Wakas II

440 27 22
                                    

Wakas II




December thirty came and everyone across the city was looking forward to the year-end party. Hati ang populasyon sapagkat sa dalawang malalaking venue ng syudad magaganap ang events.

"Para akong tinatamad," rinig kong sabi ni Drake mula sa telepono.

Naka-loud speaker ito habang kumakain ako ng tanghalian. Si Niel ang sumagot kay Drake, "Ano ba 'yan? Kung kailan mismong araw na?"

"Oh, kumakain lang ako rito, ha. Labas ako sa LQ ninyo," pang-aasar kong may kasamang halakhak.

"Gusto lang namang pumunta ni Niel sa year-end party dahil nayaya niya 'yong ultimate crush niya," Drake annoyingly hissed.

"Anong problema mo ro'n? Nagseselos ka?" patuloy ko sa tukso.

Drake immediately answered, "Gago, ako lang ang walang kasamang date sa ating tatlo. Konting respeto naman sa walang love life!"

Tawa kami nang tawa ni Niel dahil tunog hopeless romantic talaga si Drake. Ewan ko rin kasi, noon ang dami niyang nagugustuhan.

Dagdag pogi points pa raw niya 'yong pagiging matalino, payat na matangkad at ang kulot niyang buhok na kulang na lamang ay habulin ng suklay.

Mula talaga no'ng nabasted, tumigil na ring tumingin sa iba at maglaro... he still hadn't told us the reason why but maybe Aleydis knocked some senses in him for him to change into this.

"Ayos lang 'yan, Drake, may pa-fireworks display pa si mayor mamaya kaya tumuloy ka na," pagkumbinsi ko na ngayon, sayang naman kasi kung 'di niya makikita."

"Puta, aakbayan niyo lang 'yong mga ka-date ninyo habang nanonood ng fireworks display. Sabay tatawagin ako para kunan kayo ng pictures nang nakatalikod. Tapos tamang change profile picture with the caption: still you in the next years," he stated in full mockery.

Hindi na ako matigil sa pagtawa dahil parang pinagkaitan talaga si Drake ni lord ng love life.

"We'll give you the full credit," pakikisabay ni Niel.

"Mama mo credit, baka nakalilimutan mong friend lang ang turing sa 'yo no'n... ikaw lang nag-iisip na date 'yon," tukso pabalik ni Drake.

"Alam mo, Drake, kung letse ang buhay mo, huwag mo na akong idamay," Niel fired back, ako namang tawa pa rin nang tawa, "hindi ko kasalanang pangit ka."

"Itong si Dario tamang laugh trip na lang sa gilid. Kapag talaga naletse ang relasyon ninyo ni Cleneo, hahalakhak din ako nang malakas," ako naman ngayon ang tinarget ni Drake.

Eventually, we ended the call to mind each other's businesses. I spent the whole afternoon lying on my bed and chatting with Cleneo.

She kept asking me what clothes should she wear or made me choose between two clothes. Hindi naman ako nabagot dahil sa ganitong paraan ko siya nakikilala, her style and little details were the things I wanted to memorize.

"Seryoso ka ba talaga, Dario?" she asked for my approval for the nth time, ngayon ay tumawag na.

"Oo nga, kung gusto mo video call pa tayo para makita mong okay nga lang sa akin," I assured her.

Agad naman niyang ni-activate 'yong video call option. Nagulat pa ako at ang nipis lamang ng kanyang damit pang-itaas kaya kita ang kanyang balat.

I didn't mind, I mean of course I was shocked but after it, I convinced myself that that kind of outfit was normal to wear kapag na sa bahay.

Teka LangWhere stories live. Discover now