Chapter 35

2K 65 2
                                    

Chapter 35
Esai’s POV

“Esai, dalian mo lang daw sabi ni Mama!”sigaw ni Kuya nang makita niyang palabas ako ng kwarto, napailing lang naman ako at hinayaan siyang magsisigaw doon.

“Saan ka raw ba kasi pupunta? Baka maligaw ka pa diyan, ni hindi mo naman alam ang daan.”sambit niya pa na hinabol ako. Si Kuya ang pinakamalapit kay Mama, siya itong sunod sunuran sa gusto nito kaya kapag inaya siyang sumama sa mga amiga nito’y pumapayag naman dahil wala ring ginagawa.

“Basta, Kuya!”iritado ko ng saad sa kanya kaya napatawa siya.

“Aba’t ikaw pa ‘tong galit?”natatawa niyang tanong sa akin.

“Ang kulit mo, diyan nga lang.”nakasimangot kong saad, halatang nang-aasar lang naman ito kaya hinayaan niya na lang din ako.

Nagsimula naman na akong maglibot dito sa village. Sobrang lawak nito at kung pagmamasdan mo pang mabuti’y talaga namang marami ring magagandang bahay, layo layo rin ang mga ‘to kaya naman kahit na nasa iisang village ang kami, pinipili pa rin ng ilan na magsasakyan. May mga tric din na nakaparada mula sa entrance para kapag pipiliin ng ibang huwag maglakad.

I was trying to take a photo everywhere when a girl caught my attention. She was busy painting habang nakaupo lang sa may duyan dito sa plaza ng lugar. Naibaba ko naman ang camera dahil do’n, napatitig lang ako sa ngiti mula sa kanyang mga labi. I want to capture that but I want to ask for her permission first.

Itatanong ko na sana kung pwede ngunit hindi rin naman gumalaw ang mga paa ko, tuluyan na ‘tong nakatayo at nakaalis ngunit nakatingin pa rin ako sa pwestong pinag-upuan niya.

“Hoy, anong ginagawa mo diyan, bakit para kang sira na nakatulala?”natatawang pang-asar ni Kuya Koa na may mga kaibigan na agad na nakalap. May dala dala pang bola. Nailing na lang ako at nagpatuloy na lang sa pagkuha ng mga litrato.

Iniwala ko na rin naman ‘yon sa aking isipan ngunit sa hindi ko malamang dahilan, everwhere I go, nakikita ko ito. Hindi ko akalaing schoolmate ko pa siya. I always see her in our field dahil madalas akong kumuha ng litrato roon. I want to asked her pero dinadaga na ang puso kapag sinusubukan ko ng lapitan ‘to kaya ang ending wala akong magawa kung hindi ang panoorin siyang nakangiti kapag nagpipinta.

She’s always smiling kapag kaharap na ang canvas, nakakainggit. Magagawa niya rin kayo akong ngitian ng ganyan katamis? What the heck, Esai? She’s too sophisticated, kapag makikita ito sa cafeteria’y elegante ang bawat kilos, kahit mag-isa’y parang hindi niya kailangan ng kasama dahil parang wala lang ‘yon sa kanya. May ilan pa akong nakikitang lumalapit dito ngunit tinataboy lang din. 

“She’s doing an art but little did she know she’s an artwork herself…”pabulong na saad ko sa sarili habang nakatitig sa kanya. Ang ngiti sa mga labi nito’y hindi nawawala.

“Hoy, Esai!”agad kong sinamaan ng tingin si Kuya Koa nang mapatingin sa kanya. Hindi ko siya kinakausap dito sa school dahil kung ano ano lang ang sasabihin nito.

“Sino ‘yan?”tanong niya at napatingin pa sa tinitignan ko. Agad ko namang hinarang ang katawan ko kaya malapad siyang napangisi sa akin. Pabiro niya pang tinakpan ang kanyang bibig tila ba hindi makapaniwala sa akin. Nailing na lang ako at hindi siya pinansin.

