Wakas IV

663 32 70
                                    

Wakas IV
Note: You can use #TLAtinAngGabi in posting/tweeting your reactions or thoughts so that I can see them as well.

Nagkatinginan kami ni Niel nang humalakhak muli si Chloe. Siya lang naman ang na sa harapan namin, magkasama kami ngayon dahil may duty kami maya-maya sa magaganap na contest ng school.

Worry was painted all over my face. I seriously didn't like Chloe for that guy. Then Niel? Probably he already finished his slides presentation having the reasons why Chloe must reject the guy.

Hindi naman kami bitter at mas lalong hindi rin namin pinipigilan si Chloe magka-love life.

Kung papatol naman pala siya sa gago, bakit sa iba pa? P'wede namang kay Drake na lang.

"Mga mukha ninyo," she hissed, annoyed.

We were transparent with our opinions so she clearly knew that we weren't in favor of that guy, we wanted her to think about it first.

Matalino si Chloe, oo, pero sabi nga: kung sino pa magaling sa academics, siya pa ang bokya sa pag-ibig.

"Ayaw niyo ba akong nakikitang masaya?" she asked us, her brows creased.

"Masaya ka ba talaga?" hirit ni Niel.

Pinanlakihan ng mga mata ni Chloe si Niel at sumagot, "Hindi ba obvious?"

Niel rolled his eyes as if he was tired persuading Chloe to ditch that guy.

Seriously, sa sobrang pangit niya, hindi ko na maalala ang pangalan.

"You know he came from that school," I reminded Chloe.

From what we've gathered kasi since that guy interrupted Chloe's peaceful life, he came from a school that had most gangs. Balita ko pa puro rebelde at liberated students do'n.

Noong unang kita ko rin sa lalaki ay 'di naging maganda ang kutob ko and I almost vomit when I noticed hearts surrounding Chloe's eyes when she saw him.

Chloe snorted, "So? Kinikilala ko naman 'yong tao, hindi ako tanga, Dario. I'm aware he's from that school and what most students there are like... but he's now here with us!"

"Masyado mo namang pinapaganda image niya sa isip mo. Sa una lang 'yan dreamy, 'pag tumagal sakit na ng ulo," Niel hissed.

"Ang dami mong sinasabi, wala ka lang love life."

"Hindi mo ba napapansin, Chloe? Na parang ang bilis ninyo naman? Parang kahapon lang we officially started senior high, then you met him," may gigil sa aking tono.

Nitong bakasyon, pumasok ako sa isang learning center bilang part time. Marami-rami din akong naturuang mga bata at mukhang ngayon, si Chloe naman ang tuturuan ko para mamulat ang babaeng 'to.

"E bakit kayo ni Cle? Mabilis din naman ang proseso ninyo noon," balik niya sa akin, "saka nanliligaw 'yong tao. 'Di ko naman sasagutin nang basta-basta-"

"Pero ipakikilala na sa mga magulang? At sa mismong birthday mo pa? Nando'n si Drake, Chloe. Alam ba ni Drake 'to?" sunod-sunod na tanong ni Niel.

Mukhang napikon na talaga si Chloe nang sumagot, "Hindi 'to alam ni Drake at wala akong balak sabihin sa kanya. Gusto niyo lang makakuha ng kakampi, e. Saka sino ba si Drake para malaman niya 'to? Oo, kaibigan ko siya pero buhay ko 'to at hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan ko ng opinyon ninyo."

She quickly stood up and turned her back at us. We watched her walk away from where she left us.

"Tingin mo ba sumobra na tayo?" I asked Niel with a blank expression, "I mean, she has a point... 'di na bata si Chloe para diktahan saka buhay nga niya naman 'yon..."

Teka LangWhere stories live. Discover now