Chapter 39

5 0 0
                                    

I am shaking but I still managed to ask the nurse. 

"K-Kilala niyo po ba ang pasyente?" Tanong ko. 

"Yes po. Actually kilala niyo din po ang taong 'yon dahil matagal niyo na siyang nakasama," sagot niya sa akin. 

"Ano po'ng pangalan?" Tanong ko.

"Brixton Walton, Ma'am."

Para akong tinangalan ng tinik na 'di ko mawari dahil napangiti ako habang patuloy ang paglandas ng luha sa aking pisngi.

Salamat, oh diyos ko! Piping pasasalamat ko sa maykapal.

Pinasalamatan ko muna ang nurse bago ako nagkumahog iwan ito at puntahan ang nasabing room ni Tito Brix. I smiled how I called Brixton, 'tito' in my mind inspite of all the bad things he did to us. Well, I forgive but not forget. Pinahid ko muna ang basa kong pisngi bago ko binuksan ang pinto ng hindi man lang kumakatok. Bagay na pinagsisihan ko dahil hindi ko hinanda ang aking sarili sa ganitong eksena.

Puno ng saksak at tama ng bala ang kinilalang ama ni Rence. Napakalaki ng butas ng ulo nito dahil sa tama ng bala. Ang katawan nito mula leeg pababa sa paa ay parang pinaglaruan ng kutsilyo dahil sa mga saksak. Ang dalawang palad ay butas din dahil sa tama ng baril. Gilalas at kilabot ang aking naramdaman. Dali-dali akong lumabas at dumiretso na sa banyo. I can't help myself not to vomit with what I have seen on that room. Parang bumaliktad talaga sikmura ko literal dahil nahilo ako bigla sa kakasuka. Pero bago ako mawalan ng malay ay may matikas na bisig ang sumalo sa lupaypay kong katawan. 

Hindi ko namalayan ang oras at nagising na lang ako sa tumutugtog.

Ay, iyaiyai
Ay, iyaiyai
Ay, iyaiyai

Where's my samurai?
I've been searching for a man
All across Japan
Just to find, to find my samurai
Someone who is strong
But still a little shy
Yes I need, I need my samurai

Ay, ay, ay
I'm your little butterfly 
Green, black and blue
Make the colours in the sky

Ay, ay, ay
I'm your little butterfly 
Green, black and blue
Make the colours in the sky

Napaupo akong sinabayan ang tugtog. This is my alarm, sheyt! . I badly missed this. Inulit-ulit ko pa at nilakasan. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na narinig ko 'to. Dati kasi tanda ko kung paano ko 'to gigil na i-off dahil antok pa ako. Sa ganoong pagkakataon lang ako nainis sa kantang 'to kapag ginigising niya lalo pa't antok pa 'yong tao. Pero sa mga panahong lugmok ako lalo na no'ng nagluksa ako sa pagkamatay ni Rence-na hindi naman pala talaga patay ay ito ang kantang kasa-kasama ko. This song may seem odd to other people but for me, it is something that can ease my pain or anything bad that I am feeling. Kahit 'yong iba ginagawang katatawanan. Like, 'Ay, ay, ay ang nagbabasa bahog puday. Ang ginagawa ko ay tumatawa na lang.

Kung sa iba siguro ay napakanormal lang ng kantang 'to. Pero sa akin, sabayan ko lang 'tong kantang ito ay pakiramdam ko nawawala ako sa reyalidad na mundo. Mundong pakiramdam ko lahat may kapalit. Mundong walang permanente tanging pagbabago lang. Kaya naisip ko kailangan kong galingan ang paglangoy at pagsunod sa agos ng panahon dahil ako lang naman ang malulunod o mahuhuli kung hindi. At alam ko lahat ng nangyayari ay may dahilan. Nasa atin na lang kung paano natin hawakan at pag-igihan na lampasan. Sumasalig na lang ako sa ideyang hindi lahat ng problemang 'to ay tatagal. Ika nga nila, there's always a rainbow after the rain.

"Napakaganda ng umaga ko!" Dali-dali kong nilingon ang aking leeg at hinanap ang boses ng nagsalita.

 Si Rence. Naka- de kwatro sa isang upuan ko sa gilid.

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. Ngiting sa ilang araw akala ko ngayon ko lang naisukli sa kaniya. 

"At ang gwapo din ng taong unang bumungad sa gising ko," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Kung ganito siguro palagi kahit maglabada ako sa'yo araw-araw." Nakakalokang tugon ko. Habang lumapit at humarap sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IN ANOTHER LIFEWhere stories live. Discover now