Kabanata 20

4.6K 295 45
                                    

[ FLAIRE ]


Mabigat ang pakiramdam pero pinilit kong magmulat. Nasa silid ko ako ngayon at napalinga sa pintuan nang bumukas ito.

"Gising ka na pala." Aniya at inilagay ang dalang tray sa mesa at lumapit sa akin. Umupo ako at sumandal sa may ulunan ng kama nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Nakita kitang nakahandusay sa sahig kaya dinala kita rito sa silid mo. Ano bang ginawa mo nitong mga nagdaang araw at pagod na pagod ka?" Umupo siya sa dulo ng kama at inabangan ang sagot ko.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako pero pinilit ko pa ring magsalita. Napatingin ako sa orasan at napansing dalawang oras akong nawalan ng malay. Pero kulang pa rin para bumalik ang lakas ko. Ngayon lang yata lumabas lahat ng pagod ko yung hindi na ako nag-eensayo kaya nawalan ako ng malay. Dagdag pa ang mga narinig ko.

"Nag-eensayo..." para sayo. Gusto ko sanang idugtong pero huwag na lang.

"Di ko akalain na paghahandaan mong talaga ang Festival kung kaya't ganyan na lang ang pag-eensayo mo." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kahit na ayaw ko sanang sabihin ay masasabi ko na lang dahil iba ang inakala niya sa ensayong ginagawa ko.

"Hindi ako nag-eensayo para sa festival, nag-eensayo ako para sayo." Natigilan siya at seryosong tiningnan ako. Napangiti ako.

"Matapos sabihin sa akin ng mahal na hari na opisyal mo na akong tagapagbantay ay ginugol ko ang mga nagdaang araw para mag-ensayo upang maging magaling na tagapagbantay mo." At hindi pa sapat iyon.

Di pa rin siya umiimik at tahimik lang na nakatingin sa akin. Yung ngiti ko ay napalitan ng ngisi.

"Matunaw ako, Prinsipe Alixid." Sa halip na iiwas niya ang paningin ay nanatili ang titig niya kaya nakaramdam na ako ng pagka-ilang. Ako na lang nag nag-iwas ng tingin at binaling sa dala niyang tray. Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya tatayo na sana ako nang siya na ang tumayo at dinala ang tray sa harap ko.

Inilapag ko ang tray sa hita ko at nagsimulang kumain habang siya ay tahimik na bumalik sa pwesto niya kanina at tumingin na naman sa akin.

Nagtataka ako kung bakit wala man siyang reaksyon o sasabihin sa mga sinabi ko sa kanya. Nabigla ba siya? Patapos na ako kumain- di pa rin ba siya magsasalita. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong siya nang nagtatakang tingin.

"Wala ka talagang sasabihin?" Tanong ko at inilagay ang tray sa kalapit na mesa. Binalik ko ang tingin sa kanya at naghintay.

"Di mo kailangang magpapagod mag-ensayo dahil hindi ko na kailangan ng tagapagbantay."

Natigilan ako at di makagalaw sa pwesto habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pagiging seryoso niya sa sinabi na naging dahilan para tumulo bigla ang luha ko.

A-akala ko matutuwa siya pero hindi pala. Napayuko ako habang tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Kitang-kita ko pa ang pagbagsak nito sa mga kamay ko.

Gumalaw ang kama at naramdaman ko na lang siyang tumabi sa akin at hinila ako para yakapin. Nakasandal ang mukha ko sa dibdib niya at nababasa ko na ang damit niya.

"A-ang ibig kong sabihin, ayaw kitang makitang ganito ulit, mawalan ng malay dahil sa pagod kaka-ensayo. Totoong di ko na kailangan ng tagapagbantay kasi ang kailangan ko ay... ay..."

Tuloy tuloy pa rin ang pagluha ko habang hinihintay ang karugtong ng sinasabi niya pero lumipas na lang ang ilang segundo ay wala pa rin.

"Pasensya na, di ko sinasadyang maging iba ang dating sayo ng gusto kong iparating."

Scarlet PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora