Kabanata 29

4.2K 275 99
                                    

Hello! This is the last point of view of Flaire at mahaba ang kabanata na ito. Basahin hanggang dulo ang naghihintay na namang twist ng buhay ng ating mga bida.

[FLAIRE DAVERSON FAVILA]

"Flaire, mapapahamak ka kapag nagtagal ka rito. Tanggap namin ng anak ko ang totoong katauhan mo pero nag-aalala ako sa maaring mangyari sayo kapag nalaman nilang nandito ka at sariwa pa ang kaalamang kalat sa bayan." Tumango ako kay Aling Lana, binalingan si Lynlyn at nginitian. Ang marinig na tanggap nila ang pagkatao ko ay isang napakahalagang bagay na sa akin.

Mula nang bumalik ako rito sa bayan, dumiretso ako sa tirahan ng mag-ina para hintayin ang taong hindi ko alam kung darating ba. Naikwento ko sa kanila ang nangyari at agad naman nilang naunawaan.

"Hihintayin ko lang po siyang dumating, Aling Lana at aalis na rin ako."

Hindi nila ako hinayaang lumabas man lang sa kanilang tirahan dahil usap usapan sa buong bayan ang tungkol sa akin. Na anak ako ng kinatatakutang hari ng kalabang angkan. Kahit na nanalaytay sa akin ang dugo ng angkan ng pulang apoy ay sumama pa rin ang tingin sa akin ng karamihan.

Wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyayari dahil iyon naman talaga ang totoo. Pero hindi ako kasing sama ng iniisip nila, kahit kailan hindi ako magiging tulad ng Skarlatang Prinsesa sa aklat.

"Hindi ka naman siguro magbubuwis ng buhay rito kung hindi mo iniibig ang ikalawang Prinsepe, tama ba?" Napaiwas ako ng tingin kay Aling Lana at pinakiramdaman ang sinasabi ng dibdib. Sa lakas ng tibok ng puso ko ay parang pinahihiwatig na tama si Aling Lana kahit hindi ko man masabi gamit ang bibig.

"At alam mong magkakagulo kapag nagkatuluyan kayo." Malungkot na pahayag niya at hindi naman ako kumontra dahil totoo.

Hindi kami pwede dahil magkalaban ang angkan namin. Hindi kami pwede dahil nakatakda akong mamuno sa angkan namin habang nararapat sya bilang kahalili ng kanyang kuya na magiging hari kalaunan.

Ngumiti ako kay Aling Lana dahil sa naisip at isinatinig ito sa kanya.

"Kung gayon, magiging tulad kami ng aking ina at ama." 

Pagdating ng hapon ay tahimik pa rin akong nakamasid sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba habang naghihintay. Sila Aling Lana at Lynlyn naman ay sumaglit sa pamilihan para sa kanilang hapunan.

Dumukdok ako sa mesa at pinikit ang mga mata. Sana'y dumating na siya.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog sa kinalalagyan ko at nagising sa tapik sa aking pisnge. Kinusot ko ang mata at binalingan ang gumising sa akin.

"Flaire..."

Natigilan ako at namamasa ang mga matang inambahan ng yakap ang taong hinihintay kong dumating kanina pa. Narinig ko itong dumaing pero isinantabi ko at hinigpitan ang yakap.

"Sorry, Prinsepe Alixid!" Ngayon ay naluluha ko nang paumanhin. Naramdan ko naman ang pagganti niya ng yakap na siya namang nagpalakas pa lalo ng kabog ng dibdib ko. Maliban pa dito ay parang nawala ang mabigat sa dibdib nang makita at mayakap siya.

Bumitaw ako sa yakap at pinagmasdan siya. Ganun na lamang ang paghinga ko ng malalim nang makitang wala siyang galos o sugat man lang. Alam kong tumakas lang siya at hindi ko alam kung anong ginawa niya para ligtas na makarating rito.

Scarlet PrincessWhere stories live. Discover now