The Interview

2K 29 4
                                    

The Interview

*This interview was set before the book 2 so kung ano mang magiging sagot nila dito ay base sa perspective nila after ng New Years Eve.*

May isang babaeng nakatayo sa harap ng gate ng bahay ng lima. Halatang narito silang lahat dahil sa naririnig niyang ingay. At ito’y rinig na rinig ng babae.

“Hoy! Akin na nga yang brief ko! Favorite ko yan eh!” Sigaw ng isang lalaki ngunit parang batang nag mamaktol ang tono nito.

“Ayoko nga! Sabi mo diba susupportahan mo ko? Edi supportahan mo ko gamit tong si superman. Akin nalang ah!”

“Hoy! Teka! Ibalik mo sakin yan!”

Hindi mapigilan ng babae matawa sa naririnig niya pero dahil trabaho ang pinunta niya dito, agad niyang tinaas ang kamay at pinindot yung doorbell.  Ilang sandali lang pagkatapos niyang mag doorbell ay bumukas ang pintuan ng bahay at mula doon isang babae ang lumabas at lumapit sa kanya.

“Sino po sila?” Tanong nito sa kanya. Ngumiti naman siya dito.

“I’m Belle Morales. I’m the journalist na tumawag sayo nung isang araw for the exclusive interview for the Q and A of your book.”

Belle extended her hand at sandal siyang tinitigan ng kaharap bago inabot ang kamay niyang nakalahad at marahan siyang nginitian.

“Ahhh yes naalala ko na. Sorry I actually forgot. Busy kasi ako these past few days. By the way I’m Gabrielle Jacobs. Nice to meet you Belle.” Gab guiltily smiled.

Gabrielle Jacobs also known as Gab. The one and only princess of the top 5 Bachelors sa Business industry.’ Belle thought.

“It’s okay. Pwed—“ Hindi natuloy ni Belle yung sasabihin niya ng bigla silang nakarinig ng malakas na kalabog at malakas na tawanan.

Kumunot naman yung noo ni Gab at tumingin sa may likuran niya.

“ANO NANAMANG GINAWA NIYO?!”

Malakas na sigaw ni Gab.

“Uy! Wala akong ginagawa ah! Si Cody yung nakabasag eh!” Dinig nilang boses ni Cole mula sa loob ng bahay.

“Hoy anong ako?! Ikaw yung nakasagi eh!” Sagot naman pabalik ni Cody.
Gab pinched the bridge of her nose at nahihiyang ngumiti kay Belle.

“If you don’t mind interviewing a bunch of crazy dudes.” Gab said and Belle shakes her head.

“No. Not at all.”

“Then I guess we better get started. Pasok ka.” Tumalikod na si Gab para pumasok sa bahay at nakasunod naman si Belle sa kanya.

When they got inside the house ang una niyang napansin ay ang magandang interior ng bahay but that was interrupted ng marinig niya ang boses ni Gab.

“What the?! Sinong nakabasag nito?!” Inis na nakaharap si Gab sa dalawang lalaking mag kamukhang kamukha.
Cody and Cole Reed. The twins that is known to be playful and charming.’ Belle thought.

“SIYA!” Sabay pa nilang sagot sabay turo sa isa’t isa.

Sa gilid naman nakasandal ang isang lalaki habang natatawa sa napapanood niya.

Austine Khan a certified lady’s man.’ Belle thought.

“Ugh! Bakit ba kasi kayo nag hahabulan?! May bisita tayo oh. Hindi manlang kayo umayos.” Inis na sermon ni Gab.

“Ano nanaman to? Ang ingay niyo kamo.” Sabi ng isang boses ng lalaki.

Mula sa hagdan isang lalaki ang pababa dito. Halatang bagong gising lang ito dahil bukod sa ‘I just woke up’ look ay para itong batang kinakamot kamot pa ang mga mata nito.

Being The Playboys Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon