chapter 9

1.4K 93 39
                                    

UNEDITED!

ERRORS AHEAD!

JUSKI, NANDIYAN PA BA KAYO? PASENSIYA NA AT TALAGANG MATAGAL UPDATE RITO.



Di pa man tuluyang nakalapit ang sinasakyan naming golf buggy ni Trey sa isang modernong tatlong palapag na bahay na halos gawa sa salamin ang buong dingding ay tanaw ko na kung gaano karangya ang buong lugar.

Naka-landscape design ang buong front yard ng bahay at agaw pansin ang artificial waterfall sa sa isang bahagi ng bakuran.

The place is simply magnificent, with a combination of nature and modern architecture.

So, this is how a villa in the famous Isla Buencamino looks like.

Mula sa bahay ni Trey ay ilang metro pa bago ang susunod na villa at tulad nitong nasa harapan namin ay nagsusumigaw rin ito ng karangyaan at di matatawarang galing ng sinumang nag-design nito.

"D*mn," mahinang mura ni Trey na kumuha sa atensiyon ko mula sa mga paghanga sa mga natatanaw ko.

Nang sulyapan ko siya ay nakatuon ang atensiyon nito sa partikular na direksiyon sa mismong bahay niya.

Nang tingnan ko ang tinitingnan ay gusto ko ring mapamura dahil parang reyna na nakatunghay sa'min mula sa ikalawang palapag ng bahay ang Lola niya at di ito nag-iisa, may kasama itong ilang mga kababaihan.

"Well, it seems that she has access to your own villa," walang gana kong komento.

"I didn't find anything wrong about giving it to her until now," paungol na sagot ni Trey bago tuluyang pinarada ang  minamanehong golf buggy.

"Let's go, it's time for some acting," nangingislap ang mga matang pahayag ni Trey.

Binalewala ko na lang ang kakaiba niyang inakto na para bang excited siya na pakitaan ng acting skills namin ang kanyang Lola.

Kahit di naman kailangan ay inilalayan niya akong makababa ng sasakyan at lumingkis agad sa baywang ko ang isa niyang braso pagkababa ko.

"Akala ko talaga ay masolo kita ngayon," bulong niya sa'kin.

Gusto ko sana siyang pagsabihan sa kakaiba niyang kinikilos pero may mga salubong na sa amin.

"Trey, oh my gosh! Long time no see," masayang salubong sa'min ng isang mestisang babae.

She's beautiful, a fairy like beauty  with a body of a porn star, not bad! Just perfect for the likes of Buencamino , who is a total womanizer deep down his cold exterior and reputation.

Mukhang magkakilala sila ni dahil bumitiw sa'kin si Trey upang salubungin ng yakap ang babae.

"Oh my God, Letecia! It's so nice to see you here," tuwang-tuwang pahatag ni Trey.

Hindi ako nagpakita ng kahit bta anong ekspresyon sa'king mukha. Effortless sa'kin ang ganitong bagay pero di ko maiwasang makaramdam ng neglegence mula kay Trey bilang girlfriend niya... sa mga mata ng ibang tao.

Nang makita ko ang pagsungaw ng Lola niya mula sa loob ng bahay kasunod ang ilang mga babae ay isang aral na ngiti ang ibinigay ko rito.

Isang makahugang ngiti ang naging tugon nito sa'kin bago dumako ang tingin kay Trey at sa tinatawag na Letecia.

"Trey, do you know that Letecia prepared all your favorite foods?" magiliw na anunsiyo ng matandang Buencamino.

Pinilit kong huwag itong ikutan ng mga mata. Akala niya ba ay magkaroon ako ng reaksiyon dahil sa ipinagluto ng iba si Trey?

The Devil's Ice Queen   ('d Garcia's #2)Where stories live. Discover now