ang mga matang malamyos ay parang hindi magagawang magsinungaling sa akin. Gusto kong maniwala pero… pagod na ako. Tumango ako bago tahimik na pumasok sa kotse niya.
Hindi ko na namalayan pa ang luha ko habang nakatingin sa labas ng bintana, tahimik lang akong umiyak, hindi hinayaang marinig ni Esai ang paghikbi ko ngunit hindi ko na rin namalayan ang paghinto ng kotse niya dahil sa malalim na iniisip ko. Nanatili lang kaming ganoon. Hindi siya nagsasalita, the silence is comforting, parang mas lalo lang akong hinehele para umiyak.
“I’m too tired, I don’t have time for you, Esai. Can you stop texting me? Stop going to school to see me. I don’t want to see anyone.”sambit ko nang kumalma na ako.
“I know you’re tired but let me be that person you can cry on, Asterin.”aniya, nilingon ko naman siya sa kanyang mga mata.
“Please, pagod na ako, Esai. Huwag ka ng dumagdag, please.”nagmamakaawang saad ko sa kanya. Nakatitig lang naman siya sa akin bago niya pinunasan ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata bago niya ako niyakap ng mahigpit.
“I can wait, I won’t bother you… You don’t have to reply to my text… you can ignore me... I’ll let you rest.”sambit niya, ang mga luhang huminto na sa pagtulo kanina’y parang bumabalik nanaman ngayon. Mas lalo lang napalakas ang pag-iyak ko, hindi alam kung paano hihinto.
Nang nakarating na sa bahay ay tahimik niya lang na iniabot ang pagkain na binili niya para sa akin at hinayaan akong makapasok sa loob. I can’t believe na hindi man lang ako umabot sa bahay ni Lola ng magbreak down.
Hindi ko na alam kung anong uunahin ko, ang pera ba for my unpaid tuition fee? Lilinisin ang bahay, hahagilapin si Mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi? Si Esai at Ate? Hindi ko alam. Akala ko mapapagod na ako sa pag-iyak ngunit habang hinuhugasan ang mga pinggang hindi nila nagawang linisin, tuloy tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko. Sinubukan kong buksan ang kwarto ni Mama at hindi ko siya nadatnan doon.
Ako:
Ma? Nasaan ka po?
Hindi na ako nag-expect na magrereply pa ito. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglilinis ng parte ng bahay. Nagtungo ako sa kwarto kalaunan para gawin ang mga hindi ko nagawang activities. Natigilan ako ng hindi ko mahanap ang mga painting ko rito sa loob ng kwarto. Kahit isa’y walang natira. Hindi ko alam kung nasaan, tinapon? Imposibleng itapon!
Agad akong lumabas ng kwarto nang makarinig ng ingay, hula ko’y sina Mama na ‘yon. Hindi ako makapaniwala nang makitang sobrang daming dalang mamahaling gamit ni Mama at Ate.
“Saan niyo kinuha ang pambili niyan?”tanong ko sa kanila.
“Ano nanaman ba ‘yon, Asterin? Naiinggit ka nanaman ba?”tanong ni Mama sa akin na nakakunot ang noo ngunit hindi na makakatakas ang galit na nararamdaman ko, kahit anong pilit ko’y hindi na rin mapigilan pa ang sarili.
“Mama! Hindi na parehas ng dati ang buhay natin! We’re already poor! You think you’re still Niela Guanzon ‘yong mayamang artista na hinahangaan ng lahat?”tanong ko na hindi makapaniwala.
“They’re probably disgusted hanging out with you! Hindi mo ba naririnig ang sinasabi nina Tita Eva? Wala ka na nga raw pera! Pinagpipilitan mo pa ang sarili mong makisama sa kanila! Na makiparty araw araw!”naririnig ko rin ang usap usapan ng mga kaklase ko, sinsabi ng mga magulang nila. That’s how society works. Kapag nasa taas ka, lahat ng tao’y titingalain ka ngunit kapag alam nilang nasa baba ka na’y asahan mong lahat ng tinuturing mo bilang kaibigan, mawawala lahat ng ‘yon sa isang iglap lang.
“Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng ganyan, Asterin! Wala kang galang! Bastos!”galit akong sinampal ni Mama, tinanggap ko ‘yon habang nakakuyom ang kamao. Hinayaan ko siyang pagsalitaan ako ng kung ano ano habang pinipigilan ang tuluyang pagluha.
Umalis sila sa harapan ko ni Ate, kitang kita ko ang ngisi sa mga labi nito bago niya ako nilagpasan. Naiwan ako sa sala habang pumapasok silang dalawa sa kwarto ni Mama. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng litrato namin ni Lola.
“Lola… hindi ko na po alam.”pinahid ko lang ang luhang naglandas bago naglakad patungo sa aking kwarto. Nagkulong lang ako buong gabi roon, nagawa ko naman silang ipagluto kaya alam kong hindi sila makakapagreklamo pagdating do’n.
That night, I just drifted my self away from everything, ni hindi ko sinubukang magdrawing o ano. Natulog lang ako, nagpahinga sandali ngunit kinabukasan ay bumangon muli.
Nagtungo muna ako sa tab para sana magdrawing sandali dahil hindi ko nagawa kahapon ngunit napakunot ang noo ko ng nawawala ang files ko at hindi ko rin maopen ang account. Ramdam ko ang kaba habang pilit na inaayos ‘yon, sinubukan ko pang tignan sa computer ngunit wala na rin ang mga copy ko ng drawing doon.
Palabas na ako ng kwarto nang makita ang ilang text mula kay Ate Elai. Binuksan ko naman ‘yon. Kahit paano’y hindi ko naman gustong ignorahin ito.
