Kabanata 26

3.9K 282 75
                                    

[ FLAIRE ]


Matapos ng mga narinig ko kahapon mula kila Ina ay napagdesisyunan kung umalis. Isang bag ang nilagyan ko ng kaunting damit at ibang gamit. Ang mga gamit ko sa Palasyo ay narito na rin kaya wala ng dahilan para bumalik ako doon.

Hindi rin daw natuloy ayon kay ina ang huling pagdiriwang ng Fire Festival dahil sa kalagayan ni Prinsepe Alixid. Sana ay gumising na siya.

Suot ang itim na kasuotan ay isinukbit ko ang bag sa likod at lumabas ng aking silid. Tumambad sa akin ang itinuring kong pamilya. Nagkulong ako magdamag sa kwarto ko pag-alis nila at ngayong umaga lang ako lumabas. Hindi pa rin ako kumakain dahil wala akong gana.

"Flaire..."

Tiningnan ko sila isa-isa mula kay Ina, ama, kuya Francis, ate Fanria hanggang kay Fhaire.

"Babalik ako pero hindi ko pa masabi kung kailan. Maaring buwan o taon. Gusto kong lumayo dahil masyado nang masikip ang lugar na ito para sa akin. Sa dami at bigat ng nalaman ko, hindi ko na alam kung saan ako lulugar."

Pinahid ko ang luhang bumagsak at napalingon sa dumating na sina Zack, Nathe at si Lola.

"Yung pakiramdam na alam ng mga taong nakapalibot sa akin ang tungkol sa akin samantalang ako hindi. Ang sakit. Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang katotohan."

"Mahal ko kayong lahat pero panahon na siguro para makasama ko din yung totoong ama ko."

Ngumiti ako at nagsimulang lumakad paalis.

"M-mag-iingat ka, Flaire." Taliwas sa nais ni ina na manatili ako.

Tumango ako at tinalikuran sila. Bumagsak na naman muli ang mga luha ko at habang naglalakad ay pinupunasan ko ito. Ang alam ko lang ay masyado akong nasasaktan sa mga nalaman ko.

"Flaire..."

Natigil ako sa paglakad at hinarap si Nathe at Zack. Lumapit sila sa akin at niyakap ako. Muling tumulo ang luha ko.

"Sorry, Flaire." Tumango ako.

Sila yung mga naging totoong kaibigan ko mula pagkabata pero siguro ganun nga talaga may mga bagay na ayaw nilang sabihin sa akin para di masira yung samahan namin. Nagpapasalamat lang ako na kahit ganun yung totoong pagkatao ko hindi nila ako itinuring na iba.

"Nung una pa lang na nalaman namin hindi pa rin nagbago yung tingin namin sayo. Ikaw pa rin yung Flaire na matapang, malakas at mabait. Oo nga't ikaw ang Scarlet Princess pero di ka katulad nung sa aklat. Kahit kailan 'di ka naging masama kundi pinapakita mo lang kung sino ka. Kung paano mo protektahan ang sarili mo sa ibang tao. Mahal ka namin, Flaire."

"Mahal ka rin ni Prinsipe Alixid."

Bumitaw ako at sinamaan ng tingin si Zack. Kita nang umiiyak sasabi pa ng ganyan.

"Maayos na ba si Prinsipe Alixid? Nagkamalay na siya?"

"Oo, pero masyadong mahigpit ang bantay sa silid niya at hindi siya pinapayagang lumabas mag-isa. Sasama sana siya sa amin kaso hindi siya pinahintulutan na umalis at tumapak sa mansyon niyo."

Napayuko ako. Simula ng malaman ko ang lahat nagbago ang tingin ko sa Mahal na Hari at Mahal na Reyna. Plinano nila ng maayos at ngayong dumating ang ganitong pangyayari ay bigla na lang nila akong tatratuhin ng ganito.

"Flaire, pupunta ka talaga sa Palasyo ng angkan ng Itim na apoy? Paano kung mapahamak ka?"

"Bakit mo naman naisip na mapapahamak ako e kaangkan ko rin naman sila. Ang astig diba, dalawa angkan ko."

Scarlet PrincessWhere stories live. Discover now