Kabanata 4

6K 318 21
                                    

[FLAIRE]

"Lady Flaire ito na po ang inyong uniporme." tumango ako sa ginang at iminuwestra na ilagay na lamang niya sa aking kama.

"Salamat po."

Pagka-alis nito ay agad kong isinuot ang uniporme.

Mahabang manggas na blusang puti ay panloob ng pulang bestida. Ang bestida ay apat na pulgada ang taas sa tuhod. Hanggang tuhod naman ang medyas at dalawang pulgada naman ang taas ng pulang sapatos. Huli kong inilagay ang pulang kurbata at saka sinuklay ang buhok.

Malamang na hindi pa ako papasamahin sa mga gagawin sa klase pero papasok ako sa bawat asignatura na kasama ang ibang estudyante. Ang alam ko ay kaklase ko sina Prinsepe Alixid, Nathe at Zack kaya hindi naman ako mahuhuli.

Kinatok ko ang pintuan ni Prinsepe Alixid at agad naman itong bumukas. Nakasuot na rin siya ng kanyang uniporme. Mahabang manggas na puting polo na pinarisan ng asul na kurbata at pantalon.

Nauna siya maglakad at sumunod naman ako. Pagkalabas namin sa tarangkahan ay naroon na ang dalawa suot ang katulad na uniporme ng Prinsepe.

"Bagay na bagay sayo ang uniporme, Flaire"

"Sa inyo din haha"

Hindi pa nagsisimula ang klase dahil hindi pa tumutunog ang kampanilya na nagsasabing oras na ng klase. Marami na ring estudyante ang nasa paligid na tumatambay.

May napapatingin rin sa amin. Sa akin at lalo na sa Mahal na Prinsepe.

"Maliban sa pakikipag-away ay hilig niya rin pa lang makipaglandi."

Putcha! Nagpanting tenga ko sa sinabi niya. Hindi ko gawain ang gawain niya. Gaga siya.

Hinarap ko ang nagsabi nito at sinamaan siya ng tingin pati na rin ang mga kasama niya.

"Nasa loob ka ng palasyo ngunit ganyan ang lumalabas sa iyong bibig. Mula ka sa Angkan ng Kahel na Apoy ngunit kung pagsalitaan mo ako ay mas mababa pa sayo. Isa akong Daverson, Miss Kulang sa Aruga." inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglakad.

"Hindi siya marunong makipaglandi tulad ng sinabi mo, ang hilig niya makipagbasag-ulo. Pero kung titingnan, mas babae pa siya kesa sayo."

Mas maganda pa. At mas malakas pa.

Nang matanaw ko na ang silid para sa unang klase ay ngumiti ako. Kahapon ay itinuro sa akin ito ng dalawa kaya alam ko kung saan matatagpuan. Habang palapit ay napansin ko ang dalawang nakatayo malapit sa pinto. Mas lumawak ang ngiti ko nang makilala ito.

"Ate Fanria! Kuya Francis!"

Bumaling sila sa akin at ngumiti. Tumakbo naman ako papunta sa kanila at niyakap sila. Natawa naman kami pareho sa ginawa ko.

"Pasensya na kung huli. Maligayang kaarawan Flaire, ang babaeng sakit ng ulo ng pamilya haha." tumawa ako sa kanya. Inabot naman niya ang hawak na papel na kahon sa akin. May pulang laso ito na malamang ay isang regalo.

"Maligayang kaarawan din Flaire, Namiss ka ni Kuya." tumawa ako sa kanya at niyakap siya. May inabot rin siya sa akin ngunit mas maliit kesa sa kahon ni ate Fanria.

Scarlet PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon