chapter 1

4.6K 116 18
                                    

UNEDITED!!

ERRORS AHEAD!!

PAALALA:

SUPER BAGAL NG MAGIGING UPDATES DAHIL ALAM NI'YO NA... BUSY PO TAYO SA KANYA-KANYA NATING MGA PROBLEMA... (nagdrama pa talaga🥴)

ANYWAYS, ENJOY READING PO...

MEDYO MAGULO PA ITO KASI NUNG SINULAT KO ITO AY SINABAY KO SA BAGYO😅... OPO, BINABAGYO PO KAMI ( I mean parating daw, masama na iyong panahon diyo sa'min)...

INGAT PO TAYONG LAHAT

🥰😘

"We need this project! Kailangan mapasa-atin ang BG contract," seryosong sabi ni Don Krino sa harapan ng buong board of directors.

Lahat ng mga naroon ay inaakala lang na simpleng paghahangad ng karagdagang koneksiyon at yaman lang ang pakay ng Garcia's Empire kaya gusto ni Don Krino na mapasakamay ang BG project maliban kay Evie Les na tahimik na nakikinig sa ama niya.

Ang ama niya pa rin ang CEO ng buong Empire at siya lang ang pumapalit kung wala ito.

Alam na alam niya kung gaano kahalaga sa Daddy niya ang BG project at maging sa buong pamilya nila.

Nakasalalay sa BG project ang natitira nilang pag-asa upang magkaroon ng lead sa pagkawala ng Tita Titz niya na isa sa kambal na kapatid ng Papa niya.

Huling lead nila sa Tita Titz nila ay ang pagpunta nito sa Isla Beuncamino. Ang isla kung saan itatayo ang pinakamalaking underwater mall o tinaguriang BG project.

Mahigpit sa security ang buong isla at kahit maimpluwensiya ang buong angkan nila ay di pa rin nila kayang pasukin ang nasabing isla.

Isa itong tinaguriang hidden paradise at tanging piling tao lang ang pwedeng tumuntong sa islang ito.

There's a membership and it cost million of dollars plus a very impressive background.

Tanging prominent people lang ang tinatanggap bilang member at masyado silang mahigpit sa privacy.

Bago pa mabaliw ang Tito Brenon niya na isang kilabot na kingpin of Asia at pasabugin ang buong isla ay kailangang mapasok na nila ito.

Ilang beses na nilang sinubukang magpa-member pero ang lintik na sumusuri sa membership application nila ay palagi silang binabagsak.

Laging denied ang application ng kahit na sinong Garcia na labis na ikinagigil ng buong angkan.

Tita Titz is not a member pero inimbita ito ng isang member before siya naglahong bigla.

Di naman nila matrace kung sinong kaibigan ang nag-imbeta sa Tita niya basta ang sigurado ay kompirmadong nakatapak ito sa Isla Buencamino bago tuluyang nawala halos isang taon na ang nakalipas.

Na-background check na nila ang may-ari ng isla at maliban sa pagiging tuso at halimaw nito sa negosyo ay wala na silang ibang nakuhang impormasyon sa lalaking iyon.

Masyadong malinis ang pagkatao nito at di nagtitiwala si Tio Brenon niya sa kahit na sinong may malinis na background.

Kung mapasakanila ang BG project ay magkaroon sila ng free access upang makapunta sa Isla Buencamino.

Hahalughugin nila ang buong isla upang mahanap ang kahit na maliit na lead na magtuturo sa kinaroroonan ngayon ng Tita nila.

Konting linaw lang sa kung anong nangyari sa Tita nila ang hanap nila ay siguradong malalaman na nila kung nasaan ito.

The Devil's Ice Queen   ('d Garcia's #2)Where stories live. Discover now