“Binata ka na, Esai!”natatawa niya pang pagbibiro at sinilip pa ang tinitignan ko. Malapad ang naging ngisi niya sa akin dahil dito.

“Do you want me to ask her name?”tanong niya sa akin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya natatawa niyang tinaas ang kanyang kamay.

I tried to talk to her ngunit she ignored me, I don’t know kung hindi niya lang ba ako nakita o sadyang wala lang siyang balak makipag-usap sa kung kanino. Hanggang sa pag-uwi tuloy ay iniisip ko ‘yon.

“Ano ba, Elai? Ibalik mo na, ang tagal ng na sa’yo niyan.”reklamo ko sa kapatid na siyang inirapan lang ako, tumawa pa siya sa akin bago ako kinawayan.

“Arte! Isasauli rin! Niyan na!”sabi niya pa kaya nailing na lang ako roon. Sumakay naman na ako sa bus ng matapos ang tawag. Nakaupo lang ako rito sa gilid ng aisle habang ang bag ay inupo sa may salamin, binayaran ko na ang isang upuan, hindi ko lang gustong may katabi at maistorbo, I want to sleep kahit kaunti dahil napuyat sa shoot kagabi.

Natigilan ako ng maramdamang may natapon sa akin. Napakunot ang noo ko nang lingunon ang babaeng nagsalita sa gilid. Bahagya naman akong kinabahan ng mapagtango kung sino ‘yon. Pinanatili ko namang kalmado ang sarili.

“Sorry po!”natataranta niyang saad at hindi alam ang gagawin, hinawakan niya pa ang kamay ko ng pupunasan ko sana ‘yon.

“Miss, ano ba? Dadaan din kami!”sabi no’ng mga nasa likod niya. Nakasimangot na lanh akong umusog kahit na pa kakasabi ko lang na ayaw kong may katabi.

“I’m really sorry..”aniya pa, ang tinig nito’y tila isang musika, ang sarap sa pandinig. What the heck are you saying, Esai? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?

“It’s fine.”sambit ko at nag-iwas na lang ng tingin. I can’t believe she’s really talking to me.

“Do you have extra uniform? Do you want me to buy you? I’m really sorry! Hindi ko sinasadya!”nahihiya niya pang saad. Pilit ko namang tinago ang ngiti dahil sa kanya. She’s really pretty. 

“I’m really sorry, here’s my numb—“huminto naman siya ng sasabihin niya na sana ang number niya. Sayang.

“If you need a new uniform, you can go to 203 building.”sabi niya pa sa akin, hiyang hiya pa rin hanggang ngayon. That’s her building. Medyo malayo sa building namin but not bad. Paborito rin talaga ako ng tadhana dahil hindi lang ‘yon ang huling beses na nakausap ko siya. I can’t believe my Mom knows her Mom. 

Gulat na gulat ako ng makita siya na nakaupo sa isang gilid, tahimik lang siya roon. Kita ko ring nakatingin siya sa akin.

“Good morning,”bati ko sa kanya ngunit nag-iwas lang ‘to ng tingin.

“I told you to put some nice clothes, ‘yan hindi ka kasi nakinig sa akin.”natatawang bulong ni Kuya na hindi ko pinansin. Malapad ang ngisi niya ng tinignan ko siya, hindi nito nabanggit na nagtungo siya sa bahay nito.

Asterin Elin… her name is pretty just like her.

“I told you, she likes me.”nakangising pagyayabang ni Kuya habang pinapakita ang drawing ni Elin sa kanya. Hindi ko maiwasang mapasimangot doon.

“Paki ko?”tanong ko bago siya nilagpasan, mas lalo namang lumawak ang ngisi mula sa kanyang mga labi dahil do’n.

“Ma, binata na anak mo!”natatawa niyang sambit kay Mama na kausap si Elai. Agad naman akong nilapitan ni Mama dahil do’n.

“Bakit? May natitipuhan na ba?”natatawang pang-aasar ni Mama sa akin. Nailing na lang ako lalo na’t nang mang-asar pa sila.

Hindi ko pa maiwasang mainis ng pinagpatuloy pa ni Kuya ang pang-aasar sa akin. Inuupdate ako lagi tungkol sa usapan nila ni Asterin, as if I care?

“Elin..”hindi ko na siya mapigilan pang tawagin ng magkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin ito para kumuha ng litrato. Mukha pa siyang nagulat at napatingin pa sa paligid niya. Nagtataka pa siyang tumingin sa akin.

“Can I take a photo of you?”I asked. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi siya aware kung gaano siya kaganda.

“What will be the caption? Ugly woman, pretty painting?”natatawa niyang tanong ngunit pinagkunutan ko lang siya ng noo, how can she say that?

“I don’t take ugly pictures and so with the person.”sabi ko ngunit parang ayaw niyang maniwala.

“You’re pretty. Really.”I said.

“Maniniwala na sana ako kaya lang may salamin kami sa bahay.”aniya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. How I wish na magsalita ang salamin nito at araw araw na ipaalala kung gaano siya kaganda. I’ll be her living mirror then, I’ll tell her everyday how pretty she is.

“It looks good. You’re beautiful without even trying.”I casually said. Nakatitig lang naman ‘to parang ayaw maniwala sa sinasabi ko.

“I wish you can be more confident with yourself.”sambit ko at ngumiti pa sa kanya. I can’t believe that I really talk casually to her that day kahit na ang totoo’y habang nakatabi ko pa lang ‘to’y para ng manginginig ang tuhod ko.

“Sino ‘yan?”halos mapatalon ako sa gulat kay Kuya nang makitang nandito na siya sa kwarto ko. Malapad ang ngisi niya ng mapagtanto na si Elin ‘yon.

“Gusto ako niyan, mainggit ka.”sabi niya kaya naiinis kong hinagis ang bagay na nasa tabi ng computer ko. Ang hilig hilig mang-asar samantalang manghihiram lang naman talaga ng charger dito sa kwarto. Minsan nga’y tamang kuha na lang ‘yan ng damit ko.

“Hey.”bati ko kay Elin nang makita ko ulit siya sa court, nginitian ko lang ‘to ng malapad ng makita.

“What are you doing here?”tanong ko pa sa kanya.

“She’s with me, hindi dahil sa’yo.”natatawang saad ni Kuya Koa habang nakangisi para bang gustong gusto talaga akong asarin.

“Do you like my brother?”tanong ko kay Elin dahil ayaw din akong patahimikin ng utak kakaisip tungkol do’n.

“Huh?”naguguluhang niyang tanong.

“He said that you like him.”sabi ko pa habang nakasimangot dahil tuwang tuwa si Kuya.

“Don’t tell me, you don’t like me?”tanong nito na nanliliit ang mga mata kay Elin.

“Yeah, I like you po.”sabi ni Elin kaya napasimangot ako roon.

“I told you she likes me.”natatawang saad pa ni Kuya Koa, halatang gustong gustong mang-asar.

“I like his body and his face. He’s my reference?”patanong na sagot niya nang pagtaasan ko pa siya nh kilay.

“Reference?”tanong ko kaya tumango siya.

“So you don’t like him romantically?”tanong naman ko pa. Narinig ko naman ang halakhak ni Kuya Koa kaya sinamaan ko siya ng tingin, he said na pinapadalhan siya ng nga drawing! Gago talaga!

“Wow!”napatingin pa ako kina Kuya ng manghang mangha siyang nakatingin sa sketch ni Elin.

“Ang gwapo ko naman diyan, Asterin, hindi ko alam na ganyan mo pala ako kagusto!”dinig ko pang saad niya. Napahinto naman ako sa ginagawa dahil do’n at hindi mapigilan ang pagsimangot kahit na hindi ko gusto.

“Mainggit ka, Esai.”sabi pa niya sa akin kaya napakunog lang ang noo ko.

“Joke lang! Tignan mo! Ang gwapo mo rito!”natatawang pagtatawag niya. Hindi naman ako naniwala roon, sobrang tokis niyan e.

“Kuya Koa!”sambit ni Elin kaya napatingin ako sa kanya. Did she… did she really draw me?

“Hala, akala naman nagbibiro ako, totoo nga!”natatawang saad ni Kuya Koa sa akin.

“Can I look at it? Did you really draw me?”tanong ko kay Elin nang makalapit, napatitig pa ako sa drawing nito, hindi ko na namalayan ang pagngiti.

“Can I keep it?”tanong ko. Wow, I can’t believe it, parang noong nakaraang araw lang ay naiinggit ako sa mga drawing niya kay Kuya.

Mas napadalas pa ang pagsama namin sa isa’t isa. She’s fun to be with, I like it when I’m with her. I can’t believe that the attraction I have with her, unti-unting lumalalim.

“She’s pretty.”sabi ni Elai nang pumasok siya sa studio ko at pinakialaman pa ang laptop. Sinamaan ko siya ng tingin.

“She is.”hindi ko naman mapigilang sambitin dahil pinuri niya ‘to.

And then she met her, I can’t belive siya ‘yong kinababaliwan ni Elai dati, madalas ‘tong tumawa mag-isa dahil nagbabasa. Madalas ikwento sa akin ang comics na binabasa kahit wala naman akong interes do’n. I tried to read her comics, I’m not really fan of romance but I like it. She’s really talented, she’s good.

“I super duper like her, she’s really nice, ang ganda pa.”sambit pa ni Elai habang kinikilig pa rin dahil may autograph at picture silang dalawa.

“Even if you don’t like her, ako ang may gusto.”sambit ko naman na napakibit ng balikat. Malapad na ngumisi sa akin si Elai at as usual ng asar nanaman. Hindi ko na lang pinansin ‘yon. Hindi ko na talaga namalayan ang sariling tuluyan ng nahuhulog dito.

When I saw her cried, hindi ko alam kung anong gagawin ko, I want to wipe that tears. I don’t want to see her cry. Sobrang dilim ng sementeryo, I can’t believe she’ll really go here ng ganitong sobrang dilim.

“Lola..”tawag niya sa lola niya, tila ang pinipigilang iyak ay bigla na lang bumuhos ngayon.

“Lola, sobrang unfair ni Mama no? Why would she even do that? I know I was wrong, sana’y nag-aral pa ako, sana ginawa ko lahat para malagpasan si Ate but what can I do? Lola.. she ruin my painting,”iyak lang siya ng iyak habang nagsusumbong. I want to hug her and comfort her.

“Ang tagal kong ipininta ‘yon, Lola.”

“Why would she do that? She knows how much I love to paint..”aniya pa.

Nagsabi lang siya ng saloobin niya sa lola niya. Tahimik lang naman akong nakikinig. I want to be that person. I know her Lola won’t want her to cry without being comforted. I want to be the person she can call at night when everything isn’t right. 

“Can you call me instead?”tanong ko at pinahid ang luhang kanina ko pa gustong pahirin.

“When things doesn’t go in the way that you want it to be, can I be that person that you can share your problem with?”tanong ko pa sa kanya. I don’t want her to cry but mas ayaw ko naman na makita siyang sinasarili ang kanyang problema.

She’s also there when my darkess day came… akala ko ako ‘tong sasandalan niya but it was the other way around, she’s became my shoulder to cry on when I saw Papa cheated again.

We’re walking in our village nang makita kong may nakalingkis na babae mula sa braso ni Papa, pipili na nga lang, mas maganda pa ang Mama ko. Napakuyom na lang ako ng kamao habang nakatingin sa mga ito. I was warm. She comfort me just by a single hug. When I told my family about that, she was with me. She became the light in darkess night. I start loving her more… she help me became my family strength.

Halos araw araw galit si Kuya, siya itong pinakaclose kay Mama sa aming tatlo. Siya itong pinakamakulit pero makikita rin ang pagiging panganay niya when time likes this came. Lagi’y nagtatalo ang mga ito, gusto ni Kuya na kalimutan na ni Mama at hiwalayan si Papa. It was really hard, laging umiiyak si Mama, tinatanong kung saan nga ba siya nagkulang. Ang laging maingay na bahay ay napalitan katahimikan.

Bawat araw, nasa tabi ko si Elin, laging nasa tabi ko, hindi ko alam na mas lalo na palang lumalalim, mas lalo na pala akong nahuhulog.

It feels surreal when she said that maybe she’s jealous, ibig pa lang sabihin ay hindi lang ako ang nakakaramdam no’n. I know she’s pretty, marami rin akong naririnig na nagtatangkang pormahan ito ngunit walang pinahintulutan kahit na sino.

“So tell me, are you jealous, Elin?”tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang paglalaro niya sa kanyang mga daliri. I know that move, kabisado ko na ang lahat dito.

“Maybe I am?”patanong na sagot niya. Parang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi nito. Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko dahil do’n.

“Don’t worry you don’t have to mind me, I’ll mind my own feelings.”aniya at napakibit pa ng balikat. Hell, I will. Kahit kaunti lang ay masaya na akong may nararamdaman ito para sa akin, I really like her o baka mas malalim pa. Hindi ko pa naramdaman ito sa kahit na sino.

“Baka hindi na pupunta.”nakangising pang-aasar ni Elai when my birthday came. Napabusangot ako dahil tinawagan ko si Elin kanina ngunit hindi ko alam kung nakalimutan niya ba ang birthday ko o ano.

“Uyy, ngiti naman, lods, para kang pinagsakluban ng langit at lupa, birthday na birthday mo.”natatawang saad sa akin ni Chora, isa sa mga kaklase ko. Ito ang pinakamaingay sa classroom.

“Kain lang kayo.”sabi ko nang makita kung sino ang patungo sa may harapan para ilapag ang regalo.

“Ang tagal mo, I thought you forget that it’s my birthday.”nakasimangot kong saad sa kanya.

“Sorry na, busy talaga, busy ako sa birthday gift mo.”sabi niya at bago pa maibaba ang regalo, nahawakan ko na agad ang kamay at regalo niya.

“Where’s my greeting?”tanong ko.

“Happy birthday, Esai!”bati ko sa kanya. It was a very memorable birthday because I have her.

“Huwag mong sabihing type mo talaga si Asterin, Pare? Kinakausap ko lang ‘yon dahil kay Caroline.”nakangising saad sa akin ni Mave nang dumaan siya sa harap ko. Hindi ko mapigilang mainis sa ngising pinakita nito sa akin. Hindi ako nakikipag-away ngunit handa akong bangasan ang mukha ng hinayupak na ‘to. I tried to warn Elin but she really trust him. Alam kong masasaktan din ito dahil naikwento niya sa akin na it was the only guy na mabait sa kanya.

When Mama and Papa finally decided to annul each other, tanggap ko naman na, na hindi na maibabalik ang lahat ngunit umaasa rin ako. Elin is there, she’s always been there with me. Sobrang daming nangyari na siya ‘tong kasama ko, she’s also there in my happiest day came, it was fun looking at her draw, doing what she likes.

“Do you know that the I like this guy, La?”tanong niya pa sa Lola niya. Napaawang naman ang labi ko roon.

“What did you say?”tanong ko at kinalabit pa siya. Napatawa naman ‘to sa naging reaksiyon ko.

“Crush kita,”aniya. Fuck.

“Ako rin.”sambit ko.

Singungaling ka, Esai, hindi paghanga lang ang nararamdaman mo. Higit pa sa pagkagusto. Because of her, I started liking the sunset or maybe I just like to end my day thinking that I’ll be able to see her again the next day…

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon