Chapter 3

21 0 0
                                    

Chapter Three

Halos segundo lang kung bibilangin ang naging pagsakay ko sa sementadong bilog bago makarating sa underground na 'to.

At ito pa, pagkababa na pagkababa ko lang sa bilog na 'yon ay naabutan kong nagpipigil nang tawa ang dalawa kong kuya sa akin. Iyon ang tagpong lalo kong kinainisan. 

"Akala ko 'di ka sasakay dahil sa hihihinging unlock position." komento nang kuya ZeKe.

"Nandito na 'ko sa harap niyo. Ibig sabihin sumakay ako kahit labag sa loob ko ang pesteng  dog style na iyon!"

"HAHAHAHAHAHA." bunghalit na tawa nila sa akin dahil sa sinabi ko.

"Makakasanayan mo rin ang ganoong posisyon dahil parati tayong pupunta dito." si kuya Zen habang nangingiti parin.

"How are you so sure that I'm going here again and pose like a freaking dog?" nanghahamong tanong ko.

"Because you don't have a choice not to oblige what dad will say to us." kuya ZeKe.

"Edi wow." sarkastikong sabat ko.

"Your attitude is really different. You're hard headed. At minsan 'di kita matantiya dahil sa ugali mo. May pagkakataong gusto mo makipag-argumento nalang. May pagka-isip bata ka din. Minsan super mature. May pagkamasunurin din. Minsan naman akala mo santa- santita sa harap namin nila dad. At parang 'di makabasag pingan. Iyon pala demonyita din."

"Kuyaaaa ZeKe?!"

"Why? Hindi ba totoo naman?"

"Ikaw, wala din preno bibig mo. Ang harsh mo kuya, grabe!" komento ko. "Nakadepende kasi lahat ng 'yon sa sitwasyon, kuya." pagrarason ko pa.

"Susss, sitwasyon daw. In short, she really is abnormal. HAHAHAHAHA." kuya Zen.

Isa pa 'tong kuya Zen, ang harsh din. Maka- abnormal grabe. Malala pa kay kuya ZeKe. Napaka salbahe ng mga ugali. Hindi ko mareach!

"Iniisip mo ngayon na salbahe kami, hindi ba?" kuya ZeKe.

"Kailan kapa naging manghuhula?" sarkastikong tanong ko.

"Base lang sa itsura mo ngayon. Kaya nasabi ko."

"Actually kuya, hindi lang naman ngayon ang kasalbahian niyo sa akin. Palagi naman." wika ko.

"We're not Dasovich siblings if savageness is not present in our every utterance. It runs in our blood you know." pagrarason nito.

"Agreed." kuya Zen.

"Agreed ka sa kaniya, because?" tanong ko dito.

"Anong because? Dapat ba may dahilan ang pag-agree ko kay kuya?" naguguluhang tanong nito.

"Don't mind her. It just a trend statement in socmed now. Maybe she'd just testing you if you're updated of what's happening, the trends in socmed, and everything." saad ng kuya ZeKe.

"Akalain mo 'yon? Ang bising si Captain Zeph Kellan sa pagpapalipad ng mga eroplano at pamamahala ng aming paliparan ay updated sa mga nangyayari sa socmed. Galiiiiing grabe!" napapalatak na wika ko.

"So now that I didn't pick up what you've said, I'm outdated?" inis na tanong ni kuya Zen sa'kin. Na ikinatawa namin ni kuya ZeKe.

"Malamang!" sagot ko dito.

"Because I'm busy with the patients in our hospital. And I don't have time reading those memes! Inlike you, you're just busy in scrolling in your feed and singing your, 'Ay, ay, ay, I'm your little butterfly. Green, black and blue make the colors in the sky." panggagaya nito sa pagkanta ko.

IN ANOTHER LIFEWhere stories live. Discover now