Ate Elai:
Asterin, Did you already see this post? Your Ate claim that she’s the writer of your comics. Also, check some of her ig post, she’s selling some of your paint.
Natigilan naman ako sa text ni Ate Elai, I was really wondering kung nasaan ang lahat ng painting ko pero hindi ko akalaing sa kanya na magagawa niyang pakialaman ‘yon. Ngayong napatunayan ko na’y hindi ko maiwasang manggalaiti habang paalabas ng pinto ng kwarto.
Agad ko silang nakita nina Mama at Auntie Rosa na nandito pala, eleganteng nagkukwentuhan ang mga ‘to, patawa tawa pa ngunit wala akong panahon para makipagtawanan sa kanila.
“Bakit ganyan ang mukha mo, Asterin? Saka late ka ng nagising imbis na maglinis ka ng bahay!”sabi ni Auntie Rosa ngunit hindi ko pinansin, agad kong hinila ang kamay ni Ate.
“What are you doing? Mas lalo kang lumalaking bastos, Asterin!”sigaw ni Mama ngunit ang galit ko’y sobra sobra kaya binitawan ko si Ate at nilingon siya.
“Do you know about this, Ma?”tanong ko na masama ang loob. Masama rin ang tingin niya sa akin dahil do’n, dumagdag pa si Auntie na siyang hindi ko rin pinansin.
“Ano nanaman ba ang pinuputok ng butsi mo, Asterin?”inis na tanong ni Mama.
“Do you know that your daughter sold my painting?”tanong ko na masamang tinignan si Ate na siyang mas matapang pa akong tinignan.
“Ang kapal naman ng mukha mo, Asterin! It’s mine!”sambit niya pa sa akin. Napakuyom pa lalo ang kamao ko ng magsalita si Mama.
“Bakit mo naman pagbibintangan ang kapatid mo, Asterin?”tanong niya na pinagkunutan ako ng noo.
“Then how will you explain this?”inis kong tanong at pinakita ang ilang painting na binenta niya sa under her name.
“And this! It’s me! The creator of that comics!”sambit ko, sobrang bigat ng nararamdaman. Pakiramdam ko’y ninakaw na rin ang isang parte ng pagkatao ko.
“Bakit ko naman ‘yon gagawin, Asterin? Baka naman illusiyonada ka lang talaga? Ikaw ‘tong madalas na gumaya sa akin, hindi ba? Ikaw ‘tong gusto akong malamangan at kahit na anong gawin mo’y hindi mo naman magawa. Now, this? Ano, hindi mo na kayang makipagkompetensiya?”natatawang saad niya pa sa akin.
“Oo nga naman, Hija, baka naman nagiilusiyon ma nanaman.”natatawang saad naman ni Auntie Rosa.
“You stop painting for almost years now, Asterin, tinalikuran mo ang lahat ng ‘yon, hindi ba? How can you say na inagaw ng Ate mo ang sa’yo?”tanong ni Mama. Hindi ko sila makapaniwalang tinignan.
“Ano bang alam mo, Ma?”hindi ko na mapigilan pa ang pagluha mula sa aking mga mata. Patang unti-unting naalala ang lahat. Mas lalo lang bumigat, para akong nalulunod sa sakit.
“Kailanman hindi ako nagreklamo, telling your friends that Ate is the best, habang ako ‘tong anak mong walang laban sa kanya, sunud sunuran sa yapak na siya ang tumapak, lahat ng gusto niyo sinunod ko… wala kayong narinig na kahit na ano noong nilalait ako ng mga kaibigan mo, hindi ba? Kahit kailan, hindi ako nagsalita kapag napapahiya na ako sa harap ng hapag, kapag bawat hakbang kong binubuo ang kumpiyansa sa sarili, dalawang beses niyo namang sinisira.”sabi ko at ngumiti pa.
“Isa lang ‘yong gusto ko… pero sinubukan mo pang ipagkait sa akin, hindi ba? When you ruin my painting? Para mo na rin akong winasak, Ma… I almost stop, muntikan ko ng talikuran ‘yong bagay na naging dahilan kung bakit nakaya ko, kinakaya ko…”umiiyak kong saad. Patuloy lang ‘to sa pagbuhos, parang hindi gustong huminto.
“I didn’t stop, bukod sa ‘yon lang ang bagay na magaling ako, pangarap ko ‘yon… hindi ako magaling sa kahit na ano… hindi ako kasing ganda ni Ate na pwede pwede mong ipagmalaki sa ibang tao pero ayos lang naman e… I have my own talent na ngayon ko lang din minahal ng sobra pero ano---para niyo na rin pong ninakaw ang pagkatao ko…”humahagulgol kong saad.
“Huwag mo kaming artehan dito, Asterin.”sabi ni Auntie na sinamaan pa ako ng tingin.
“Imposible namang nakawan ka pa ng Ate mo, bintangera ka masiyado.”natatawa pa nitong saad bago ako tinulak.
“Excuse me lang ngunit wala naman ho ata kayong karapatan para itulak ang pamangkin ko.”sambit ng isang tinig mula ss likod ko. Agad akong hinawakan nito para itayo. Kahit punong puno ng luha ang mga mata, alam kong si Mama Ella ito.
“I can’t believe you, Ate. Talaga bang hahayaan mong pagtulungan ang anak mo para lang diyan sa ampon mo?”tanong ni Mama Ella kaya pare-parehas kaming natigilan do’n.
BINABASA MO ANG
Shadow of Past
Teen FictionPlay The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata ng iba. Halos lahat din ng gawin nito'y kailangang sundan niya ang yapak. Kung saan magaling ito...