TL #67

258 22 2
                                    

Messenger

president chloe mabangis
Active Now

Sige ganito

Malimit ko na kasing makikita si Dario sa personal mula bukas dahil nga busy ako sa pag-aasikaso ng upcoming election at ibang bagay... saka ang alam ko, may inutos din sa kanya 'yong head teacher ng SSG at 'di magtutugma schedule namin.

Susubukan ko ring kausapin si Cle para magkalinawan, sana hindi na magwala.

susunod na president mabangis:
Gusto ko ring kausapin sina Dario at Cle sa personal... para mas mapanatag si Cleneo.

Sige sige pero huwag muna ngayon, okay? I'll arrange when basta huwag muna ngayon.

Swear, 'di mo maka-uusap nang mabuti si Cle sa lagay niya ngayon. Sarap sampalin.

Wala akong alam sa relasyon pero I think Cleneo is acting immature handling their relationship. 'di ba trust and honesty are the main foundation of love, kung pareho sila ni Dario ng mindset... 'di siya maghihinala sa mga bagay na wala naman siyang kasiguraduhan.

Plus, halos magt-three years na nga yata sila ni Dario... tingin ko dapat sa oras na 'to hindi na siya ganito mag-isip.

Magtatagal ba sila kung nanggagago si Dario? Magtatagal ba sila kung hindi naman seryoso si Dario? Sa loob ng taong pinagsamahan nila, ni-isang beses wala tayong nabalitaang nanloko si Dario.

I may sound biased pero real tea lang.

Teka LangWhere stories live. Discover now