Michael on the side --------------------------->
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 7: The Bet
Gab's POV
"WHAT THE FVCK ARE YOU GUYS DOING?!"
Nakita kong unti unting nanlaki yung mga mata nila ng makita nila ako.
"Patay!" Rinig ko pang bulong ni Cody.
Patay talaga! Bwiset tong tatlong to! Nagawa pang manuod habang gumagawa ng milagro tong Austine na to. Napansin kong humiwalay na si Austine dun sa babae at inaayos na yung damit pero yung babae kapit tuko padin sa kanya.
"Layuan mo nga ako!" Inis na inaalis ni Austine yung kamay nung babae na nakakapit sa braso niya.
"But baby we almost do it." Pag iinarte nung babae.
Hindi ko alam kung sadyang makati lang ba o talagang makapal ang mukha ng babaeng to at hindi manlang nahiya na makipag lampungan kahit ang daming nanonood. Hindi siya pinansin ni Austine at tinanggal yung kamay niyang nakakapit sa braso ni Austine. Kabado namang lumapit sa akin yung apat.
"Ahhh Gab yung tung----"
"Save it. We'll talk later. I'll meet you at the house." Yun lang yung sinabi ko sa kanila bago tumalikod at umalis.
Mamaya kami mag tutuos. Bwiset!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Darwin's POV
Kakaalis lang ni Gab ng isa isa naming binatukan si Austine.
"Aray! Tangna bakit niyo ko binatukan?!" Inis niyang sigaw samin habang hinihimas himas yung ulo niya.
"Nag tatanong kapa eh ikaw naman dahilan kung bakit tayo mapaparusahan mamaya ni Gab!" Sabi ko sa kanya na kinasimangot niya. Nag simula na ko mag lakad paalis dun, ramdam ko naman na nakasunod sila sakin.
"Haaay matinding sermonan nanaman to." Pag mamaktol ni Cody.
"Ayoko ng mag linis ng CR ulit!" Driring diring sabi ni Cole. Gusto kong matawa dahil naalala ko kung pano siya mandiri habang nag lilinis ng CR non.
"What happened?" Bungad samin ni Michael.
Nandito na kami sa parking lot ng maka salubong namin siya.
"Diba may klase ka pa? Why are you here?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin bago mag shrug. Wala talaga tong kwenta kausap.
Dumeretso na ko sa kotse ko habang nag papaliwanag sila Cole kay Michael kung anong nangyari.
"So ayun nga nahuli kami ni Gab habang pinapanood si Austine." Sabi ni Cody.
"Kung hindi lang naman kailangan bantayan si Austine kung gagawin niya talaga yung pustahan hindi sana kami mahuhuli ni Gab." Dugtong naman ni Cole.
Oh yeah did I mention na dahil sa pustahan kaya kami nanonood ng almost sex nila Austine? Kung hindi, now you know.
"Tsk! Sino ba kasi nag sabi ng ganyang pustahan? Diba kayo?!" Inis na sigaw sa kanila ni Austine.
"Tssss. Bahala kayo mag away basta kailangan makauwi na tayo kundi mas matinde ang mangyayari satin. You know Gab, be late or your dead." Agad naman silang nag si puntahan sa mga kotse nila except kay Michael na pa petiks petiks lang. Tsss. Palibhasa hindi siya nakita don.
Pumasok na ako sa kotse at nag simula ng mag maneho pauwi. Syempre habang nag mamaneho ako ay humihingi na ako ng tulong sa lahat ng santong kilala ko. Aba mahirap harapin ang galit ni Gab noh! It's either hindi niya kami papansinin katulad ng dati and more than a week nanaman kaming walang matinong pagkain bukod sa fast food o paparusahan niya kami na mas hihilingin mo nalang na hindi ka gumawa ng kalokohan.
BINABASA MO ANG
Being The Playboys Bestfriend (Completed)
General FictionSabi nila pag mag bestfriend daw ang lalaki at babae in the end maiinlove din sila sa isa't isa. Eh pano kung lima ang bestfriend ko? Ano yun? Lahat sila maiinlove sakin? Tapos ako maiinlove sa kanilang lahat? Hay nako! Basta isa lang ang sig...