Aleydis

302 22 27
                                    

Aleydis



"Nandiyan ka na ba, Chloe?" I saw the person I walked by flinched because of the loudness of my voice, may halong irita pa sa kanyang mukha.

Nakaiinis naman kasi si Chloe! Sinabi niya kanina noong na sa Grab ako na on the way na rin siya. Tapos ngayon, sasabihin niyang on the way pa rin siya?

Ano 'yon, sobrang stuck sa traffic kahit siya pa ang mas malapit sa meet up place namin? Saang kalsada ba ang dinaanan niya at parang ang haba? Hindi na ako magugulat kung na sa langit na pala ang gagang 'to!

Narinig kong humalakhak si Chloe sa kabilang linya. I groaned and kept cursing at her as I crossed the pedestrian line. Syempre hinintay kong mag-green 'yong walking sign dahil mahirap ng tumawid habang may katawagan, baka ako pa ang mauna kay Chloe sa langit kung nagkataon.

"Malapit na ako, I swear!"

"Malapit na rin kitang itakwil bilang kaibigan, Chloe!" I shouted, making the people around glance at me.

I mouthed, "Sorry," to them at baka isipin nilang sobrang bad-mannered ko naman.

Hindi naman ako madalas ganito kaingay makipag-usap sa phone lalo na't na sa labas, sadyang nakakabwisit lang ang kaibigan kong hindi tumutupad sa pinag-usapang oras!

"Ito naman! Kanina kasi—"

"Oo na, bilisan mo na lang. Hindi ako interesado sa palusot mo," putol ko sa kanyang nais sabihin.

"Nandiyan ka na ba?" hirap na hirap siyang magpigil ng tawa.

Umirap ako kahit pa hindi niya kita at sumagot, "Malamang!"

"Galit na galit!"

"Kapag ikaw wala pa rito within ten minutes, friendship over na tayo," pabiro kong pananakot.

"Hoy! Ito naman!" she exclaimed, "malapit na talaga ako, promise! Mga five minutes na lang."

"Siguraduhin mo talaga, Chloe!"

"Oo nga, pasok ka na sa loob para maka-reserve ng upuan natin," utos niya.

I glanced at the fast food restaurant where we were supposed to meet and catch up with each other's lives. Sobrang lapit lang ng place ni Chloe rito na kumpara naman sa akin na halos two hours drive!

"Hindi naman punuan ngayon," I told her, "pero oo na, ibababa ko na 'to at papasok na ako. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao na parang anytime may papatayin ako."

"Kaduda-duda ka naman kasi talaga, mukha kang galit sa lahat ng nilalang sa mundo," pakikisabay pa niya.

Sa sobrang pikon ko sa kanya ay binabaan ko na ng tawag. Sobrang init ng panahon ngayon, pakiramdam ko anytime hihimatayin ako dahil nag-iinit din ang ulo ko kay Chloe.

Nakasimangot akong pumasok sa restaurant at agad humanap ng bakanteng lamesa para sa amin. Hindi gaanong karami ang mga tao sa unang palapag ngunit umakyat ako sa ikalawang palapag upang tingnan kung mas konti ba ang nandoon.

Panigurado akong maggagaguhan lang kami ni Chloe kaya ako na ang nag-adjust para hindi makasagabal ng ibang mga tao.

The second floor was a refreshing sight to see. There were less people and the city's view was visible because of the wide transparent window. My eyes wandered around the place to search for a perfect spot.

There were people besides the spot I wanted. I was about to shrug it off when my eyes recognized the people talking.

Parang tanga?

Dito pa talaga?

Kung sinadya 'to ni Chloe para lang sirain ang araw ko, sana madapa siya sa pagbaba ng sasakyan!

Teka LangWhere stories live. Discover now