Chapter 2

18 1 0
                                    

Chapter Two
ENJOY READING 😻

"Zoleen, dont be mad na, hmm?" pagsusuyo ni Kuya Zeke sa bunso namin.

"Zen, masyado kang komportable diyan ah. Parang umasta ka diyan ako lang kanina 'yong tumawa dito sa bunso natin." pagrereklamo pa nito. 

Masyado akong nasasarapan sa pagkain dito sa CosNet Restaurant, para isipin pa ang panay kain din na si Zoleen. Kaya ganoon nalang ang asta ni kuya Zeke.

"Hayaan mo muna kasi siya. Tutal naman mamaya babalik na iyong sigla niya kapag bundat na siya sa kakakain." sagot ko sa kaniya.

Knowing Zoleen, she loves eating. Lalo na kung hindi agahan, dahil hindi talaga ito naghiheavy breakfast. Ngayon ay wala itong pake sa usapan namin ni kuya. Na para bang ito lang at walang kasama. Nakalimang cup na ito ng rice ay panay parin ang kain. 

Habang ang napiling ulam nito ay grilled barbecue, spicy buttered shrimp, at lahat halos ng seafoods ay nasa harapan namin. Iba't-ibang putahe nga lang ang pagkakaluto. Halos nagmumukbang na kami ditong tatlo sa dami ng pagkain na inorder namin at nakakamay pa. 

"You know brudah's, I'm not mad, okay? I just feel like eating all day so let me have the peace while eating. Wag kayong madaldal diyan. Kumain lang kayo para masaya." wika nito habang naghihimay ng crab.

Tiningnan ko naman si kuya ng look na, 'See? I told ya.'

Nagkibit balikat lang ito at nagpatuloy na din sa pagkain.

Hayst, salamat naman at 
makakain na ako ng walang istorbo. 

"Etext mo nalang si Hector na magpapasundo tayong tatlo dito sa mall." utos ni kuya Zeke kay kuya Zen.

"Okay, boss." sarkastikong sagot nito.

Tapos na kaming kumain at nandito kami sa labas ng mall. Nasa gitna ako ng dalawa kong buddy guard este ng mga kuya ko. 

Bitbit nila ang mga paper bags na laman ay mga pinamili kong corporate attire. Nakajeans lang ito pareho. Habang ako naman ay nakasuot ng isang big shirt at pinaresan ng white shoes. 

"Stop sucking your lollipop like that," angil ni kuya Zeke sa akin ng makita akong nilalaro ang lollipop.

"Kuya, paano bang kumain ng lollipop na hindi sinisipsip, huh? Sa pagkakaalam ko sabay 'yon sa pagkain ng lollipop, dinidilaan at sinipsip." inosente kong rason sa kaniya.

"Zoleen. Zoleen, our dearest baby sister. Inosente kapa nga at ganiyan nalang ang sagot mo. Pero 'yong klase kasi ng pagkakadila at sipsip mo ay para kang bihasang-bihasa. Wag mong gagawin iyan sa harap ng ibang lalaki, okay?" wika ng kuya Zen.

"Malisyoso kasi kayo! Kung hindi niyo bibigyan ng ibang kahulugan ang ginagawa ko eh wala tayong problema" sagot ko.

"Tumahimik na kayong dalawa at baka pag-umpugin ko mga ulo niyo." pagalit na wika ng kuya Zeke na ikinataas ng kilay namin pareho ni kuya Zen.

"Ang totoo, may ubo ba utak mo kuya?" tanong ni kuya Zen na na ikinatawa ko. "Ikaw 'yong sumita kay Zoleen kanina at sinegundahan ko naman. Tapos ngayon ikaw pa may ganang magsabi ng ganiyan eh ikaw naman ang nagsimula." dagdag pa nito na ikinatango-tango ko. 

Natahimik naman ito at kibit-balikat lang ang naging tugon sa 'ming dalawa ni kuya Zen.

Maya-maya lang ay nag-ingay ang phone nito dahilan para mapatingin kami sa kaniya.

"I'll just take this call." pagpapaalam nito sa amin bago dumistansya.

"Where are you Zeph Kellan? tanong agad ni dad sa kabilang linya na parang kinakabahan.

IN ANOTHER LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon