chapter 5

1.3K 96 31
                                    

UNEDITED!

ERRORS AHEAD!

ENJOY!🥰😘

Pagkarating ko sa Buencamino Building ay dire-diretso ako pasakay sa private lift deretso sa floor na kinaroroonan ng opisina ni Trey.

Mabuti na lang at walang code itong private elevator  niya kaya pwedeng gamitin kahit nino basta handa ka lang bugahan ng apoy ng demonyong may-ari. In my case, wala akong pakialam sa kanya at lalong wala akong pakialam sa mga empleyado niyang nagtangkang pigilin ako.

Hindi naman nila natuloy ang balak nang tapunan ko sila ng isang nababagot na tingin.

Hindi ko alam kung bakit bigla silang namutla at parang tinulos sa kanilang kinatatayuan kaya pasimple ko tuloy pinaraanan ng tingin ang repleksiyon ko sa salaming dingding ng elevator upang matiyak na mukha pa akong tao at hindi isang multo na parang bumangungot sa mga nadaanan kong empleyado.

Hindi ako mahilig sa make-up kaya natural ang mamula-mula kong pisngi at malalantik kong pilikmata. Ang dark red lips ko lang ang kulay na angat na angat sa mukha ko at sinadya ko iyon upang madaling tumino sa utak ng kahit na sino ang bawat katagang lumalabas sa mapupula kong mga labi.

Hindi rin ako ang klase ng taong laging naka-business attire dahil kaya kong mag-opisina na nakapambahay pero gano'ng  awtoridad pa rin ang kaya kong ipadama sa lahat ng mga nakakasalamuha ko.

For me, authority over others is not about what you wear but how you act.

Me wearing elegant and classy attire and me wearing my pajamas demanded the same authority and air of superiority.

Nang bumukas ang sinasakyan kong elevator ay napataas ang kilay ko dahil agad bumungad sa'kin  ang  secretary at assistant ni Trey na halatang inaabangan ang sinumang lulan ng elevator.

Sa unang pagkakataon ay nakita kong may natuwa sa presensiya ko nang mamataan ako ng dalawa kahit na halatang kabado sila.

"Where's Trey?" pormal kong tanong sa kanila.

"In his office, Miss Garcia. He's waiting for you."

Tinanguan ko lang ang assistant na sumagot bago dumeretso sa opisina ni Trey at tulad nang nakagawian ko ay walang katok-katok akong  pumasok.

"Honey, what took you so long?"

Nanigas ako nang bigla ay isang nakangiti at malambing na Trey ang sumalubong sa'kin.

Muntik na akong mabuwal mula sa pagkakatayo nang bigla ay mabilis na lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Mabuti na lang at nakayapos sa baywang ko ang isa niyang braso kaya di tuluyang bumigay ang mga binti ko dahil sa gulat.

"So , this is the girlfriend?"

Nabaling ang atensiyon ko sa biglang nagsalita.

Noon ko lang napansin ang ilang pares ng mga matang nakamasid sa'min ni Trey.

"My grandmother is here... together with her new list of women," pabulong na anas ni Trey sa'kin.

Kung titingnan ay para lang siyang naglalambing na ginawaran ng halik ang buhok ko.

Sinulyapan ko muna ang parang mga kalahok sa beauty pageant na tatlong kababaihan bago tumuon ang atensiyon ko sa isang aristrokatang matanda.

I'm not into pleasing anyone at lalong di ko alam kung paano pakitunguhan ang isang Lola.

"Hello, Mrs. Buencamino... it's nice meeting you," walang emosyon kong bati rito. I just hope that she's a Buencamino!

Hindi ko siya kilala dahil walang nabanggit na Lola sa background investigation na ginawa ni Tito Brenon kay Trey Buencamino. Napag-alaman ko lang ang tungkol sa kanya noong binanggit siya ni Trey at ngayon heto't kaharap ko na siya.

The Devil's Ice Queen   ('d Garcia's #2)Where stories live. Discover now