Chapter 10

7 0 0
                                    

Chapter Ten

Minsan maganda din ang mapag-isa pero minsan hindi rin. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang dalawin ako dito ni Brent, at hanggang ngayon ay wala pa rin itong pasabi o anuman lang sa hindi pagbisita nito ulit.

I hate dad for taking him away from me! He's the reason maybe why Brent didn't keep his promise again to me this time. 

"Aaaaaaaaaaah!" Sigaw ko dito sa kwarto ko. "Bakit ba kasi pumayag pa ako na kakausapin nila si Brent sa labas at hanggang ngayon hindi pa bumabalik! Ang sabi pa naman nila eh kakausapin lang nila. Pero grabi namang pag-uusap dahil tumagal ng dalawang araw!" Mukmok ko dito sa kwarto. 

Puro paghihilata lang ang nagagawa ko dito sa hospital. Kumpleto naman sana ang kwartong 'to sa mga kagamitan kaya kung iba siguro ay 'di magiging boring ang stay. May internet connection. May refrigerator na punong-puno ng mga pagkain. May malaking flat screen tv din na isang pindot mo lang sa remote ay kaya mo nang makita ang gusto mong pelikula lalo na sa netflix.

 Iyong bed ko dito sa hospital ay napakakomportable dahil talagang ito ang kwarto ko sa hospital na 'to. Bukod sa office ni kuya Zen na hindi ordinaryong opisina lang ay may isa pa itong kwarto dito sa 49th floor. Ang 49th floor ay may apat na kwarto na inookupa naming pamilya kapag na-hospital. Kagaya nalang nito, katabi niya ang apat na kwarto pero bakante itong lahat at imposible silang magkarinigan kung nandito man. 100 square meter ang sukat nang tig-iisang kwarto namin. They say, our rooms are massive for a normal room. Mas lalo na ang kay kuya Zen na buong 50th floor ang opisina nito. Gusto sana ni dad na tig-iisang floor kami kaso sabi namin ni kuya ZeKe eh hindi na. Masyado ng malaki ang espasyo ng bawat kwarto namin para okupahin pa ang buong floor. Sayang pa 'yon dahil 25 rooms na ang mailalagay na maookupa ng mga pasyente sa bawat floor. 

Kung iba siguro ay chill lang ang buhay. Pero hindi ako. Siguro chill naman ako sa part na maginhawa kami pero hindi sa ibang aspeto. Gusto ko ng oras at atensyon. Gusto ko 'yong may kinakausap akong tao. May mga pagkakataong din gusto kong mapag-isa at meron ding hindi, katulad nang sa ngayon. Gusto ko ng kasama. Gusto ko kausap si Brent. Charoot, hahaha. Landi mo selp, pota!

Natawa rin ako nang wala sa oras dahil sa mga iniisip ko.

"Kamusta na kaya si Nanay Tin sa bahay?" Biglang sabi ko. "Matawagan nga." Nag-dial ako ng numero sa telepono. Halos ring lang ito ng ring at wala talagang sumasagot. Kung kailan naiinip na siya at ibaba na sana ay do'n palang may nagsalita.

"Ay, hello?"

Dalawang salita pa lang ang binigkas ng taong nasa kabilang linya ay kilalang-kilala niya na agad ito. At ito mismo ang kailangan niya ngayon at naisip lang kanina.

"Nanay Tin, ikaw nga!" Buong kagalakan niyang bungad dito ng sagutin ang tawag.

 "Ako nga, Zozo. Pasensya na at matagal bago ko nasagot dahil busy ako dito. Madaming pinapahanda ang kuya mo ZeKe dahil ngayong araw ka raw lalabas diyan sa hospital," sabi nito na ikinagulat ko.

"P-Po? Tama ho ba ang narinig ko na ngayon ako lalabas sa hospital?" Paniniguro kong tanong.

"Oo naman! Bakit 'di ba sa'yo nasabi ng mga kapatid mo."

"Wala po, Nay Tin," sagot ko.

"Ay, abaw! Baka sorpresa 'yon sa'yo? Abaw! nasabi ko na kung sekreto man 'yon," bigong sabi nito.

"Hala ka, Nanay Tin! Sabihin nila kuya ay spoiler ka," sabi niya dito na hinalinhinan ng tawa sa huli.

"Ulok-ulok ka pa diyan!" (Tawang-tawa ka pa diyan)

Hindi man niya nakikita ang mukha nito pero sigurado ay nakabusangot ito habang sinasabi ang mga 'yon. Kung naririnig siguro nila kuya at dad ang sinabi ng Nanay Tin niya ay aarko naman ang mga kilay nito at ngingiwi dahil sa ulok-ulok na sinabi ng yaya niya. Bastos daw kasi ang ulok sa bisaya na ang ibig-sabihin ay parte o payong ng ari ng lalaki, 'yong sa may tip daw, iyong kapote ata. Basta 'yon na 'yon. Natawa siya sa deskripsiyon niya. Pero ewan ko lang sa ibang bisaya dahil iba-iba naman nito ang ibig sabihin. Iyon kasi ang binigay na kahulugan ng kuya niya. Magkaiba sa gustong sabihin ng yaya niya na ang pakahulugan lang ay tumatawa o tawang-tawa. 

IN ANOTHER LIFEWhere stories live. Discover now