chapter 2

1.8K 95 21
                                    

UNEDITED!!!

ERRORS AHEAD!

***PAALALA***

MAGIGING MABAGAL ANG SUSUNOD NA MGA UPDATE. SANA PO AY MAINTINDIHAN NINYO NA MEDYO MAY NANGYAYARING WRITER'S BLOCK SA'KIN SA KASALUKUYAN...  AT SINUSUBUKAN KO PO ITONG LABANAN SA PAUNTI-UNTING PAGSUSULAT.

KAILANGAN KO SIGURONG GUMALA PAMINSAN-MINSAN...
😆😆

ENJOY READING🥰😘


Evie Les' POV

Matapos marinig ang proposal ni Trey at matiyak ang pagpayag niya sa proposal namin for the BG project ay agad akong nagpatawag ng emergency meeting sa board members and directors na pawang mga share holders ng kompanya.

Maging si Tito Brenon at Tito Totz ay present sa nasabing meeting.

Hindi ko alam kung bakit parang masama yata ang pakiramdam ng mga pinatawag ko  for this emergency meeting.

Kapansin-pansin ang paninigas ng mga ito sa kanilang mga kinauupuan at may ibang pinagpawisan pa sa kabila nang malakas na aircon.

Tuwing may nakakasalubong ang mga mata ko ay mabilis na nag-iwas ng tingin ang kahit na sino  sa mga kaharap ko sa conference table.

"Huwag masyadong intense ang paninitig," pabulong na sabi sa'kin ni Florae.

Isa rin pala sa mga narito ang babaeng ito.

Hindi ko alam kung bakit nandito ang isang ito dahil kalimitan ay hindi naman ito nakikialam sa mga pangyayari  sa kompanya.

Matapos tumigil sa showbiz at magpakasal doon sa artistang si Rave at mag-anak nang mag-anak taon-taon ay ito ang unang beses na dumalo sa meeting ng kompanya ang babaeng ito.

"Nananakot ka na naman ... malayo pa ang undas," muli ay mahina nitong bulong sa'kin at sinadya pang ilapit sa'kin ang upuan nito upang madali akong mabulungan.

Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng kapatid king ito kaya lalong nangunot ang noo ko.

Isang malakas na tikhim ang umagaw sa pansin ko mula kay Florae na eksaherado pa talagang napabuga ng hangin nang mawala sa kanya ang atensiyon ako at nabaling kay Tito Brenon na siyang tumikhim.

"Muntik na akong  magka-frostbites doon ah."

Bumulung-bulong pang sabi Florae pero  hindi ko masyadong naintindihan dahil napakahina at medyo lumayo pa talaga siya nang konti sa'kin.

Naalibadbaran ako sa likot ng babaeng ito. Bakit ba ito pa ang naging katabi ko?

"So, kailan daw ang official signing of contract for the BG Project?" Tanong ni Tito Brenon habang nire-review ang kontratang nakatakda naming ibigay kay Trey Buencamino.

"Anytime na ma-finalize na ang kontratang ipapasa natin," pormal kong sagot.

"These are all good to go," tumango-tangong pahayag ni Tito habang nasa kontrata pa rin ang mga mata . "Wala naman siguro kayong nakitang  problema dito sa mga nakasaad sa kontrata 'di ba?" Bigla nitong baling sa panig ng board of directors na sabay-sabay na napalunok at mabilis na nagsiiling.

The Devil's Ice Queen   ('d Garcia's #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora